CHAPTER 7

1.7K 57 1
                                    

Lahat ng estudyante ngayon ay nagsasaya dahil bakasyon na. Siguro 'yong iba kong kaklase ay nagpuntang Maynila o sa ibang lugar na may kama-anak sila pero ako ay tanging nasa bahay lang. Ang sad! Tuwing bakasyon ay tanging nasa bahay lang ako. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang bakasyon.

"Loisa? Gising ka na ba?" Naalimpungatan ako sa tawag ni Nanay na kumakatok sa pinto.

"'Nay! Inaantok pa ako!"

"Labas ka muna saglit. May itatanong lang sa 'yo si Aling Glo,"

"Okay po. Wait lang," Iniunat ko muna ang mga kamay ko bago lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko si Nanay at si Aling Glo sa sala.

"Loisa, may gustong i-offer sa 'yo si Aling Glo,"

"Ano 'yon, 'Nay?"

"Trabaho daw,"

"Ah. Ano pong trabaho, Aling Glo?"

"Sa bahay lang. Maglilinis, magdidilig at maghahain lang ng pagkain,"

"Ah, ganoon po ba. Kailan po ang start?"

"Bukas na 'Neng. Sayang kasi ang araw kapag sa next week pa. Tsaka kasama mo naman 'yong anak ko, si Angela,"

"Ah ganoon po ba. Sige po, gusto ko,"

"Sige, Neng. Sure na 'yan, ha?"

"Opo,"

Lumipas ang isang araw at ito na ang araw na luluwas kami ni Angela ng Maynila. Hinatid kami nila Nanay at ni Aling Glo sa pier.

"Eloisa, mag-iingat kayo doon, ha? Tumawag agad kayo kapag nandoon na kayo," Bilin ni Nanay na halatang nalulungkot.

"Opo, Nay. Huwag po kayong mag-alala, kaya ko na po ang sarili ko,"

"May tiwala naman ako sa 'yo, Loisa. Nalulungkot lang kasi ako kasi mawawala ka sa tabi ko,"

"Huwag ka ng malungkot, 'Nay. Dalawang buwan lang naman akong mawawala sa tabi niyo, eh. Babalik pa naman po ako," Napangiti si Nanay.

"Oo nga naman, Necia. Huwag kang mag-alala, hindi naman pababayaan ni Angela si Loisa,"

"Opo, Aling Necia," Sabat ni Angela.

"Alam ko naman 'yon. Sige na nga, hindi na ako malulungkot,"

"'Yan! 'Yan dapat, 'Nay!" Niyakap ko siya.

"Sige, Nay, alis na po kami," Tinapik ko ang balikat niya at kumalas na kami sa pagkakayakap.

Kinuha ko na ang malaking bag at  nag-wave ako kay Nanay bago kami pumasok sa loob ng pier. Nag-wave din siya.

"Ingat kayo,"

"Salamat, Nay," Nginitian ko si Nanay bago tuluyang makapasok sa loob ng pier.

Pagkatapos ng limang oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa pupuntahan namin. Nandito na kami sa labas ng bahay na pagtatrabahuhan namin. Labas pa lang ay maganda na. Mas lalo pa siguro sa loob. Kanino kayang bahay 'to?

"Ah... Angela, kaninong bahay 'to?"

"Sa Ninang ko na kaibigan ni Mama noong highschool,"

"Ah. Ang ganda naman ng bahay nila,"

"Sinabi mo pa. Lalo na sa loob,"

"Wow, talaga! Iba na talaga kapag mayaman,"

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon