Kabanata 29

1.3K 43 2
                                    

Nung hapon niyaya agad ako ni Miko na mamasyal sa park dito sa Maynila. Pinayagan naman kami ni Tita Charlene basta daw uuwi agad kami at huwag magpapagabi.

Naglakad lang kami papunta dito sa park dahil malapit lang naman. Nandito kami sa playground nitong park. Naglalaro itong kapatid ko samantalang ako nakaupo lang sa isa sa mga bench dito.

Malawak din itong park tapos madaming puno kaya mahangin dito. Nakita ko namang papalapit na saken yung kapatid ko. Siguro pagod na 'to maglaro.

"Ate bibili lang ako ng ice cream." Paalam ng kapatid ko.

"Sige bumalik ka kaagad ah."

Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad paalis para bumili ng ice cream.

                 

                   CLARK's POV

Napadaan ako sa may park habang nagmamaneho. May nakita akong mga batang kalye na may inaaway na isang bata. Mga bata talaga ang hilig sa away tsk!

Sinasabi ng konsensya ko na tulungan ko yung batang inaaway ng mga street children kaya itinigil ko yung kotse ko sa isang tabi dito sa may gilid ng park at lumabas ako sa kotse ko para sawayin yung mga batang umaaway sa isang bata.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila at bigla akong nagsalita ng akmang susuntukin na nung isang batang kalye yung bata na inaaway nila habang hawak sa damit ito. Nakita ko namang napapikit yung batang susuntukin na sana.

"Hep hep hep bakit kayo nang-aaway ha? Baka gusto nyong dalhin ko kayo sa pulis." Pananakot ko sa mga batang kalye. Nakita ko namang nagulat yung mga batang kalye pati yung batang inaaway nila.

Agad namang binitawan nung isang batang kalye yung batang susuntukin nya sana at nagtatakbo na sila palayo. Hahaha natakot sa akin. Kahit pala gwapo kinakatakutan na din ngayon haha!

"Ayos ka lang ba toy?" Tanong ko sa bata.

"Opo salamat po at dumating kayo kundi baka nasuntok na po ako nung mga yun." Napangiti naman ako sa kanya.

"Walang anuman toy. Teka! May kasama ka ba pagpunta dito?" Tanong ko sa bata.

"Meron po yung ate ko. Tara po sa kanya at sasabihin ko po sa kanya na niligtas mo po ako dun sa mga batang kalye para po makapagpasalamat din po sya sa inyo." Ang galang naman ng batang 'to. 18 pa lang ako pero feeling ko ang tanda-tanda ko na dahil nagpopo na sya sa akin haha.

Napangiti ako sa kanya. "Sige para makilala ko din yung ate mo." Sarkastikong tugon ko dito sa bata. Hindi ako playboy ah! Para kasing may kung ano sa sarili ko na gusto din makilala ang ate niya.

Naglakad na kami dito sa loob ng park. Teka! Bata ako ng bata bakit hindi ko tanungin kung anong pangalan niya.

"Ahmmm toy anong pangalan mo?"

"Miko po. Ikaw po Kuya?" Tanong naman nya saken.

"Clark."

"Ang ganda po ng pangalan nyo pang mayaman talaga." Mahina naman akong natawa sa sinabi niya.

"Salamat."
"Eh yung ate mo anong pangalan?" Tanong ko pa sa kanya.

"Eloisa po." Biglang napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Si Eloisa ang ate nya? Si Eloisa na taong gusto ko o baka naman kapangalan lang niya?

Naeexcite na tuloy akong makita yung ate nya. Sana nga si Eloisa na taong gusto ko ang ate nya.

"Yun po sya oh." Turo nya sa babaeng nakaupo sa isa sa mga bench sa may playground nitong park. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang si Eloisa nga na taong gusto ko ang nakikita ko ngayon.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon