"Yes Mom. She's my girlfriend. And soon to be my wife."

Pinamulaan naman kaagad ako ng mukha kaya napangiti ako kahit nahihiya na.

"Kyaaaaahh! Omg! Gusto ko na kaagad ng apo! Tara! Pasok kayo! Nandito na ang Ate Cleren at Kuya Steven mo Stanley." sabi ng mommy niya na nagpadoble ng kaba ko.

"Honey! Ano bang pinagsasabi mo?" mahinang saway ng Daddy ni Stanley sa Mommy niya.

"Ano ka ba! Hayaan mo na. Doon din naman sila papunta!" humagikhik pa ang mommy ni Stanley.

"Mahal?"

Napatingin naman ako kay Stanley na ngayon ay nakatingin sa akin.

"H-Ha?" utal kong tanong.

"Tara na sa dining room." he smiled so sweetly at me at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nagsimula kaming maglakad dalawa patungong hapag dahil nauna na ang mga magulang into papasok. Inilibot ko naman ang paningin ko't marami decors na nakasabit sa dingding. Ang ganda at ang laki ng bahay.

"Sis Chris!"

Nagulantang lang ako nang biglang may yumakap sa akin. Its Ate Cleren.

"Ate.." I smiled.

"Nagkita ulit tayo." she grinned.

"Oo nga. Nagtaka talaga ako sa sinabi mo kaninang see you later."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Well, its about the plan." makahulogan niyang sabi na nagets ko naman. Si Stanley talaga. Ang daming alam.

"Ate! Tama na yan! Nasolo mo na siya kanina!" tila iritang sabi ni Stanley na ngumuso pa.

Really Stanley? Nguso talaga? Haha.

"Ay Ewan ko sayo! Tara na nga Chris!" agad akong hinila ni Ate Cleren pero hindi natuloy kasi nagsalita si Stanley.

"Ate.." may halong pagkainis na sambit ni Stanley.

"Okay fine! I'm just joking okay?" nakataas kilay na sabi sa kanya ni Ate Cleren. Binitawan naman niya ko kasabay ng paghila sakin ni Stanley sa dining area. Pagdating namin ay nakangiting mukha ng parents niya ang sumalubong sa akin, nanunuksong mukha ni Ate Cleren at seryosong mukha ni Steven.

"Come on! Umupo na kayo dito!" nakangiting sabi ng mommy niya.

Hinila naman ako ni Stanley at pinaghila niya pa ako ng upuan. Kaharap ko si Ate Cleren at sa tabi ko naman si Stanley na kaharap si Steven. Ang mommy at daddy naman ni Stanley ay nasa magkabilang dulo ng mesa.

"Mahal, gusto mo ba nito?" tanong kaagad sa akin ni Stanley. Nakahanda na ang kamay niya sa pagkuha ng steak na nasa mesa.

"K-Kahit ano lang." nahihiyang sambit ko dahil nakatingin silang lahat sa amin. Dahil sa sinagot kong yun ay binigyan niya naman ako ng kahit ano lang.Di ko maiwasang mailang dahil sa ipinupukol na tingin sa akin ni Steven.

"So, hija.." napatingin ako sa daddy ni Stanley.

"What's your name?" he ask.

Tumikhim naman ako kasi kinakabahan talaga ako ngayon.

"Chriscely Dizon po." sagot ko.

"Ilang taon ka na Chriscely?" tanong naman ng mommy niya kaya napabaling ako sa kanan.

"18 po."

"Oh! Ganap ka na palang teen ager! Tamang tama dahil 20 na si Stanley, pwede niyo na kaming bigyan ng apo!" Bigla naman akong nabulonan sa sinabi ng Mommy ni Stanley.

IntricateWhere stories live. Discover now