Chapter 15: Ceptiorus Part 1

1.6K 46 8
                                    

Chapter 14: Ceptiorus

 A/N: Titles, creature and character names including moves and attacks etc. are fictitious. Such terms were coined by the author and is in no way based on any previous work of fiction.

 (NOT YET EDITED: Grammatical errors and Typographical errors are lingering in this update. Please be patient while I double check this one Haha. Sorry.)

(Justin’s P.O.V.)

Pinagmamasdan ko siyang natutulog habang nakahiga siya sa isang fluffy cotton-ball like galing sa isang puno na nakuha ko kagabi. Sana lagi na lang siyang tulog at ang hinhin niyang titigan. Pero naisip ko, kung lagi na siyang tulog, paano ko maipaparamdam sa kanya na mahal ko siya? Oh siya, medyo nagiging corny nanaman ako sa mga linya na hindi naman angkop sa umagang ito.

Nakapatong ang ulo ko sa dalawang kamay na nakalapag sa isang baton a malapit sa mukha niya. Daig pa niya ang exam papers ko, mas masarap siya titigan at pag-aksayahan ng oras pag-masdan.

“Wala eh, hanggang titig ka lang Justin. Kahit ano namang gawin mo sa kanya, kung hindi ka naman talaga niya gusto wala kang magagawa. Titigan mo na lang siya, at ‘yan ang libre sa taong nagkakagusto.”- pabulong na sinasabi ko sa harap ng mukha niya habang siya eh patuloy na natutulog pa rin. Matapos ang ilang segundo matapos ang mga sinabi ko eh bigla niyang idinilat ang mata niya.

 “Justin! What the heck are you saying to me?!”- pag-tayo niya sa kinahihigaan niya at pinagbabantaan nanaman niya akong sasaktan. Napatitig ako sa kanya at tinignan niya rin ako ng medyo gulat.

“Tin! May boses ka na!”- makikita mo pa lang sa mukha niya na sobrang na-shock siya. Paano nangyare iyon? Akala ko ba eh isang misteryo pa rin ang lunas sa voice orb na nawawala nila?

Sa sobrang gulat niya eh napayakap siya sa akin ng sobrang higpit. Nagulat ako nang ginawa niya iyon. Akala ko kagabi lang ang una at huling pagkakataon na makakakuha ako ng yakap mula sa kanya eh. Kung sinuwerte ka naman sa umaga oh. Napakagandang Buena mano mula sa poging nilalang na tulad ko.

“OMG! Justin! I can’t believe this! My voice was revived!”

 

 

“Ah Kristine, pwedeng paluwag konti nang pagkakayakap mo sa akin? Medyo hindi na kasi ako makahinga eh.”- nahinto siya sa pag-sheshake na ginagawa niya sa akin habang nakayakap at mukhang sineryoso nga niya ang sinabi ko. TInanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin at lumayo sa akin ng konti at pinagpagan niya ang sarili niya.

“Sorry! I was carried away by my emotion. Gosh! May boses na uli ako! What is this sorcery all about?! Nasaan na ba si Carmen Justin? Nasaan na sila? Hanggang ngayon ba eh wala pa rin sila? I need to know what is Lourdes’ status right now. Kailangan kong malaman kung pati siya eh may boses na.”

Five Individuals, One Island [COMPLETED]Where stories live. Discover now