Chapter 1: The Departure

4.8K 117 44
                                    

(Justin's P.O.V.)

"Justinnnnnnn! Gumising ka na diyan! Male-late ka na sa flight mooooo!"


Sigaw ni nanay na napakalakas-lakas na kahit sa kabilang baryo eh maririnig mo. Dali-dali akong tumayo mula sa aking kinahihigaan habang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro dahil hindi pa gising ang diwa ko na ito.

Dumiretso ako sa banyo para maligo at ayusin ang aking sarili para sa flight ko ngayong araw na ito. Papunta kasi akong Larimia para umattend muli ng aming review para sa paparating na examination uli para sa mga gustong maging Certified Public Accountant.

Pang-ilang beses, siguro naman eh makakapasa na ako nito. Nag-review naman ako eh, at sigurado akong makakapasa na ako nito.

"Mama! Nasaan ticket ko?!" Habang nahihilo na ako kakaikot sa buong kwarto ko kakahanap ng mga gamit na dadalhin ko.

"Hindi ko alam sa iyo! Matanda ka na! Kailangan alam mo na 'yang mga ginagawa mo! Ano ako?! Yaya mo! Aba, ang kapal naman ng mukha mong bata ka!"

"Nagtatanong lang naman po Ma, pasensya ka na. Opo, ako na ang maghahanap."

Hinalungkat ko ang buong tukador ko. Kinapa-kapa ko ang nasa itaas ng aking tukador ko at baka naman naandoon ang sapatos ko.

"Aray!" Nang makaramdam ako nang kagat ng isang hindi ko alam kung kagat nga ba iyon o 'di kaya ay natusok. Dumugo ito at ipinunas na lamang sa marumng damit ko.

"Ito ka lang pala eh!"  

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala kang ticket ka. Napalanunan lang kita sa raffle kaya ako makaka-take ng exam namin ngayon! Sana tuloy-tuloy na itong swerte ko! KAYA 'TO!

Isinuot ko ang aking t-shirt gayundin ang aking sapatos para makaalis na ako sa lugar na ito. Humarap ako sa salamin at ngumiti.

"Bakit ba ang gwapo-gwapo mong bata ka? Naks naman oh."

Dumiretso na ako sa labas at inilabas na rin ang maleta na naglalaman ng lahat ng gamit na kailangan ko para sa buong buwan nang review namin.

"Mama at Papa aalis na po ako."

Hahalikan ko sana sila sa mga pisngi nila, ngunit pinigilan ito nila at sinabing masyado na raw akong matanda para humalik sa kanila. Ngumiti na lamang ako at gumawa ng isang hakbang palikod.

"Ah sige po, aalis na po ako. Ingat po kayo dito."

Hindi pa rin nila ako pinapansin hanggang makalagpas ako ng aming gate. Narinig kong isinigaw nila sa akin ang isang bagay na siyang ikinababa ng tiwala ko sa aking sarili.

"Huwag kang uuwi dito na wala kang maipapakita na certificate na pumasa ka sa exam ninyo."

Ngumiti na lang muli ako  at sinabing "Opo" at pumunta na paalis sa bahay at patungo naman sa airport na aking sasakyan.

(Maria Lourdes' P.O.V.)

"Ma, ayaw ko po nitong damit na ito. Nakikita po ang kalahati ng tuhod ko."

"Anak! Plano mo bang maging madre o kung ano man?! Hindi ka gagahasain diyan sa labas tandaan mo! Sasakay ka lang ng eroplano anak, ano ba namang ka-demure-an na iyan?!"

"Ma, hindi po kasi ako sanay kasi. Gusto ko 'yung mag-suot ng karepe-respeto. Ayaw kong tumulad sa iba diyan na kung mag-suot eh akala ko ibebenta sa palengke."

"Ano bang nangyare sa iyo anak? Maria Clara na Maria Clara ka lang ah. Napaka-conservative mo masyado! Oh siya, kukunin ko lang palda ng lola mo hanggang sakong mo iyon."

Five Individuals, One Island [COMPLETED]Where stories live. Discover now