CHAPTER 20

1.3K 49 2
                                    

Pagkatapos ng nangyari kanina ay malungkot akong bumalik sa kwarto namin para maligo na at maghanda para sa pag-alis ko. Sila Angela, Aling Fe at Ate Lyn naman ay naiwan sa kusina habang sila ay naghahanda para sa tanghalian ng pamilya Suzara.

Habang naliligo ako ay nagpa-flashback pa din sa utak ko 'yong nangyari kanina. Aalis talaga ako na malungkot sa bahay na ito. Ang hina ko kasi kaya nahulog ko tuloy 'yong pinggan!

Pagkatapos kong magbihis at ready na sa pag-alis ko ay walang gana akong lumabas sa kwarto bitbit ang isang medyo malaking bag na kung saan nakalagay lahat ng gamit ko.

Nadatnan ko sa kusina sila Ate Fe at Ate Lyn na kasalukuyang naghahanda ng umagahan ng pamilya.

"Ate Fe, Ate Lyn, pa'no, aalis na po ako," Napalingon sila sa akin. Niyakap nila ako.

"Ingat ka pauwi, ah?" Sambit ni Ate Lyn. Tumango ako.

"Mag-iingat ka doon, ah?" Bilin pa ni Ate Fe.

"Opo."

Pinuntahan ko din sa kwarto sila Ma'am Precila, Ate Crystia at Crystal para magpaalam. Aalis na sana ako nang may maalalang may isang tao pa pala akong nakakalimutan para magpaalam. Nagdadalawang isip pa ako kung magpapaalam pa ba ako sa kanya o hindi. Baka kasi hindi na ako umuwi pa kapag nakita ko sya. Wag na nga lang akong magpaalam sa kanya.

Lumabas na ako ng kanilang gate. Sakto namang may dumaang tricycle paglabas ko kaya pinara ko na ito.

Akma na sana akong sasakay nang biglang may magsalita sa may gate nila Ma'am Precila. Napatingin ako doon at biglang nanlaki ang mata ko dahil si Clark pala yung nagsalita.

"Aalis ka na ba nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?" Malungkot na tanong nya. Hindi na ako sumakay pa sa tricycle at humingi ako ng paumanhin sa driver nito. Napakamot lang sa ulo yung driver at umalis na ito.

Agad na nilapitan ako ni Clark at bigla akong niyakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa biglaang pagyakap nya sa akin.

"Bakit hindi mo ako pinuntahan sa kwarto ko para magpaalam?" Nagtatampong tanong nya sa akin.

"Sorry baka kasi kapag nagpaalam ako sayo hindi na ako umalis pa." Natatawang tugon ko sa kanya. Natawa din naman sya sa sinabi ko.

"Mabuti nga yun para dito ka na tumira." Sarkastikong sambit niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nilabas nya ang kotse niya sa garahe nila at pinasakay ako. Ihahatid na daw nya ako papuntang pier. Kahit kailan talaga ang gentleman niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto katabi na naman niya.

Habang nagbibiyahe kami nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Bigla ko namang naramdaman ang kuryente sa katawan ko dahil sa paglapat ng kamay nya sa kamay ko.

Bigla kaming napatigil dahil sa traffic. Ngumiti muna siya saken bago nagsalita. " Thank you Eloisa for coming into my life. Dahil sayo natutunan ko ulit ngumiti at maging masaya at palagi kang nandyan para saken. Thank you sa pag-alaga saken nung may sakit ako, sa pagpunta sa kwarto ko para lang pakainin ako at pilitin kahit wala talaga akong gana nung mga panahong nagluluksa ang puso ko." Sinabi nya yun saken habang nakatitig sa mukha ko.

Nginitian ko naman muna sya bago ako nagsalita. "You're always welcome Clark. Basta mapangiti lang kita at makitang masaya... masaya na din ako. Your happiness is my happiness also kaya nung nakikita kitang malungkot at nasasaktan dahil sa break up nyo ni Trixie para na din akong sinaktan ni Trixie dahil kung ano man ang nararamdaman mo noon ay nararamdaman ko din." Napangiti naman sya sa sinabi ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon