Kabanata 23

1.2K 48 3
                                    

Maaga akong pumasok dahil syempre excited na akong makita si Mark hahaha!

Nung magrecess na nasa may pinto na ako ng classroom ng makita kong papunta sa classroom namin si Patricia at si Mark. OMG! Sasabay ba si Mark sa amin ni Patricia para magrecess? Yieee!

Nung makita nila ako ngumiti agad sila sa akin at lumapit.

"Tara na Eloisa magrecess na tayo." Bungad nya saken.

"Kasabay natin si Mark ayieee." Bulong nya pa saken at kinindatan pa ako.  Tama nga ako sasabay si Mark sa amin magrecess. Kyaaah!

Habang naglalakad kami papunta sa canteen magkatabi na naman kami ni Mark maglakad yieee kinikilig na naman ako hahaha!

Pagkatapos naming bumili bumalik na din kami sa kanya-kanya naming classroom. May gagawin pa daw kasi sila kaya hindi nila ako masasabayan kumain ngayong recess. Bigla naman akong nalungkot kala ko kasi makakasama ko pa ng matagal si Mark pero hindi pala huhuhu!

Nung maglunch break na nagulat ako kasi kasama na naman ni Patricia si Mark papunta sa classroom ko. Ohmyghad! Sasabay din ba sya sa amin ngayong lunch? Kyaaah! Mukhang tama nga ako kasi dala nya yung bag nya.

Pagkatapos naming maglunch break nalungkot na naman ako kasi mamaya ko na ulit sya makikita. Grabe ka naman Eloisa parang gusto mo na yatang idikit na si Mark sayo eh para palagi mong makita! Pangongontra na naman ng boses sa utak ko. Ito talagang boses sa utak ko palaging na lang akong kinokontra. Panira eh hahaha!

Pansin ko close na close na sila Patricia at Mark. Mukhang aagawin na ni Mark ang pwesto ko sa pagiging bestfriend ni Patricia ah. Medyo naoOP na nga ako sa mga pinag-uusapan nila eh. Feel ko tuloy inaagaw na ni Mark saken ang bestfriend ko huhuhu!

Nung hapon na lumabas agad ako ng classroom pagkatapos kong maglinis. Syempre nag-ayos muna ako ng sarili ko. Konting suklay at polbo lang naman ang ginawa ko kasi alam ko namang maganda na ako hahaha! Hindi ko na kailangan pang magmake-up para lang akitin si Mark hahaha!

Nakita ko namang lumabas na si Patricia at kasama na naman nya si Mark papunta sa direksyon ko. Kyaaah! Mukhang sasabay na naman kami ni Patricia kay Mark paglabas yieee hahaha!

"Eloisa tara na..." Nakangiting bungad saken ni Patricia. "Sasabay ulit tayo kay Mark paglabas." Bulong nya saken. Alam kong tinutukso na naman ako ng babaeng 'to kay Mark hahaha!

Habang naglalakad kami lihim akong kinikilig hahaha. Paano ba naman kasi katabi ko ulit si Mark  tapos nagsasagi na na naman ang mga braso namin. Kyaaah!

Nasa labas na kami ng school ng biglang magoffer si Mark sa amin ni Patricia na ihahatid na lang daw niya kami sa aming bahay. Late na kasi kami nakalabas ng school pero okay lang dahil ihahatid naman kami ni Mark hihihi. May mabuti rin palang naidudulot ang pagpapalate ng uwi hahaha!

Pinaandar na niya yung makina ng motor at pinasakay na kami. Kyaaah! Nasa likod ako ni Mark nakaupo at ang lapit-lapit namin sa isa't-isa. Nakadikit na nga yung tuhod ko sa bewang nya eh hahaha! Naaamoy ko din yung pabango niya. Shet! Ang bango niya parang si Clark my loves ko lang hahaha! Nga pala speaking of Clark hindi ko pa pala siya nasessearch sa fb kasi nakalimutan ko nung nakita kong inadd friend ako ni Mark haha! Pati mas nakalimutan ko nung nagchat sa akin si Mark hihi!

Naunang ihatid ni Mark si Patricia sa bahay nila kaya ngayon solong-solo ko na si Mark haha! Kaming dalawa na lang ngayon ang nakasakay sa motor hihi!

Nang ihatid nya ako sa bahay nadatnan naman namin si Nanay na nagwawalis sa bunsuran namin. Nagtaka nga ang mukha ni Nanay nung makita nya kami ni Mark. Haha! Kala siguro ni Nanay boyfriend ko ang kasama ko hahaha!

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon