Kapitulo. Once

109K 4.1K 1.3K
                                    

Desires

Juan Antonio Birada's

"Okay na si Mamang?"

Nakaupo ako sa porch sa harapan ng bahay nang lumabas si Kuya Jufran at Pepe. Gabi na niyon at katatapos lang naming kumain nang hapunan nang biglang sumama ang pakiramdam ni Mamang. We checked her BP at medyo tumaas ito. Baka na-stress siya sa ginawa niyang pagsugod sa kabilang lupain. Sino ba namang hindi? Kahit nga ako na-stress ako nang makita kong dala niya iyong rifle na nakasabit sa second floor ng bahay. Noong bata ako, akala ko, design lang iyon. Ngayon ko nga lang nalaman na totoong rifle pala iyon. Jusko.

"Oo, nakatulog na pagkatapos bigyan ni Fonso ng gamot at painumin ng tubig. Si Pan naman pinagpahinga ko na at nagdugo na naman iyong sugat."

"Matigas kasi iyong ulo ni Pan. Epalogs pa." Wika ni Pepe. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Hindi epalogs si Pan! Suntukin kita sa itlog!"

"Kuya oh! Inaaway ako ni Toto."

"Umayos ka kasi!" Binatukan siya ni Jufran. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Fonso. May dala siyang tatlong bote ng gin, isang basong pineapple juice at cornik. We sat on the floor, facing each other in a circle position. Hindi naman lumipas ang minuto ay pinapaikot na ni Jufran ang baso.

"Kuya." Tinawag ko siya. "Naisip ko lang kanina, ano bang nangyari kay Mamang at Papang at kay Don Paeng? Naaalala ko kasi noon palaging nandito si Mona at iyong iba pang mga Arandia, ibig sabihin, Kuya, dati friends talaga tayo tapos diba naging admirer mo pa si Mona noon kuya tapos noong grade 8 tayo nalipat ang atensyon niya kay Fonso."

"Pero kay Kuya iyon noong grade 7 siya binigyan niya ng panty si Kuya Jufran!" Tawa nang tawa si Pepe habang umiinom ng gin. Napangiwi si Fonso at si Kuya Jufran. "Pero kuya, anong nangyari kay Mamang, Papang tat Don Paeng? Mabait naman sa atin iyong ibang kapatid ni Don Paeng diba."

"Ewan ko ba?" Sabi ni Kuya Jufran. "Basta noong namatay si Senyora Sioning, pinabakod ni Don Paeng iyan. Pagkatapos nag-friendship over na rin sila ni Papang."

Napatango ako. I guess it will forever be a mystery. I stood up. Naiihi kasi ako kaya pumasok ako sa loob ng bahay. Medyo nahihilo na rin ako. Exit ko na rin iyon. Alam naman nilang lahat na ako ang pinaka-weak pagdating sa pag-inom. Sa aming apat, si Pepe ang pinakamalakas sa alak. Tulog na ang lahat siya puma-party pa.

Umakyat na ako sa itaas, papasok na sana ako sa kwartong nang makita ko si Pan na nakaupo sa may terrace. Nakapangalumbaba siya at para bang napakalalim ng iniisip. Nilapitan ko si Crush. I giggled at myself. Crush ko talaga siya. Tang ina kinikilig ako ng mga one hundred!

"Pan, anong ginagawa mo dito?"

She turned to me.

"Masakit ba iyong sugat mo?"

"No."

"Then what's wrong?" Tumabi ako sa kanya.

"Kasi Towhtowh, I miss my Mama like there ten huhuhuhuhuhuhuhuhuhu... I really want to call her but I have no cellphone. I wanna see her, it's her birthday tomorrow." She pouted her lips. Hinawakan ko iyong kamay niya tapos ay inilagay ko iyon sa pisngi ko. She was just looking at me.

"Gusto mo bukas pumunta tayo sa Metro, dalawin natin ang Mama mo?" Her eyes widened with happiness.

"Really? You will do that for me?"

I nodded and right at that moment, I knew that I am willing to do everything in exchange for that priceless reaction.

"Thank you, Towhtowh but can we do that in the later hapon, because I promised Mamang that I will make sama to the mass tomorrow, she said that it's the bisperas of the Fiesta here and I would really like to see the fiesta here, Towhtowh kasi I had never seen a local fiesta before. I experienced it when I was in Brazil and in Spain and it's so nakakaloka and nakakahappy, like mga ten hahahahahahahahahaha in the middle 'cause in the end there's like five whoa! Whoa! Whoa! Whoa! Whoa! " I giggled as I listen to her.

Stay with meWhere stories live. Discover now