Chapter 14: Carmen's Realization and Ceptiorus

1.7K 36 5
                                    

Chapter 13: Carmen’s Realizations and Ceptauros

 

A/N: Titles, creature and character names including moves and attacks etc. are fictitious. Such terms were coined by the author and is in no way based on any previous work of fiction.

 (NOT YET EDITED: Grammatical errors and Typographical errors are lingering in this update. Please be patient while I double check this one Haha. Sorry.)

 

(Forbe’s P.O.V.)

 

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. Halos hindi ko pa kayang idilat ang mga mata ko pero kailangan ko nang gawin baka ibang nilalang pa ang gumising sa akin. Sinubukan kong tumingin sa paligid ko nang makaramdam ako ng isang mabigat na bagay  na nakadagan sa kanang bahagi ng aking braso. Tinignan ko kung ano ba ang mabigat na iyon, at doon nakita ko si Lourdes ay este si Mia na nakahiga sa aking braso.

Tinititigan ko siya at  natatawa ako at medyo nakanganga siya habang natutulog. Mga babae pala talaga, kahit anong gawin nilang ka-konserba-konserbatibo sa katawan eh nagiging balahubas ang itsura nila sa tuwing natutulog sila  Hahahahaha! Napapangiti na lang ako habang  tinititigan ko siya, lalo na at ngayon lang ako may nakatabing babae habang natutulog. Ito kasi ang isa sa iniiwasan ko sa tuwing nasa bahay ako. I don’t let myself to sleep with a woman beside me every night, mahirap na at baka makagawa ako ng isang kasalanan na hindi ko naman kayang panagutan. Baka kapag sinumpong ako ng pagkalalaki ko eh makalimutan kong hawakan ang temptation  ko na gumawa ng bagay na iyon.

Nakikita ko naman sa kanya na mahimbing ang tulog niya. Kaya ayaw ko siyang gisingin at baka magalit siya lalo na at natatawa at natutuwa akong titigan siya habang nananaginip siya.

Napansin niya siguro ang tawa ko na sinusubukan kong pinipigil kaya medyo umuunat-unat na siya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mata niya at nakita niya ako pero ipinikit niya ulit ang mata niya. Matapos ang ilang segundo eh dinilat niya ang mata niya at nakita kong nanlaki ang mga ‘yun.

Napatayo siya bigla sa pagkakahiga sa aking dibdib at inayos ang buhok niya nang mabilisan.

“Hoy! Anong ginawa mo sa akin kagabi Forbe?! Bakit tayo magkatabi matulog?! Atsaka, nasaan na ‘yung Voice Soul ko dito?! Paano na ako magkakaboses nito?! Forbe! Saan mo nilagay?! Hanapin mo ‘yun! Kailangang-kailangan ko iyon!”-pag-hahalungkat niya doon sa damuhan habang ako eh tuwang-tuwa sa naririnig ko.

“Mia, you can talk already!”- napahawak siya sa bibig niya at nanlaki nanaman ang mata niya sa akin. She reacted with bliss in her face. Napayakap siya sa akin na ikinagulat ko naman at ako naman eh napayakap na rin sa kanya. Hindi naman ‘yun nag-tagal ng ilang minute at tinanggal din niya ang pagkakayakap sa akin.

“Sorry! Shems Forbe sorry! Masyado lang akong natuwa kaya ko lang  nagawa ‘yun. Sorry. Nakalimutan ko pala! Hala! Sorry talaga Forbe!”- Hindi na siya mapakali kaka-Sorry sa akin pero ako eh tinititigan lang siya habang nakangiti.  Lumapit ako sa kanya ng pakonti-konti.

Five Individuals, One Island [COMPLETED]Where stories live. Discover now