Chapter 13- Voice Soul(Yellow Orb) (JusRis Loveteam)

2K 52 25
                                    

(Justin's P.O.V.)

Ang sabi nila sa amin eh maiwan lang kami dito sa ilalim ng pink na puno na ito at babalikan nila kami. Bakit hanggang ngayon eh wala pa rin sila? Gustuhin ko mang sumigaw eh natatakot ako at baka ma-detect at habulin kami ng anumang nilalang na nakatira dito sa isla na ito. Wala akong magawa, naiwan kami dito. Hintayin ko na lang sila hanggang babalikan nila kaming dalawa ni Khristine dito sa lugar na ito. Kaysa naman maglagalag kami sa buong isla baka 'yun pa maging mitsa ng kamatayan namin.

Medyo ang awkward naming dalawa at hindi kami nagkikibuan. Sa bagay, ako lang din naman ang magsasalita dahil wala siyang boses. Kung kikibuin ko siya baka masuntok lang niya ako. Wala akong choice, manahimik  na lang para sa kapayapaan ng bayan.

Lumipas pa rin ang ilang minuto at mukhang mag-gagabi na. Kailangan kong makausap na ang babaeng ito para naman makaisip kami ng paraan kung paano kami magkakasundo sa oras na ito.

Alam ko na. Inilabas ko sa aking bulsa ang Voice Soul Orb ni Khristine at iniaabot ko ito sa kanya. Pero wala eh, ayaw pa rin niya akong kibuin. Siya na nga ang tinutulungan tapos ako pa ang tatarayan. Bakit kaya ang mga babae ang hirap nilang basahin? Papalit-palit ng emosyon na minsan eh sobrang ang komplikado na nila intindihin. Mas mabuti pang makipag-usap sa manok eh kesa sa kanila ito, nakakawatak ng utak. Tapos kapag aamuin mo eh kunware susupla-suplada, pasalamat sila at may mga lalaki pang kayang sumakay sa trip nila.

"Tin, galit ka ba sa akin?"-tinignan niya ako ng nakataas ang kanyang kilay at humarap siya sa kanyang kanang bahagi. Ok, ini-snob nanaman niya ako. Kung hindi ka lang maganda eh baka kanina pa kita pinokpok ng bato sa mukha.

Naiisip ko lang, baka ito na rin siguro ang pagkakataon na ibinigay sa akin para rin siguro masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Pero kapag sinabi ko ba sa kanya na gusto ko siya eh may mangyayare ba? Wala. baka mas lalong magalit pa ito sa akin at paghahampasin ako ng mga kahoy na madampot niya. Mas maganda na lang siguro na itago ko itong gusto ko kesa naman na kapag nalaman niya eh mas layuan pa niya ako. 

Kaya mahirap maging lalaki eh, kailangan ikaw ang unang nagsasabi ng nararamdaman mo. Kaya mahirap din maging torpe, kasi walang kasiguraduhan kung pareho nga ba ang nararamdaman ninyo. Lalong-lalo nang mahirap ang mag-mahal, kung wala kang lakas ng loob, mananahimik ka na lang sa isang sulok habang nakikita mo siyang may ibang mahal.

Habang nagdadalawang isip akong gawin ang pag-kuwit sa kanya eh iniisip ko na rin at inihahanda ko ang sarili ko sa gagawin niya. Dahan-dahan kong inilalapit sa likod niya ang aking daliri at kinuwit siya. Hindi ako nagpahuli at tumalikod ako sa likod niya at sumisipol kunwari para naman kunwari hindi ako iyon.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at umakting na para bang nagagalit. TInawanan ko lang siya at hindi pinansin. Mas lalo pa siyang nagalit at sinabunutan ako ng hindi naman ganun kalakas. Umaakto siya na kapag hindi daw ako tumigil eh, sasakalin niya ako hanggang mawalan ako ng hininga. Mukhang hindi nga imposible, mukhang nantatanggal ng lalamunan itong si Kristine eh.

Five Individuals, One Island [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon