Chapter 24: Can't Hold Back

1.1K 44 2
                                    

A/N: Titles, creature and character names including moves and attacks etc. are fictitious. Such terms were coined by the author and is in no way based on any previous work of fiction.

(NOT YET EDITED: Grammatical errors and Typographical errors are lingering in this update. Please be patient while I double check this one Haha. Sorry.)

Hindi pa ako nakakalayo sa lugar kung saan kami nagkasagutan nila Justin e parang hinihila ako pabalik sa kanila. Maybe this is what real friendship is, it bonds people together. For the sake of their lives and for the sake of my ownself, I need to detach myself.

Naglalakad ako palayo habang patuloy kong pinupunasan ang luha sa mga mata ko. Kahit nanginginig at nanghihina ang mga tuhod ko e kailangan kong lumayo na sa kanila. 

May isang kamay na humawak sa isang braso ko. Umikot  ako para tignan kung sino iyon. Nagulat at nanlaki ang aking mga mata nang mamukhaan ko siya.Si Th-Theve?  Matindi ang pagkakahawak niya sa aking braso at seryoso siyang nakatingin sa akin. Nanginginig ang kamay niya at ganun din ang kanyang mukha. Pawisan siya at mukhang kinakabahan. 

"An-anong ginagawa mo, Carmen?" Nanginginig na pagtanong niya sa akin. Humihigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko siya sa kanyang mata at pinilit kong ngumiti.

"I've been into a situation where I need to choose between love and friendship, Theve.  I choose the truth over a right choice. I'm heading to my own haven." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. Unti-unting lumuluwag ito. Kumuha ako ng lakas ng loob na ibaba ito para makaalis na ako. Nakailang hakbang ako palayo sa kanya nang mapatigil ako sa iisang tanong na narinig ko sa kanya.

"Bakit mo sila iniwan para sa akin?" Napatigil at nanigas ang buong katawan ko sa tanong niyang iyon. Ayaw kong harapin siya at tumingin mismo sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili ko na aminin ang isang bagay na alam kong imposible niyang maiintindihan. Ayaw kong umamin ng nararamdaman ko sa sitwasyon na ganito. I hate making decisions when I'm emotionally-disturbed 'cause that's the time where I make stupid decisions. Sinagot ko siya nang hindi nakatingin sa kanya.

"Narinig mo pala ang pinagusapan namin ni Justin. Hayaan mo na 'yon. Huwag mo nang pansinin." Gumawa ako ng ilang hakbang papalayo sa kanya ngunit hinawakan niya muli ang isang braso ko. Doon sumakto tumulo ang luha mula sa aking mga mata. I'm trying to be tough;but, I'm getting weak by his touch and existence. Ayaw ko 'yong pinipigilan ako sa desisyong ito. Ayaw kong marinig pa ang boses o isa pa sa mga tanong niya at baka maibuhos ko nanaman itong emosyong ito. Ayaw ko siyang dramahan at iyakan dahil hindi niya ako maiintindihan. 

"Shut up, Carmen. Humarap ka sa akin. Bakit mo ginawa 'yon?" Nanginginig na boses ang narinig ko mula sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko para pigilan tumulo ang mga luha ko. Hindi ko siya sinagot at kinalas ko ule ang kamay na hawak-hawak niya.

"Kausapin mo ako, Carmen! Naguguluhan na ako sa'yo!" Tumakbo siya papunta sa akin at hinila muli ang aking isang kamay. Kahit anong gawin kong pagmamalakas e hindi ko rin kinaya. Humarap ako sa kanya at sinampal ko siya. Kasabay nun ay ang mga luhang unahan na bumaba mula sa'king mga mata.

Five Individuals, One Island [COMPLETED]Where stories live. Discover now