Kapitulo. Sais

96.8K 3.9K 917
                                    

Suprise!

Juan Antonio Birada's

Natagpuan ko ang sarili ko sa cafeteria ng Varess Medical Center. Kasama ko si Pepe na kumakain ng spaghetti. Nakaupo siya sa tabi ko habang nasa harapan ko naman ang mascot ni Jollibee. Nakapangalumbaba siya, ganoon din ako. We are looking at each other. Napapangiwi ako dahil naggaganda mata sa akin si Jollibee.

"Tang inang ito." Bulong ko. "Bakla ka ba? Nababakla ka sa akin no? Untog kita sa muscles ko."

Nanatiling nakatingin sa akin si Jollibee. Sasapakin ko na ito talaga.

"To, hindi pa ba tayo uuwi? Pinaalis ka noong mang-aagaw ng dekada. Hindi pa ba tayo babalik sa Malolos? Pero ang ganda ni Mary noh? Wala yata siyang make up tapos ang ganda – ganda niya pa rin."

"Mag-move on ka!" I hissed at him.

"Bakit? Naka-move on ka na ba? Siguro may ginawa na kayo ni Pan sa isla. Nag-sex na kayo?" Tanong niya pa. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Si Jollibee naman ay itinakip pa iyong mga kamay niya sa bibig niyang lagging nakatawa. Inambaan ko siya.

"Ay! Papa ayun po iyong baboy!"

"Hindi nga iyon baboy, anak." I heard Kairos Vejar's voice. Karga niya iyong anak nya iyong anak niya tapos ay lumapit siya sa amin. I stood up and looked at his eyes. Oh! I hate his face so much. Dahil sa kanya nawalan kami ng pag-asa kay Mariake Rojas. I hate him so much.

"Hello!" The little girl greeted us. She smiled. Ibinaba siya ni Kairos – ang mang-aagaw ng dekada. Napasimangot ako pati na rin si Pepe.

"Baboy ito. Laki ng pwet niya." Narinig kong bulong noong batang babae.

"What are you even doing here, Mr. Birada? There is an existing TRO against you and your brother plus Paolo Arandia. Hindi kayo pwedeng lumapit kay Mariake." He said to my face. Nagpipigil lang akong masapak siya kasi ang yabang akala yata nito por que naka-suit siyang ganoon, ang galing – galing na niya!

Ang init sa Pilipinas!

I looked at him.

"Hindi naman si Mary ang ipinunta ko dito. Si Pan kasi magkaibigan kami at unlike all of you I made time and I never kalimot her birthday!" I said to him. Nanlaki ang mga mata niya. Kitang – kita kong nakuyom niya ang kanyang mga palad niya. Parang sasapakin niya nga ako kaya lang hindi niya na itinuloy.

"Kung ano-anong itinuturo mo sa kapatid ko!" He hissed.

"Wala akong itinuro sa kanya na hindi mabuti!"

"Oh pwes bakit alam niya iyong----"

"Ay Papa! Sinipa po ni Eli iyong baboy!"

Napalingon kami pareho. Nakita kong may isang batang kulot iyong buhok na nakatayo sa nakahaluhod na mascot ni Jollibee. Hindi lang iyon, sinuntok niya pa sa noo.

"Eli!" Sigaw ni Kairos. Agad niyang pinuntahan iyong bata.

"Why did you do that?" He asked.

"Naiinis po kasi ako sa kanya Tito Kairos. Ang laki ng pwet niya."

"Baboy kasi siya, Eli kaya ganoon." Sabi bigla ng anak ni Mary. Maya-maya ay napansin kong dumating si Mary na tulak – tulak iyong wheel chair kung nasaan si Pan. Ngumiti siya sa akin. Si Pepe naman ay agad na tumayo.

"Hello, Mary!"

"Shut up!" Kairos said. "Anong ginagawa ninyo dito?" He asked.

"Kuya, I wanna kita Tohwtowh and talk to him kaya plus he's my bisita but you make him alis-alis in the kwarto so I asked Mary here if she can take me here ba. She said OO naman so we're here. Hello, Towhtowh! Thank you for visiting me!"

Stay with meWhere stories live. Discover now