SYBG 15

1.5K 105 132
                                    




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Kaba"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"OH my God!!" Napasapo si Brielle sa kanyang bibig. Gusto niyang masuka. Hindi yata kaya ng sikmura niya ang kawawang kuting sa loob ng kahon na yun. Hiwalay ang ulo sa katawan nito. Kung sino ang may gawa nito ay hayagang walang puso. Walang budhi.

"Akin na yan, Siony. Pumasok ka na doon sa loob. Isama mo na si Brianna. Ako na ang mag-aasikaso nito." Kinuha ni Nestor ang kahon na may patay na kuting sa loob. Napapailing na lang si David sa naganap. Pangalawang beses na ito.

Inalalayan ni Carmella si Brielle papasok sa opisina at inalalayan din naman ng trabahante si Siony papasok. Nagkatinginan si David at Nestor. Isinara ni David ang pinto at nilapitan ang kaibigan.

"Ano sa palagay mo, Tor. Karugtong ba ito ng noon?" Matalinghagang tanong ni David kay Nestor.

"Hindi ko alam, Dave. Pero nung araw na naaksidente si Brianna at Siege ay ang huling beses akong nakatanggap ng mga kung anu-ano dito, ngayon na lang uli naulit." Sambit ni Nestor. Nanlaki ang mga mata ni David sa narinig.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtataka at nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

Maraming alam si Nestor sa mga nangyari dito noon na hindi alam ng lahat. Minsan maging siya ay hindi niya alam dahil ayaw na niyang alamin. Sila lang ni de Leon ang napagkakatiwalaan niya higit kanino man.

"Kinabukasan ng araw na maaksidente si Siegfried at Brianna, Nakatanggap kami ni Siony ng card. Una, hindi namin alam kung para sa ano yun, kaya itinabi namin at isinali sa iba pang mail. Pero hindi na nga naasikaso pang tingnan dahil nga naaksidente na yung mag-asawa tapos umalis na kayo at wala na rin kaming naging balita maliban sa parehong namatay ang mag-asawa kasama ang mga anak nilang hindi naisilang..." Pinutol ni David ang sasabihin pa sanang iba ni Nestor.

"Teka... Sinong... Kaya ba ganun na lang ang pagkagulat n'yo nung dumating si Brianna at Ethan? Akala ko kaya mo sinabing welcome back to the land of the living ay dahil sa pagkaka-coma niya kaya ginaya ko ang sinabi mo. Who told you that both husband and wife and children passed away? Si Timothy lang at si Marie ang namatay." Nalilitong paliwanag ni David. Nagulat naman si Nestor sa sinabi ng kaibigan.

"Dave, I think you need to bring Brianna back to Japan. She is much safer there. Alam mo yan." Nag-aalalang sambit ni Nestor.

"Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino ang may gustong manakit sa pamilya ko. Natatandaan mo ba noon? Nung bagong-bago ka pa lang dito? Di ba si Amanda ang pinagbabantaan noon? Ngayon si Brianna naman." Laglag ang balikat ni David, parang sumusuko na siya.

"Kaya nga. Ibalik mo na lang muna sa Japan ang pamilya mo." Pagpipilit ni Nestor.

"Tor, hindi na ako tatakbo, haharapin ko na ito. Hindi ito banta para sa asawa, anak at apo ko, banta ito para sa akin. Nadamay lang ang manugang ko at ang isa ko pang apo." Nagngangalit ang bagang na bigkas niya. Tinapik ni Nestor ang balikat ng kaibigan.

"Wag kang mag-alala, tutulong ako this time." May din na rin na sabi nito. Maging siya ay nakakaramdam na kakaiba sa mga kalokohang ito and it needs to be stopped. The sooner the better.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now