"Napakapikon naman nitong Abo na 'to," nguso ko.

"Abo?" tinaasan niya ako ng kilay.

Natigilan si Ashton sa tinawag ko sa kanya. Bwahaha, ngayon may tawag--- err, pang-asar na ako sa'yong sungit ka.

"Oo Abo as in Ash, Ashton," pagpipigil ko sa pagtawa, "Ang slow naman."

"Whatever," sabi niya tyaka siya tumayo at naglakad palayo.

"Luh? Saan ka pupunta?"

Hindi na ulit ako pinansin ni Ashton.  Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad palayo. Dahil may kasama kaming killjoy, tumayo na lang din na kami tyaka bumalik na sa classroom. Ewan ko ba sa Ashton na yan, di marunong sumakay sa trip.

"Hello lapis! Spell killjoy nga," sabi ko sa lapis, as if naman sasagutin ako, "A-S-H-T-O-N, killjoy! Wow! Ang talino ng lapis! Teka nga, ikaw 'to Ashton di ba?"

Pinakita ko ang ini-spell kong pangalan niya sa papel pero nagulat na lang akong kanina pa pala nakabusangot si Ashton sa akin.

"Hehehe, joke lang," sabi ko habang linulukot ko ang papel at nagpeace sign pa ako, "Ikaw lapis ha pinagtritripan mo si Ashton."

"Tss," ismid ni Ashton.

"Uii Mixhee! Ang galing naman mag-spell ng lapis mo! Monggol ano yan?" tanong ni Clint na mukhamg makikisali rin sa pang-aasar ko.

"Monggol Clint yan! Hahaha monggoloid--- ARAY!"

Isang batok mula kay Clint ang naglanding sa ulo ni Luhan.

"Ikaw ba ang kausap? B'at ka nakikisabat? Papansin ha? Papansin?" pingot ni Clint sa tenga ni Luhan.

"A-aray! Isusumbong kita kay mommy ko!"

Natatawa na lang kami sa inaasal ng dalawa, syempre maliban sa lalakeng katabi kong may kulay abong buhok na nakapoker face lang. Walang masyadong alam na ibang ekspresyon yan eh.

"Alam mo Luhan, kaya hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend kasi isip bata ka! Man up bro, hindi yung puro lollipop mo lang na makukulay ang alam mong atupagin," sabi ni Aki.

"Tss, basta cute ako bro. Iyon ang mahalaga," katwiran ni Luhan.

Ipagpapatuloy ko pa sana ang pang-aasar ko kay Ashton nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ms. Daragon. Halos umabot na sa langit ang taas ng kanyang kanang kilay. Ito na naman siya, kakapasok pa nga lang niya nagtataray na agad siya.

"Anong ginagawa niya rito? Wala naman tayong subject sa kanya ngayong araw," Nababadtrip na bulong ni Aki.

"As usual, nakasimangot na naman. Kaya napupuno ng wrinkles yang mukha niya eh," bulong din ni Collosus.

"Sumakit bigla ang sikmura ko bro," sabi naman ni Luhan.

"Mukhang pinaghalong pashnea at linukot na sheda talaga itong mukha ng titser na 'to," dagdag ni Clint.

Hindi na ako dumagdag pa sa mga sinabi nila. Baka marinig ako ni Ms. Daragon eh. Terror pa naman yan.

"What is the noise all about?!" naiiritang tanong ni Ms. Daragon.

"Ma'am?" nagtaas ng kamay si Clint.

"Yes Mr. Sy?" pagtataray na naman niya, kaya naiinis ang boys sa kanya eh.

"Pinaglihi po ba ang mukha niyo sa sama ng loob?"

"Pfffft!!!"

We almost burst out to laughter kung hindi lang namin napigilan. Ang tindi ng guts ng lalakeng 'to!

Nerd in Section ANGASWhere stories live. Discover now