Kabanata 36

1.1K 30 0
                                    

Pagkarating namin sa Southwestern College kung saan kami mag-eenroll nakita naming madami na ring kabataan ang nandito. Nagfill-up na kami ng enrollment form at pagkatapos ay naglibot-libot kami ni Patricia sa campus.

Pagkatapos naming maglibot ay umuwi na rin kami.

"Bye bes." Paalam saken ni Patricia nang makababa sa tapat ng bahay nila at kumakaway pa.

Nginitian ko lang sya at kumaway din sa kanya. Umalis na ang tricycle na sinasakyan ko at hinatid na ako sa kanto ng barangay namin.

Napakatirik ng araw kaya kinuha ko ang payong ko sa pack bag ko at binuksan ito. Matamlay akong naglakad sa ilalim ng matirik na araw.

Nadatnan ko ang kapatid ko na nanunuod ng One Piece na napabaling sa akin nang ako'y dumating.

"Oh Ate andyan ka na pala nakapagsaing na ako at nakabili na rin ako ng ulam."

"Buti naman sige magpapalit muna ako."

Dumiretso na ako sa kwarto ko at walang ganang naupo sa kama ko.

Hinawakan ko ang kwintas na suot ko na may lungkot sa aking mukha.

"Clark kahit anong gawin ko hindi ka pa rin mawala sa isip ko. Miss na miss na kita." Namumuo na ang luha sa mata ko at dahan-dahan itong umagos sa mukha ko.

Pinahid ko na ang luha sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay at nagpasya na akong magpalit.

Lumabas na rin ako ng kwarto at nagdiretso sa kusina. Pagkarating ko nakita kong nakahain na ang pagkain sa mesa at nakaupo na ang kapatid ko pero hindi pa ito kumakain. Inintay pa ako haha. Buti pa yung kapatid ko marunong maghintay hindi katulad ni... Aish! huwag ko na nga banggitin.

"Oh Miko bakit hindi ka pa kumakain?"

"Inaantay pa kasi kita Ate kahit ang tagal mo."

"Aww natouch naman ako."

"Umiyak ka pa ano kaya ang tagal mo?"

"Huh? Hindi ah." Pagtanggi ko pa.

"Weh? Bakit halata sa mukha mo?"

"Kumain na nga lang tayo." Napailing na lang si Miko at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa pinggan nya. Umupo na rin ako at naglagay ng pagkain sa pinggan ko at nagsimula na kaming kumain.

Hapon na ngayon at nandito lang ako sa kwarto ko. Malungkot na naman ako at alam nyo na ang dahilan. Si Clark lang naman ang dahilan eh. Sinabayan ko pa ng pagpapatugtog ng malungkot na kanta.

NP: Kulang Ako Kung Wala Ka by  Eric Santos

🎵Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala pag wala ka sa    aking tabi

Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
A

y laging hanap ka 🎵

🎵Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko
Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na🎵

🎵Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka🎵

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon