Kapitulo Dieciséis

95.8K 3.9K 712
                                    


Oh!

Juan Antonio Birada's

Ilang buntong – hininga na iyong pinakawalan ko habang nakatayo sa labas ng bahay nang hapong iyon. Nakabalik na kami sa Malolos. Kasabay ng pagbalik namin ang pagbalik ng normal naming buhay, iyong walang Pan, walang maingay, walang nakikigulo sa aming magkakapatid. Wala na si Pan, at nami-miss ko na siya – sobrang miss ko na siya. Three weeks na siyang wala dito at hinahanap – hanap ko siya. I wished that I could have spend some more time with her. I sighed again.

"Pang – ilan mo na iyan?" Tanong ni Kuya Fonso sa akin. Nakatayo lang ako sa gilid ng bahay, tinitingnan ko kasi ang mga tricycle ko. Hindi ko napansin na nagsisibak siya ng kahoy malapit sa may gate. Napabutong – hininga ako bago ako sumagot.

"Miss ko na si Pan." I said.

"Diba nga di pa kayo okay noong umalis siya..."

"Kaya nga mas lalo ko siyang nami-miss. Hindi naman ako tanga, may nararamdaman ako sa kanya, kaya lang, Kuya, alam ko rin na hindi kami para sa isa't isa kasi nga mayaman siya, ako gwapo lang, saka katawan ko lang yata talaga ag hanap niya."

Natawa si Kuya Fonso. Patuloy siyang nagsisibak ng kahoy habang pinapanood ng mga baklang nakasilip sa bakod namin. Naka-jogging pants lang naman siya at half naked na naman. I shook my head.

"Sana pala nakipag-usap ako sa kanya." I sighed again. Isa – isa nang nagdatingan ang mga driver ko. Nagbigay na sila ng boundary sa akin. I was thinking that one of my drivers would show up and would tell me that Pan is looking for me in the terminal, crying, just like the first time she was here pero hindi naman nangyari, isa pa, alam naman ni Pan ang pauwi dito.

Miss na miss ko na siya.

Napakatahimik ng bahay ngayong wala na siya. Kung tutuusin ilang buwan lang naman siya dito pero pakiramdam ko kasama na namin siya mula noon.

Tinawag na kami ni Kuya Jufran para kumain na. Even the dinner seemed to be so quiet. Napatingin lang ako sa side na dapat uupuan ni Pan. Nagulat ako nang maglagay si Peypey ng plato roon saka baso. We are all looking at him.

"Bakit? Nakasanayan ko na rin kasi." Paliwanag niya. "Hindi pa ba siya babalik?"

"Kita mo ito." Sabi naman ni Kuya Jufran. "Noong nandito si Pan, halos sumpain mo. Ngayon naman nami-miss mo."

"Hindi ko siya nami-miss." Lumabi si Peypey. "Si Mamang lang naman ang nakaka-miss sa kanya."

"Saka ako." Pag-amin ko.


"Bakit hindi mo na lang siya dalawin sa Metro?" Suggestion ni Kuya Fonso. "Tutal naman, miss mo siya."

"Paano kapag tinanong niya ako kung bakit? Paano pala kung gusto niya lang akong tikman tapos lalayasan na niya ako?" Alalang – alalang tanong ko. Tumango naman si Kuya Jufran.

"Oo nga naman. Paano kung may mangyari sa inyo, tapos mabuntis ka at hindi ka panagutan ni Pan, no? Nakakatakot." He made a face. Binato ko naman siya ng saging. Nagtawanan ang mga kapatid ko at buong gabi nila akong hindi tinitigilan. Kung kumilos at mag-isip daw ako parang ako ang babae sa aming dalawa.

Nag-aalala lang naman ako sa sarili ko. Gusto ko may assurance. Naka-move on nga ako kay Mariake diba, so dapat iyong susunod na babaeng mamahalin ko, mamahalin na rin ako. And for me, that is Pan. Si Pan talaga, I love everything about her, kahit pa iyong pagiging vulgar niya.

Bandang alas nuebe nang gabi ay may naulinigan akong sasakyan. Sumikdo ang puso ko. Baka si Pan na iyon. Baka bumalik siya. Kahit na nasa kalagitnaan ako ng paliligo ay lumabas ako sa bathroom ng nakatapis ang tuwalya at may shampoo pa sa buhok. Nang makarating ako sa sala ay nakita ko si Mamang na kasama si Don Paeng.

Stay with meWhere stories live. Discover now