SYBG 14

1.6K 109 142
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Flight"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






NAGING busy na si Siege sa paglalakad ng mga papeles nilang magpamilya. Balikan sila ng abogado nila. Inaayos din niya ang maiiwan na trabaho kay Ryelee. Speaking of Ryelee, natawagan na nito ang private investigator na inirekomenda ni Siege.

Nakontak naman ni Dean ang school na lilipatan ni Brynn at pwede nang mag-umpisa anytime. Na-i-assign na si Brynn ng classroom at teacher kahit hindi nakakarating ng Pilipinas. Iba talaga kapag maraming kilala sa mga tamang lugar, madali lang magawa ang lahat. Natawa siya takbo ng isip niya at naiiling na lang.

Sobranf na-excite si Brynn nang marinig ang pag-uusap ng kanyang Daddy at Tito Dean sa sala. Nasa bahay ni Siege ang dalawa ngayon. Halos mahulog ang bata sa hagban sa pagmamadali para maibalita sa Lola niya na uuwi na sila ng Pilipinas. Makikita na niya ang mommy niya.

Masayang malungkot si Siege sa pagkakataong ito. Masaya, dahil masaya ang anak niya at mapapasaya din niya ang asawa na nasa kabilang buhay na dahil mabibisita na nila ang puntod ng mga mag-ina nila. Malungkot, kasi babalikan niya ang alaala ng trahedyaat hindi na niya makikita at maaakap ang asawa. Malungkot kasi puntod na lang nito ang babati sa kanilang mag-ama.

Tama naman ang lahat kahit na masakit pero hindi pwedeng habang-buhay na lang siyang iiwas. Hindi pwedeng habang-buhay niyang titiisin na hindi makita ng anak ang puntod ng ina at kapatid.

Kung mahal niya talaga ang asawa at anak ay dapat pa rin niyang alalahanin na may lugar silang pwede nilang puntahan para madalaw ang mga ito. Oo, masakit, pero mas masakit yung parang wala na itong ugnayan sa kanila kahit na nasa kabilang buhay na ang mga ito. Hindi niya pa siguro matatanggap sa ngayon at kahit kailan ay hindi niya matatanggap ang lahat pero para kay Brynn ay pipilitin niya.

"Timothy Siegfried, tapos na ba ang mga dukomento na kakailanganin ni Brynn para sa school niya?" Napatingala siya sa ina habang pababa ito ng hagdan.

Weekend ngayon kaya nasa bahay silang lahat. Nakasunod ang kanyang ama na karga naman ang kanyang prinsesang nakangiti ng ubod t/bungal... este ubod tamis.

Simula ng malaman ni Brynn na uuwi sila ng Pilipinas, kahit ano pang pangit ng mga nangyayari sa paligid nito ay parang wala itong pakialam. Naglalaro lang ito at nakangiti palagi. Kahit na inaabot sila ng sampung taon sa gitna ng freeway mula sa school hanggang bahay nila ay okay lang dito. Hindi ito katulad ng dati na madali itong mabugnot sa loob ng sasakyan. Naiinip. Ang sikat nitong mga kataga ay "Are we there yet?" Habang hawak nito si Stargazer

"Daddy, when are we going to leave?" Eto na naman ang tanong nito. Ganito ang tanong nito araw-araw. Napalitan na ang famous line nito na.... Are we there yet?!

"Four more sleeps, baby." Sagot naman niya. Tama. Apat na araw na lang at nasa Pilipinas na sila. Tamang-tama, biyernes ang dating nila doon dahil wednesday ang alis nila. Mawawala ang isang araw sa kanila dahil sa international date line, ayos lang dahil may sabado at linggo naman para makapagpahinga at maiwasan ang jet log.

Since You've Been Goneजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें