Chapter 7: The GnoManz

2.5K 59 18
                                    

A/N: Titles, creature and character names including moves and attacks etc. are fictitious. Such terms were coined by the author and is in no way based on any previous work of fiction.

(Lourdes' P.O.V.)

"Skrappyy! Oh you little pink cat! Come back here!" - paulit-ulit na pag-sigaw na Khristine habang hinahabol niya ang alaga niyang si Skrappy na kanina pa na naglalaro at nagpapahabol sa kanya.

Nakakatuwa na makita ang bawat isa sa amin na kahit papaano eh nag-eenjoy sa kung nasaan kami ngayon. Kahit tingin namin eh nag-aalala na ang mga magulang namin, kami nagpapasalamat na lang at buhay pa kaming lima kahit dito lamang sa lugar na ito.

Lalo na at napakaganda tignan ng dagat. Ngayon lang ako nakakita ng dagat na sobrang linis at sobrang linaw. Kung tutuusin perpekto na itong lugar na ito, kaya lang, hindi kaya ng isang tao na mabuhay mag-isa dito. Siguro dahil hindi siya normal at hindi rin normal kesa sa kinalakihan nating lugar.

"Lourdes..." - napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Forbe na nakatayo at nakaharap sa akin. Nanlaki nanaman ang mga mata ko at  tumindi nanaman ang pagkakahawak ko sa palda ko. Sumagot ako sa kanya ng "Ah... oh Forbe napunta ka rito?" at ngumiti lang siya sa akin.

"Hindi mo ba ako aalukin na umupo diyan sa tabi mo?" - at sinundan nanaman niya ng pag-hawak niya sa kanyang ulo at ngumiti uli sa akin.

"Ah, sige... sige... ok... ok lang naman sa akin. Umupo ka na Forbe."

 

 

Tulad nang dati, napatingin na lang uli ako sa mga buhangin at hindi nanaman makatingin sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ba lagi niya akong nginingitian at laging nilalapitan. Hindi naman sa pag-aassume ng kung ano, pero may kakaiba talaga akong nararamdaman dito sa lalaking ito na hindi ko alam kung ano.

"Sorry last night. I didn't mean to hug you, it is just, I accidentally fell when I caught your body."

 

 

"Ok lang Forbe. Dapat nga eh magpasalamat pa ako sa iyo, dahil kung hindi sa iyo, malamanghindi na ako makakalakad."

 

"Nope. May bayad lahat nang iyon ano ka? Now do something for me."

 

 

"Ano?! Ang kapal mo naman Forbe! Babae akong tao tapos may utang na loob pa ako sa'yo?"

 

 

"Joke lang! Hahahaha! Akala ko kasi 'di ka marunong magalit kaya ayun, sinubukan ko lamang naman asarin ka. Haha." - sinundan nanaman niya ng isang halakhak na halos hindi ko na makita ang mga mata niya dahil sa sobrang singkit. 

Five Individuals, One Island [COMPLETED]Where stories live. Discover now