SYBG 23

1.8K 126 349
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Virgil"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"CHANGE of plans!" Bungad niya pagkapasok na pagkapasok sa library ng mga Regalado.

"Anong ibig mong sabihing change of plans?" Tanong ni Miranda kay Virgil. Doon niya lang napansin na wala si Ezekiel sa loob.

"Change of plans lang hindi mo pa alam?" Sarkastiko niyang sagot. Mabigat talaga ang loob niya babaeng Regalado. "Naiba na ang plano. Hindi na katulad ng dati. Bago na." Pagbibigay niya ng kahulugan sa iba't ibang paraan.

"Kita mo 'to, pilosopo. Kung barilin kaya kita ngayon din?" Itinutok ni Miranda ang baril sa sentido ni Virgil. Kung mabaril man siya ngayon ay okay na sa kanya. Total hindi rin naman siya kikilaning anak ng ama, kaya wala nang dahilan. Pero hindi. May ipinaglalaban pa siya.

"Iputok mo. Sa palagay mo ba may pakialam pa ako?" Walang kalatoy-latoy na sabi ni Virgil pero may konting kabang sumagi sa puso niya. Natigilan si Miranda sa inasal ng lalaki, nakaramdam din siya ng takot.

Naisip ni Miranda, 'halang nga siguro ang bituka ng taong ito at hindi man lang natakot na tinututukan ko siya.' Parang wala nang pakialam sa mundo.

Walang ibang nakikitang expression si Miranda sa mukha at mga mata ni Virgil, kundi pagka-bored. Kadalasan ay blanko at walang kabuhay-buhay. Ang mga labi nito ay parang hindi man lang nakaranas ngumiti. Ganito na ba ang mga taong walang pagpapahalaga sa sarili?

Hindi nila lubos na kilala ang binata. Bigla na lang itong napadpad sa kanila at gustong bilhin ang mag-ina nilang alila.

"Ang tapang mo din ano? Hindi ka ba natatakot na mamatay?" Kinakabahan man ay tinatapangan niya pa rin ang sarili.

"Sa palagay mo ba sa ginagawa ko ngayon may ikakatakot pa ako?" Tanong ni Virgil. Nilingon si Miranda ng nanlilisik at nakamamatay na tingin.

Hindi pa rin maliwanag kay Virgil kung bakit gusto nitong gantihan ang mga Scott na kung tutuusin ay nawala na nga ang mga anak nito at nawalan pa ng apo. Ano pa ba ang gusto klaseng pagpapahirap ang gusto nilang gawin sa mag-asawang yun?

Kung ano man yun ay hindi niya mapalalampas dahil minsan nang napahamak ang kapatid niyang si Marielle sa kamay ng mag-asawang ito at nadamay pa ang kanyang mga pamangkin. Yun lang naman ang dahilan niya kung bakit nakikipagmabutihan siya sa mga ito. Gusto niyang alamin ang lahat para mapangalagaan niya ang kapatid.

Oo, alam niyang ito ang dahilan ng pagkakaaksidente ng kanyang kapatid, bayaw at mga pamangkin. Kung paanong niyang nalaman ay aksidente lamang din. Minsang tumakas ang kasambahay ng mga ito sa bahay ng mga Regalado at siya ang nakasalubong nito.

***Flashback

"Sir, tulungan n'yo po ako." Pagmamakaawa nito. Muntik niya itong mabangga mabuti na lang at nakapagpreno kaagad siya. "Hinahabol po ako ng tauhan ng amo ko. Parang awa n'yo na po." Sabi ng umiiyak na babae.

Tinigtigan niya ito. Maganda ang mga matang nakangiti kahit na kita ang takot at galing pa sa pag-iyak. Mamula-mula rin ang mga labi at napakaamo ng mukha nito.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now