#14

473 19 1
                                    

Sorry kung ganito ang UD hindi ko na itutuloy yung nabitin na part. Skip na tayo dito. Wala ako sa mood dugtungan pa yung chapter 13 XD.

________________________________________________________________________

Aya's pov:

Halos apat na araw ko ng sinasamahan si Jared dito sa school. At ang kapal ng mukha nyang alilain ako. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko kasi nga pauwi na din naman ako. Dadaanan ko pa si Liya doon sa club nila. Sabay kasi kami.

Ang tagal mo ah."  Bungad saakin ni Jared ng makalabas ako ng pintuan ng classroom namin. Well actually medyo hindi na nya ako iniinis. Konti nalang.=__________=

Hinintay mo ako? Akala ko ba kanina ka pa umuwi?"

"Yup" Yup? Ok ang nice ng sagot nya, nagsisimula na akong maglakad pero nakasunod lang sya sakin "hatid na kita sa bahay nyo"

Ayoko nga. Kaya kong umuwi mag-isa saka kasabay ko si Liya na uuwi." Baliw sya. Ihahatid! pwe!

Aya sabay ba kayong uuwi ng fiancé mo?” biglang sulpot ni Liya. At aba ang loka ang laki ng ngiti sa mukha.

Ah oo sabay na kami uuwi ng fiancé ko " lumapit naman si Jared kay liya at nagsalita “Ako nga pala si Jared, ikaw yung classmate namin diba? Nice to meet you!” masaya nyang sabi dito

Ah, nice meeting you too. Sige ikaw na bahala kay Aya” inabot naman ni Liya ang kamay ni Jared at nakipagshake hands.

T-teka!" pinagbitaw ko ang mga kamay nila, "Sira ulo ka ba?  fiancé ? Asa ka! Kapal ng mukha mo. Liya wag ka ngang kakausap dyan mahawa kapa ng sakit nya!."

Akala ko ba ang sabi mo mayabang ang mapapangasawa mo?. Ikaw talaga Aya! Ang bait nya kaya bagay kayo .. ayieeeeee" sabay kiliti pa ni Liya sa tagiliran ko .

Tingnan mo nga, boto bestfriend mo sakin. Alam mo kasi totoo naman sinabi nya.” Hinawakan nya ako sa kamay at inakbayan. Kinikilig nalang si Liya

Ano ba!" tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko at binitiwan agad ang kamay nya "Layuan mo nga ako. Tara na nga Liya, uwi na tayo." Sabay hawak ko sa kamay ni Liya pero binitiwan nya ako.

Ay teka nga pala Aya, hindi ako makakasabay sayo sa pag-uwi ngayon. Dadaan pa kasi ako sa bahay ni Arvin. Natatandaan mo pa ba? Sya yung nagbigay sakin ng lollipop” Halatang nagpapalusot lang sya.

Pero Liya! Sabay tayong uuwi diba? Sama nalang ako sayo?” Agad nyang kinuha ang kamay ko at ibinigay kay Jared.

Sorry talaga bestfriend Aya my dear so bitter. Kayo nalang muna ni Jared ang magsabay” sabay takbo na papalayo ni Liya. Iniwan nya ako sa isang taong manyak!! >.<

Paano ba yan, wala kang kasabay sa paguwi? Ihahatid na kita sa inyo at para mabisita ko naman ang mama mo na magiging mama ko na din."

Pwede ba mama ko yun kaya wag kang maki mama sa hindi mo mama at isa pa marunong akong umuwi mag-isa noh, tingin mo sakin bata na kailangang ihatid pauwi ng bahay?"

Oo." Plain nya lang sagot sakin

Aba loko ka ah! talagang tingin mo sakin bata ganun?” naiinis kong tanong sa kanya.

"Oo!". Pwes kung bata tingin mo sakin ikaw matanda ka. Gurang. Kulubot!!

Uwi na ako at wag mo na akong ihatid. Hindi na kasi ako bata malaki na ako” naglakad na ako paalis pero napansin ko na sumusunod na naman sya saakin.

Diba sabi ko wag kang sumunod?! Kaya ko na ngang umuwi mag-isa"

Eh paano kung parehas tayo ng daan? Bawal na ba akong dumaan sa daan mo?daan to kaya dito tayo dadaan. Eh sa lalabas din ako ng gate para makauwi na sa bahay!" pagpapaluso nya.

Ok sige mauna kanang maglakad at wag kang susunod saakin. Mauna ka ng mga 20 meters. Wag kang tumabi saakin papalakad.”

Ako ba sumusunod sayo? Gusto ko ganito maglakad eh para cool akong tingnan. Kung gusto mo ikaw mauna! Bakit inuutusan mo ako?”

Argh! Ewan ko sayo!" nauna na nga akong maglakad at binilisan ko na ito para ng sa ganun hindi na nya ako maabutan pa. Nakakapagod makipag-away sa kanya eh. Manyak na nga isip bata pa. Grrr.

Nakalabas na ako ng gate at tiningnan ko naman sya. Buti hindi na malapit saakin pero halatang pasimple syang sumusunod eh. Kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Kaya lang ng dahil sa kakalingon ko sa kanya ay may na bangga akong isang babae. Naman!

Ah Ms. Sorry hindi ko naman sinasadya. Sorry talaga” paghingi ko sa kanya ng tawad. Napaupo kasi sya sa gilid ng daan at mukhang nasugatan yata yung tuhod nya.

Ok lang, sorry din hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko hehe” sabay kamot sa ulo nya. Napansin ko naman na agad na lumapit si Jared sa tabi ko.

Tingnan mo kasi baby, sabi ko naman sayo sabay na tayo tuloy naka disgrasya ka pa ng tao” paninisi nya sakin.  Aba hindi ko naman kasi sinadya diba?

Tutulungan ko na sana ang babae sa pagtayo kaso may naunang tumulong sa kanya. Isang lalake na kahit kelan ay hindi ko inaasahan na makakaslubong ni makita man lang sa school.

Leni ok ka lang ba? Napano ka? Dumudugo yung tuhod mo oh!” pag-aalala nyang sabi saka nya binuhat yung babae.

Ok lang naman ako hon, konting galos lang naman. Hindi naman masakit eh” paliwanang nung babae saka sya nag smile. Napalingon naman saakin yung lalake at halata sa mga mukha nya ang gulat.

Ah hon, magkakilala kayo?” tanong nung babae. Bakit ba sya nasa harapan ko? Ito na ba ang babaeng sinasabi nya? Kaya ba nya nagawa yun dahil sa Leni na to?

And This Love RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon