SYBG 20

1.7K 115 209
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Plano"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"HE passed away." Napatda si Siege sa narinig. Bigla siyang naawa sa bata.

He gently pulled him towards him and hugged the kid. Ilang sandali din niyang inakap si Ethan. Kung may nakakita lang sa kanilang dalawa maliban kay Brynn, Dean, at gruo nito ay iisipin ng mga ito na mag-ama ang dalawa,

"Oh, wow." Ang tanging nasabi ni Dean.

"I'm sorry to hear that, Bud." Wala siyang ibang masabi dahil hindi niya alam ang sasabihin.

Kung kanina ay kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya at pinatay na niya ang tatay nito sa isip niya, ngayon ay iba na, natameme siya.

"My Lolo Gramps said that he passed away after I was born." Ilang sandali na lang at iiyak na si Siege kaya tumayo na siya para magpaalam na. Kailangan niyang umalis bago pa sumabog ang dibdib niya. Naalala niya ang pumanaw na anak.

"Okay, Ethan. Nice meeting you." Paalam niya. "I have to go." Dugtong niya. Hinalikan niya sa ulo si Brynn. Hindi niya alam kung bakit pero ganun na din ang ginawa niya kay Ethan.

Malungkot na ngumiti si Ethan. Pakiramdam ng bata ay ama na rin ang humalik sa kanya. I wish you are my daddy. Nasabi na lang ni Ethan sa munting isip.

Nagmamadaling umalis si Siege at hindi man lang nilingon ang taong nabangga niya. Sinisikap niya na walang may makapansin sa pagtulo ng kanyang mga luha. Matanda na siya para sa ganito. Hindi tuloy siya nakahingi ng paumanhin doon sa taong nabangga niya.

Tuluy-tuloy na siya sa kanyang kotse. Nang makaupo na siya sa kotse niya ay hinayaan niyang masagang umagos ang kanyang mga luha. Mabuti na nga lang kamo at wala pa si Dean kaya malaya niyang nailabas ang sakit sa dibdib na nararamdaman para sa batang kaibigan ng anak. Ibinuhos niya ang lahat ng gusto niyang iiyak. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang luha. Ilang sandali din niyang ginawa yun hanggang sa akala niya ay okay na siya.

Pinahid niya ang luha at inayos ang sarili. Huminga sya ng malalim at banayad na ibinuga ang inipong hangin sa dibdib. Tamang-tama naman na nakabalik si Dean ay tapos na rin niyang iiyak ang mga luhang makulit na nag-uunahan kanina. Suot niya ang kanyang shades nang pumasok ang binata at umupo sa tabi niya. Tahimik na nilang binaybay ang daan pauwi sa hotel na kanilang tinutuluyan na .

"Bro, here is the number of that girl." Mabilis siyang napalingon sa kaibigan.

"What girl? The teacher?" Salubong ang mga kilay niyang usisa. "Are you insane?" Singhal niya dio. Umiral na namana ng pagka-playboy ng kaibigang hudas,

"What? No!" Parang nandidri nitong sagot. "I was talking about that girl in the mall, Carmella. Nakita ko kasi siya kanina, magsusundo daw kay Ethan. I got her number." Kwento ni Dean. Iwinagayway pa nito ang papel na may nakasulat na number sa harap niya. Kinuha niya ito binasa. Carmella Tanaka #0919..... Tinitigan niya uli ang papel at ipinasok na sa bulsa.

"Wait, Bro! That's mine!" Protesta nito.

"When get back to the hotel." Simple noyang turan at itinutok na ang kata sa pagmamaneho.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now