"Give me your number." pag-uulit niya na tila parang close kaming dalawa. "I'll gave my name to you too." he then smirk at me na parang nagwagwapohan ako sa kanya.

ANAK NG---! NI WALA PA NGA SIYA SA KUKO NI STANLEY!

"I.don't.want.to." matigas kong sabi't humakbang ulit pero hinatak niya ulit ako.

Marami na ang napapahinto sa paglalakad para panuorin kami't marami narin akong naririnig na bulongan.

"Gosh! Is that Ms. Garbage?"

"Its Chriscely Dizon! Stanley's Girlfriend!"

"Oh my god?! Realy?! Paano na yan? Malalagot siya kay Stanley!"

"Goodluck nalang kay tsupon."

HAHAHA! Tsupon? Tsupon pala pangalan ng isang to? What in the world?

"Ms. Dizon, alam kong naaattract kana sakin. Ibigay mo na number mo. Pakipot pa kasi eh!" ngumisi siya sa akin. Yung nakakabanas ng araw!

Stanley's smiles always melt my heart, always brighten up my day, always makes me feel butterflies in my stomach.

But this guy? He is so disgusting!

"Mr. Tsupon, can you please get out on my way?" pilit kong pinapakalma ang tono ng boses ko. Gusto kong matawa nang makitang nagulat at napikon siya sa sinabi ko.

Oh-oh..

"Anong sabi mo?" nakakakilabot na ngiti is already written all over on his face.

TSS.. PATAYIN KITA NGAYON EH!

"Tsupon. Yan naman talaga tawag sayo. Kaya please lang, umalis kana bago pa kita matadyakan." seryoso kong sambit dahil seryoso na talaga't nagugutom na ako!

May ulcer kaya ako't ayaw kong atakihin ako sa skwelahang to dahil hindi pako nakakabili ng gamot dahil sa kulang ang allowance ko!

"Ay ganun? Sorry ka nalang Ms. Dizon pero hindi kita papakawa---"

"Papakawalan mo o babasagin ko pagmumukha mo?"

"Kyaaah! Papa Stanley!"

"Ang cold niya!"

"Oh my gosh! I'm so scared na!"

"First time to!"

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Stanley sa likuran ni Tsupon. Napakacold niyang tignan. Ang emosyon niyang ayaw na ayaw kong bigyan niya.

Tumawa naman na parang nang-aasar si Tsupon. May pahawak hawak pa siya at turo sa mukha ni Stanley.

Oh no.. Parang ibang Stanley yata ang nakikita ko ngayon.

Sa di malamang dahilan, natatakot ako.

"Stanley bro! Kaw pala! Nagkakatuwaan lang naman kami nitong si Ms. Di---"

"Back.off." tila nagpipigil sa pagsuntok si Stanley kaya nilapitan ko siya't hinawakan ang kamay niyang nakakuyom at nanginginig na.

"Sorry pare pero hindi ko gagawin ya---"

"STANLEY!" sigaw ko nang matapos niyang suntukin si Tsupon na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at may dugo na sa labi.

"Pag sinabi kong layo, LAYO!" umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw niya kaya napatili ang mga babaeng nanonood sa amin. Katulad ko, gulat na gulat din sila sa inasal ni Stanley.

"Girlfriend mo lang siya Pare! Hindi ASAWA!" malakas na sigaw ni Tsupon. Akmang susugod sana ulit si Stanley nang humarang nako sa harap niya.

"Stan.. Please tama na.." pigil ko sa kanya. Tinignan niya ko na para bang kumalma na siya nang makita ako.

"Tumabi ka muna mahal." sambit niya na ikinagulat ko ng konti.

Ayaw niya talagang magpapigil.

"Stanley naman eh! Baka mapuntahan ka ni Dean Esmeralda dito!" sigaw ko.

Naiinis nako eh. Ako na ngang concern, ako pa ang pinapaalis.

"Wala akong paki! Tuturoan ko lang ng leksyon ang lalaking to!" sobrang sama ng tingin niya sakin.

Nakaramdam ako ng galit kasi parang ako pa ang masama ngayon dahil pinipigilan ko siya sa kung anong gagawin niya kay Tsupon.

"Stanley!" sigaw ko pero hindi niya ko pinakinggan at nilampasan niya ko.

Pinuntahan niya parin si Tsupon na ngayon ay nakatayo na.

"Bawiin mo ang sinabi mo." malamig at nakakuyom ang kamaong sabi ni Stanley.

"At bakit ko babawiin eh totoo naman?!"

"BAWIIN MO ANG SINABI MO!" sobrang lakas ng sigaw ni Stanley na nagpakaba ng husto sa akin.

"Di mo ko madadaan sa sigaw mo Pare!" kasabay non ang pagsuntok rin ni Tsupon kay Stanley pero hindi ito napatumba. Dala ng galit ay sinuntok rin ni Stanley si Tsupon hanggang sa nagsuntokan sila.

"Stanley! Ano ba!" sigaw ko pero wala siyang narinig. Puro dugo na ang mga mukha nila at naiinis ako dahil wala manlang may umaawat sa kanila.

"STANLEY ANO BA!" malakas na sigaw ko pero napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sakit.

Oh shit! Ang ulcer ko! Parang tinutusok tusok ang tiyan ko't sobrang sakit na.

Napaupo ako sa sahig at napahawak sa tiyan ko. Naluluha ako sa sakit. Pinagpapawisan ako.

"Stanley..." bulong ko sa pangalan niya. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa sobrang gutom.

"Chris!" rinig kong sumigaw sa pangalan ko. Hanggang sa may naramdaman akong bumuhat sakin.

Nakakainis ka Stanley! Nakakainis ka! Sobrang sakit ng tiyan ko. Pawis na pawis na ang mukha ko.

"Dadalhin kitang clinic Chris."

Sa boses niya palang, alam kong hindi siya si Stanley. It was Steven. His not Stanley. And I hate it. It hurts me dahil hindi niya ko pinakinggan.

------

-NnahJanexz

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon