Kapitulo. Siete

97.3K 3.9K 1.3K
                                    

Pan invades

Juan Antonio Birada’s

Nagising akong masakit ang likod ko. Like fuck – sabi nga ni Pan tuwing kausap ko siya. Natulog ako sa kwarto ni Pepe, siya sa kama ako sa lapag. Wala akong magagawa. Ayaw ni Mamang na magkasama kami ni Pan sa kwarto dahil daw baka makabuo kami ng bata – actually binalak ko naman talaga iyon noong nasa isla kaming dalawa. It’s better to build a civilization kaysa naman mamamatay kaming dilat, ‘di mag-sex na lang kami kaya lang, nasagip kami kaya hindi natuloy. Hindi naman ako malungkot doon, mga kaunting lungkot lang. Like three huhuhu in the end.

Ipinilig ko ang aking ulo nang maisip ko kung anong pinag-iisip ko. Bumangon ako nang naglalawa ang pawis sa likod ko. Tang inang Pepe talaga iyon! Pinatayan ako ng aircon. Palibhasa, ginawin siya. Tang inang buhay ito. Bumili pa naman ako ng Salem Mattress tapos hindi naman ako ang gagamit. Tang ina talaga. Kamusta naman iyong likod ko.

Bumaba ako ng sala. Natigilan ako dahil nakita ko si Kuya Jufran, Kuya Fonso at Pepe na nakatayo sa may pinto ng bahay. Lumapit ako sa kanila. Si Kuya Jufran ay umiinom ng kape. Naka-sando siyang pula na may butas sa likod at naka-boxers. Si Fonso naman ay hubad. Nakasabit iyong sando niya sa balikat niya habang kumakain ng pan de sal. Si Pepe naman ay nakatapi lang ng tuwalya.

“Anong meron?” Tanong ko.

“Wala.” Sagot ni Pepe.

“Weird.” Sabi ni Fonso.

“Nanay ba natin iyan? Parang may sapi.” Bulong ni Kuya Jufran.

“Ano bang nangyayari?” I asked. Lumabas ako at doon ko nakita si Mama, na may suot na pang belly dancing sa baywang iyong tumutunog – tunog, iyong may lawit na gold – gold habang si Pan naman ay nakatayo sa tabi ni Mama, litaw ang puso tapos nagkekekembot din!

“Like you make galaw – galaw your baywang, Mamang so the bilbil beside you will burn like fuck!”

“Like this ba, Pan?” Tanong ni Mamang. “Yes, like this no? Like fuck!”

Napamura kaming magkakapatid nang magkakasabay nang marinig kong nagmura si Mamang. Hindi ako makapaniwala.

“Yes, Mamang like that po!”

Kinagiling – giling ni Pan ang baywang niya. Napamura ako nang makita kong sumisilip na iyong mga miron sa gate namin.

Walang dalawang sabing nilapitan ko si Pan at si Mamang.

“Ano bang ginagawa ninyo?!” Nangigigil na sabi ko.

“Like duh?! We’re belly dancing so the bilbil of your Mamang will go away!” Pan said. Lalo siyang kumembot. Napatingin ako sa dibdib niyang gumagalaw habang kumekembot siya. Pagiling – giling pa siya. Sa inis ko ay hinubad ko iyong damit ko at itinakip sa kanya.

“Like ewww! Your shirt is so mabaho! Did you ligo na ba?! Mamang oh! He doesn’t want the bibil to go away!”

“Why ka naman ganyan, Antonio!”

“Mang!” I snapped at her. “H’wag kayong magsalita ng ganyan! Jusko! Kuya Jufran nga!” Nakita kong palapit na si Kuya sa amin.

“Mang, tara ihahatid ko na kayo sa Paombong ngayon.” Sabi niya kay Mamang. Hindi ako nagsalita. Nagpupumiglas si Pan sa akin.

“Hindi ka dapat naggaganyan dito! Jusko! Nakikita mo ba iyong mga tambay sa paligid?! Pinagpepyestahan na iyong pusod mo!”

“Ano ba?! Make bitaw – bitaw my arm! It’s sakit na! Like now na!” She pulled away from me tapos ay nagtago siya sa likod ni Mamang.

Stay with meWhere stories live. Discover now