Kabanata 28

1.2K 41 0
                                    

Kung gaano ako kasaya nung graduation namin kabaligtaran naman ngayon ang nararamdaman ko. Dapat nga maging masaya ako ngayon dahil graduate na ako pero hindi eh matinding lungkot ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko wasak na wasak ang puso ko buhat ng malaman ko na may girlfriend na pala si Clark.

Bakit hindi nya sinabi agad saken ng hindi ako umasa!?

Buong gabi akong umiyak dahil dun. Ayoko na! Ayoko ng magmahal palagi naman akong nasasaktan! Akala ko si Clark na yung magiging first boyfriend ko pero nagkamali lang pala ako!

Haysss ang hirap magmove-on. Can somebody help me to move on with Clark?

Simula nung ichat ako ng girlfriend ni Clark gamit ang facebook ni Clark hindi na ako nagfacebook pa. Wala na akong dahilan para magfacebook pa!

Bakasyon na ngayon. Dapat masaya ako dahil nakagraduate na ako ng highschool pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon lalo na kapag naaalala ko yung mga panahong kasama ko pa si Clark. Sayang at hindi na ako makakapunta pa sa bahay nila namimiss ko tuloy yung mga ginagawa ko dun huhuhu!

Nagluluksa pa rin ang puso ko dahil sa kanya. Maghihilom pa kaya ang sugatan kong puso? Huhuhu sana!

Ginawa ko na lang na busy ang sarili ko para makalimutan ko na si Clark pero bawat galaw ko pa lang nagfaflashback na agad sa isip ko yung mga masasayang alaala namin huhuhu!

                 CRYSTAL's POV

Mukhang naniwala nga si Eloisa sa chat ko sa kanya gamit ang facebook ni Clark haha. Ang galing ko talagang kumilos haha. Oo tama kayo ako yung nagchat kay Eloisa na huwag ng magchat at landiin si Clark dahil may girlfriend na sya. Hindi totoong may girlfriend na si Clark hahaha. Gawa-gawa ko lang yun para hindi na siya magchat pa sa kapatid ko. Ang galing ko noh? Napaniwala ko si Eloisa na may girlfriend na si Clark hahaha. Hindi ko alam na nagchachat pala si Clark at yung Eloisang yun buti na lang at nalaman ko.

                    FLASHBACK

Nasa dining area na kami nila mommy, daddy at Crystia para kumain ng tanghalian pero ang bunso naming kapatid na si Clark hindi pa din pumupunta dito. Hindi kasi kami kumakain kapag hindi kami kumpleto sa hapagkainan. Inutusan naman ako ni mommy na tawagin na siya dahil nakahanda na ang pagkain.

Kinatok ko na siya at tinawag pero walang sumasagot kaya pinihit ko na yung pinto ng kwarto niya at nabuksan ko naman ito. Pagpasok ko nakita kong wala sya dito pero may narinig akong naglalagaslas na tubig sa cr kaya malamang nandun sya.

"Clark pagtapos mo dyan pumunta ka na agad sa dining area ha kasi kakain na tayo." Sabi ko sa kanya kahit nasa cr pa sya.

"Ok Ate."

Lalabas na sana ako para sabihin kayna mommy na nagccr lang si Clark ng marinig kong nagpop-up yung messenger nya.

Napalingon ako sa phone nya na nakapatong sa ibabaw ng drawer niya. Sino kaya yung nagmessage kay Clark? Matingnan ko nga.

Dahil curious ako kung sino ang nagchat sa kapatid ko tiningnan ko ang phone nya. Nakita ko yung chat head na babae ito at parang pamilyar ang mukha niya.

Binuksan ko na iyon at nag-init agad ang dugo ko nang makita kong si Eloisa pala ang nagchat sa kapatid ko. Kaya pala pamilyar ang mukha ng babaeng 'to si Eloisa pala.

Nagbackread ako ng conversation nila at nakita kong ang sweet ng mga chat nila. Sila na kaya? Akala ko matapos naming mapaalis si Eloisa hindi na siya magkakaroon pa ng communication kay Clark pero hindi pala. Gagawa pa rin pala sya ng paraan para landiin ang kapatid ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon