Kabanata 8

1.6K 56 3
                                    

Napatulala ako sa kanya. Paano ba naman kasi nakatopless siya. Tanging boxer shorts lang ang suot nya tapos kita pa yung V line ng ano nya. Hoooh!

Mas gwapo sya sa personal kesa sa picture nya. Yung labi nya my gosh! It's so really damn sexy. I can't help but to stare on it. I wanna kiss his red lips!

Oo nga pala sabi ni Ate Crystia kay Ma'am Precila baka nagshoshower itong si Clark tama nga siya kaya pala may damit sa ibabaw ng kama niya. Napatingin ako sa may tiyan niya. OMG! Napapalunok ako sa matigas na bagay na nakikita ko sa tiyan niya. Parang gusto kong maglaway sa nakikita ko! Shet mga bes! May pandesal sya at anim pa! Parang gusto ko iyong lapitan at himasin hihihi! Waaah! Ano 'tong naiisip ko? ERASE! ERASE!

"Hoy!" Bigla naman akong natauhan nang bigla syang magsalita. "Sino ka? At tsaka bakit nandito ka sa kwarto ko?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Maniwala kaya sya sa sasabihin ko?

"A-Ah eh bagong kasambahay ako dito. Pinapunta ako ni Ma'am Precila dito para sabihin sayo na kumakain na sila kaso nakailang katok at tawag na ako sa pangalan mo wala man lang sumasagot kaya tinignan ko na kung nasa loob ka. A-Akala ko wala ka yun naman pala nasa cr ka lang." Sana maniwala sya sa sinabi ko. Nakatitig lang sya saken para bang sinusuri nya Kung nagsasabi ba ako ng totoo. Di ko naman maiwasang mapatingin sa katawan nyang hot lalo na sa pandesal nya!

"Talaga ba?" Parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

"O-Oo. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Di ako magnanakaw noh!" Nagwalk-out na ako. Oh diba ang taray ng lola nyo? Wahahaha!

Nagdiretso agad akong kusina. Lintik yan nadiscover kong may daan naman pala papuntang kusina na di dumadaan sa dining area nila dumaan pa ako dun nakakahiya pa naman.

"Angela bakit di mo sinabi saken na may gwapong boylet pala dito." Bulong ko kay Angela. Natawa naman sya.

"Hindi ka naman nagtanong." Tumawa pa sya ng mahina bago ako iniwan dito sa kusina.

Nakita kong nandito na si Clark sa dining area nila. Ang bilis ah! Kaaalis ko lang nandito na agad sya. Bigla syang ngumiti ng nakakaloko nang makita nya ako. OMG! Kinikilabutan ako sa ngiti nyang yun. Hindi kaya ikinuwento nya na nakita nya akong nasa kwarto nya!? Naku! lagot baka sesantihin ako ng maaga! Wag naman!

Niligpit na namin ni Angela yung pinagkainan nila pagkatapos nilang kumain. Kami namang apat ang kumain pagkatapos naming magligpit. Dito pala kung anong pagkain nila yun din ang pagkain namin. Ang bait nila kung sa iba ito walang ganito.

Ako ang naghugas ng pinggan pagkatapos naming kumain. May sarili kaming pinggan, kutsara, tinidor at baso na ginagamit dito. Nagdiretso na agad kami ng kwarto pagkatapos masigurado na patay lahat ang dapat patayin haha! Kagaya ng ilaw na nasa kusina sa likod. Dalawa kasi ang kusina nila meron pa sa likod dirty kitchen ang tawag kahit hindi naman dirty haha! Yung ilaw dito sa maganda nilang kusina tsaka yung gasul at sinigurado namin na nakalock ang pinto dito sa kusina.

Agad na dumamba ako sa kama. Nakakapagod ang araw na ito gusto ko ng matulog.

Ang ingay naman nung relo na yun. Mali pala cellphone ko pala yun nag-alarm nga pala ako kagabi bago matulog. Pagmulat ko ako na lang pala ang nakahiga. Nasan na sila? Medyo lumiliwanag na sa labas. Ganito pala kapag namamasukan kailangan gumising ng maaga.

Nakita kong kalalabas lang ni Angela sa cr. Naligo na pala sya. Ang aga naman kailangan ba talaga maligo muna bago magtrabaho? Ang lamig kaya! Wala na rin akong nagawa kundi maligo na rin. Ayoko namang mag-amoy mabaho ako kapag nagserve sa kanila.

Paglabas ko nakita ko agad si Sir Victor yung asawa ni Ma'am Precila na nagdidilig. Nang makita nya ako pinalapit nya ako at tinuruan nya ako kung paano magdilig gamit yung hose. Enjoy ko nga ang pagdidilig kasi parang naglalaro lang. Tinuruan nya din ako ng tamang pagmomop ng sahig. Nakakapagod 'to kasi dalawang beses kailangan imop yung sahig ng buong bahay. Imagine napakalaki nitong bahay nila! Tulong naman daw kami ni Angela pero kahit na dito ako mahahaggard ng bonggang-bongga eh! Gusto ko sana magreklamo na huwag na lang kaming magmop pero anong magagawa ko kasama 'to sa trabaho namin. Si Angela ang nagmop nung kusina papuntang dining area tsaka sa laundry corner. Ako naman ang magmomop sa balcon at sa mga kwarto. OMG! Makakapasok na naman ako sa kwarto ni Clark!

Natapos na akong magmop sa balcon. Kinatok ko muna yung kwarto nila Ma'am Precila at nagmop sunod ay yung kwarto ni Ate Crystia at Ate Crystal and last ay yung kwarto na ni Clark ang momopin ko. Nasa tapat pa lang ako ng kwarto niya kumakabog na yung dibdib ko. Bakit kaya? Kinakabahan ako na parang ewan. Hindi ko maexplain! Kumatok muna ako sa kwarto niya at sinabing imomop ko yung sahig binuksan nya naman yung pinto. Akala ko wala na namang sya dito eh haha! Sinimulan ko ng imop yung kwarto niya. Nasa kama lang sya habang busy sa pagcecellphone. Napapangiti pa nga sya minsan sa cellphone nya. Siguro may kachat 'to. Baka kachat nya yung girlfriend nya? Sa gwapo nyang 'to kaya pa mawalan 'to ng girlfriend. Kung ako ang liligawan nya sasagutin ko sya agad hahaha! Alangang magpachoosy pa ako eh sa gwapo nyang 'to.

Bigla syang bumaba sa kama nya habang nakatingin lang sa cellphone nya? Ano bang meron sa cellphone nya? Parang gusto ko iyong kunin at tignan. Nacucurious ako!

Nagulat ako nang madudulas sya unang hakbang pa lang nya sa sahig. Agad naman akong napalapit at inalalayan sya pero dahil mas mabigat siya saken na out of balance kami pareho at natumba sa kama. Nasa ibabaw nya ako at ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya lalo na sa mapula nyang labi. Ohmygosh! Please somebody help me not to kiss this young man!

"Ang bigat mo." Bigla naman akong napaalis sa ibabaw nya dahil sa sinabi nyang yun. Mabigat daw ako? Payat kaya ako paano ako naging mabigat?

"Tumingin kasi sa dinadaanan para hindi madulas." Banat ko pa. Tumawa lang sya.

Muntik na yun ah! Muntik ko na syang mahalikan haha! Lumabas na agad ako pagkatapos kong magmop.

Nilalabhan ko na yung dulo ng mop dito sa may garahe nang biglang may magdorbell. Agad ko naman tiningnan kong sino yun. Isang kotseng kulay itim ang nakahinto sa labas tapos nakita ko na babae yung nasa labas ng gate. Sino kaya 'to? Lumapit ako sa may gate para tanungin kong sino sya. Maputi, matangkad at sexy sya.

"Sino po sila?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan nya naman ako ng kilay. Mataray pala 'to ah.

"You're new here?" Mataray nyang tanong. Wow! Englishera this girl! Maganda pa naman sya kaso mukhang bitch 'to. Tumango lang ako.

"By the way where's Jay?" Sino daw? si Jay? Wala namang Jay dito ah!

"Huh? Wala naman pong Jay dito eh." Inirapan nya lang ako. Sumosobra na ang pagkamataray nito ah. Sabunutan ko kaya sya dyan!

"Just open the gate!" Utos nya saken. Sino ba 'tong mataray na 'to? Makautos kala mo taga dito!

Dahil mabait ako binuksan ko na yung gate. Kala ko ipapasok pa nya yung sasakyan nya yun pala sya lang ang papasok. Dire-diretso lang sya papasok sa loob. Mukhang matagal na syang pumupunta dito. Kaibigan ba siya nina Ate Crystia at Crystal? O baka naman girlfriend sya ni Clark? OMG! May girlfriend na si Clark!? Huhu siya siguro yung nginingitian ni Clark sa cellphone pero bakit Jay ang tawag niya kay Clark? Paunique pa yung mataray na yun! I kennat accept that she is the girlfriend of mah Clark! Ang sama ng ugali nya dapat ako na lang ang girlfriend ni Clark!

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon