"Talaga? Kilalang kilala kita girl."

Napabuntong hininga ulit ako. Parang gusto kong mapag-isa.

"Wala ako sa mood ngayon Pepay." yumuko ako.

"Hay naku girl! Mas lalong mawawalan ka talaga ng mood!"

Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit?" tanong ko. Naningkit ang mga mata niya.

"Ang boyfriend mo kasama ang impakta!" nanlalaking matang sigaw niya.

Napatingin ako sa direksyong tinitignan niya. And there, I saw it. Naglalakad sina Bianca at Stanley.

Nakaramdam ako ng selos. Sabi niya sakin kagabi, 'see you tomorrow' pero mas nauna pa silang magkita ni Bianca. At hindi lang yun, magkasama pa silang dalawa.

Mas lalo ko silang pinagmasdan, si Bianca dada ng dada habang si Stanley ay nakapoker face lang. I never see him like that before. Yung ganyang emotion, hindi niya ko binigyan. Puro ngiti lang at mapang-asar na ngisi. Kaya sobrang maninibago siguro talaga ko pag ipinahiwatig niya rin sakin yan.

"Someone's jelly here." pagpaparinig ni Pepay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino?" painosenteng tanong ko.

Hays.. Nakakamatay nga talaga ang selos. Unti-unting pinapatay ang puso ko.

"Sus! Ikaw siyempre! Pero girl, nagseselos rin ako ng slight. Hehe." nagpeace sign siya sakin.

"Ewan ko Pepay. Wala talaga ako sa mood ngayon. Alis muna ko." akmang tatayo na sana ako sa pagkakaupo nang hilahin niya ko pabalik. "Bakit?" walang ganang tanong ko sa kanya.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo ko ganern?" ngumiwi siya sa akin.

"I just want to be alone Peps. Kita nalang tayo mamaya. Pasensya na." hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya't umalis na ako.

Ang hirap hirap talaga ng sitwasyon ko.

Tinahak ko ang daan papuntang rooftop ng lumang building. Wala namang text sakin si Stanley.

Nakayuko lang ako habang naglalakad.

Ang lecheng yun! Kinalimutan ako! Kalimot-limot ba kong tao?

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may tumawag sa apelyido ko.

"Ms. Dizon."

Napaangat ang tingin ko sa tumawag sakin. And its Dean Esmeralda.

"Goodmorning po Dean.." bati ko rito at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Good morning.." she smiled at me bago nagsalita ulit. "Can you please come with me to my office?" she asked me with her oh so scary voice.

Napakamaawtoridad niya talaga.

"Sure po." sagot ko nalang kahit na tinatamad ako.

Sayang naman at hindi pa natuloy ang balak kong pagmumuni-muni.

"We need to talk something important with the others."

Eh? Ano daw? Ano nanaman ang pag-uusapan namin? At sinong others?

Nakarating kami sa office niya after 5mins. Hindi naman kasi gaanong kalayo ang principals office dahil malayo layo naman na ang nalakad ko kanina.

Pagpasok namin ay ganun nalang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nandirito rin sina Stanley, Steven at Impakta. Nagkatinginan kami ni Stanley at ngumiti siya sa akin.

LECHE! ANG POGI NG BOYFRIEND KO!

"Mahal---"

"Dito kana Chris."

IntricateWhere stories live. Discover now