Kapitulo. Dos

111K 3.7K 668
                                    

Getting to know you

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Getting to know you

Juan Antonio Birada's

Dalawang araw siyang nilalagnat at nilalamig. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko lalong lumalala ang sakit niya. Kung ano-anong dahon na nga lang ang tinatapal ko sa noo niya at sa sugat niya para bumaba ang lagnat niya pero nagchichills pa rin siya. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin. Ilang bj na ang naipainom ko sa kanya pero hindi pa rin siya magaling.

"Mama... mama ko..."

Napapalatak ako habang gumagawa ako ng apoy. Tiningnan ko siya. Umiiyak na naman siya. Bakit pakiramdam ko hindi siya masaya sa buhay na mayroon siya? Dalawang araw na niyang tinatawag iyong Mama niya. Naisip ko tuloy iyong Mamang ko. Malamang hinahanap na noon ako ngayon. Nag-alala na rin siguro ang mga kapatid ko. Hindi kasi sanay ang mga iyon na hindi ako tumatawag sa bahay. Siguro ngayon, dalawang araw na, baka hilong talilong na ang mga iyon. Malamang sumabog na sa balita ang pagsabog ng barko. Sigurado akong hinahanap na nila ako. Kaya gagawin ko ang lahat makabalik lang kami kaagad sa sibilisasyon at naniniwala akong si Pan Vejar ang magdadala sa akin muli sa sibilisasyon.

Mayaman siya, kilalang tao ang pamilya niya. Alam kong sa ngayon ay hinahanap na siya ng mga ito. I sighed again. Nilapitan ko siya. Sa totoo lang maganda itong si Pan Vejar kaya lang baluktot ang dila. Naalala ko noong hinalikan ko siya, biglang natuwid iyong pananalita niya. Mukhang nagulat rin siya sa mga sinabi niya noon kaya siya tumakbo palayo.

I touched her forehed. Mainit na mainit pa rin siya.

"Hoy, Pan..." Sabi ko sa kanya. "Umayos ka na. Kapag magaling ka na, mas madali tayong makakaalis dito." Huminga ako nang malalim tapos ay pinalitan ko iyong dahong itinapal ko sa kanya. Wala akong makitang ibang tao sa lugar na iyon. Malamang sa malamang wala talagang nagdadaan roon. Pero sigurado akong nasa Pilipinas pa rin kami.

"Pan..." I touched her face again. I was thinking of a way I could do to help her get better pero wala rin talaga akong alam. Sa sitwasyon naming ito, napakahirap gumalaw. Nang mapansin kong kaunti na lang ang galaw niya ng panginginig ay hinalikan ko siya sa noo at saka bumalik sa gawain ko. Kailangan ko nang magpa-apoy. Magagabi na rin kasi. Sa loob ng tatlong araw ay wala akong ginagawa kundi ang magpaapoy, manguha ng dahon- dahon na itatapal sa kanya. Hindi ko pa nasusuyod iyong isla, hindi ko naman kasi siya maiwan.

"Dito ka lang, Pan. Susubukan kong manghuli ng isda." Sabi ko sa kanya. Kaninang tangahli ay nakagawa ako ng matulis na sanga ng kahoy. Baka pwede kong magaya iyong sa survivor, baka makahuli ako ng kahit ano. Tumayo ako sa may dagat. Mataman kong tiningnan ang mga isda, hindi naman nagtagal ay nakahuli ako ng tatlo. Nilinis ko iyon gamit iyong swiss knife ko at tinuhog sila sa sanga at saka inihaw. Habang ginagawa ko iyon ay napansin kong nakadilat na siya.

"Okay ka na?" Ngumiti ako sa kanya. Umupo naman siya at saka niyakap ang mga tuhod.

"I thought it was just a dream." She told me. "Akala ko nakauwi na ako sa house namin and that I am going to wake up in my bed but I'm still here." Napakalungkot ng boses niya. I just smiled at her.

Stay with meWhere stories live. Discover now