Kapitulo. Diecinueve

106K 3.8K 601
                                    

Juan Antonio Birada's

"Miss ko na si Pan."

Magkasama kami ni Peypey sa bahay nang umagang iyon. Wala si Jufran dahil umuwi siya ng Paombong para dalawin si Mamang, si Fonso naman ay namalengke dahil siya ang nakatokang magluto para sa araw na ito. Mamayang ala una nang hapon, pupunta na kami ni Peypey sa food compound para buksan ang mga shop. Okay naman ang araw ko, kaya lang namimi-miss ko ang Panpan ko.

"Seryoso ka na ba sa kanya?" Tanong ni Peypey. Nanonood kami ng tv noon habang hinihintay si Fonso. Tumingin ako sa kapatid ko.

"May gusto ka ba kay Pan?" Biglaang tanong ko.

"Wala. Ayoko nga sa kanya kasi nga inaagaw niya si Mamang, pero gaya ngayong wala siya, hinahanp ng tainga ko iyong nakakabwisit niyang bunganga." Bigla akong natawa sa sinagot ni Pepe sa akin. Ginulo ko ang buhok niya tapos ay tinapik siya sa balikat.

"Ikaw pa rin naman ang bunso naming kahit na anong mangyari."

"Kahit na ako iyong hind anak ni Papang?" Tanong niya. Hanggang ngayon ay palaisipan sa aming magkakapatid kung sino nga ba ang hindi anak ni Papang. Naisip ko naman na hindi iyon mahalaga dahil kahit saan anggulo ko tingnan, magkakapatid pa rin kaming tatlo.

"Kahit napulot ka lang sat ae ng kalabaw." Natatawang sabi ko. Peypey made a face, kasabay niyon ay ang pagpasok ni Fonso sa pinto dala ang mga pinamili niya. Tinulungan naman naming siyang magluto para mapadali ang pagkain namin, habang nasa kusina ay nasabi ko na miss ko na nga si Pan. Nauwi lang kaming tatlo sa tudyuhan.

"Kung miss mo na si Pan, bakit hindi mo siya puntahan sa kanila?" Fonso suggested. "Kung hindi mo naman alam ang bahay niya, madali lang silang mahanap. Maraming nakakaalam sa bahay ng mayayaman sa exclusive subdivisions no." Sabi niya pa. Napanguso ako. Gusto ko ngang puntahan si Pan. Kahapon siya umalis at sigurado akong nasa bahay na niya siya ngayon. Kagabi ko pa nga siya ni-te-text pero hindi siya nagre-reply. Nagtataka nga ako pero naisip kong baka busy lang siya. Alam kong maraming pinagdadaanan ang pamilya niya ngayon and I want her to know that I am here for her no matter what happens, hihintayin ko lang siya at hindi ko siya ipe-pressure. Mahal ko iyon...

Mahal ko talaga siya.

Kaya lang, hindi talaga ako mapakali, kaya sa huli, sinunod ko na lang rin iyong sinabi ni Fonso na puntahan si Pan sa bahay nila. Sumama silang dalawa sa akin ni Peypey. Si Fonso ang nagda-drive, na-traffic pa nga kami papasok ng Metro pero hindi ako nainis, naisip ko kasi na pagkatapos ng lahat ng ito, naghihintay sa akin ang nakangiting si Pan. Alam na alam ko na ang sasabihin niya sa akin. Napangisi ako. May kasama kasing kabastusan iyon.

"Tang ina, Fonso, naiisip ko pa lang si Pan, kinikilig na ako." I even made a face. Binatukan ako ni Peypey mula sa likuran. Inirapan ko naman siya pero saglit lang iyon, ayokong sirain ang love mood ko para lang sa kapatid kong kulang sa pansin.

We got stuck in traffic. Iba na talaga ang traffic sa Pilipinas, hindi na siya basta traffic, tourist attraction na siya! Dalawang oras pa ang itinagal namin sa kakahanap ng bahay nila Pan. May kakilala ksi si Fonso na kilala ang kapatid ni Pan na si Kairos Vejar kaya iyon ang nagturo sa amin kung nasaan sila. Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya pala ako gustong makita? Paano kung pagkatapos noong nangyari sa amin bigla na lang niya akong ayawan kasi nga nakuha na niya ang katawan ko? Kakayanin ko ba?

Hindi naman siguro, I would love to believe that she feels something for me too. Mahal ko si Pan at ang tulad niya ay hindi basta ibinabasura. I will treasure her forever. I will love her for the rest of my life. Ganoon na kalakas ang tama ko sa kanya.

Stay with meWhere stories live. Discover now