"Hi Slut!" kinindatan ko naman siya. Nakita ko naman kung paano umasim ang mukha niya pero ngumisi rin sa akin.

"Di ka ba nagsasawa sa daster mong basahan katulad mo?" pang-aasar niya sa akin.

Ilang pulgada nalang ang pagitan namin sa isa't isa pero parang gusto ko siyang hilahin para kalbohin.

Ngumisi ako. "Eh ikaw? Di ka ba nabibigatan sa kakapalan ng make up mo?"

"Hindi! Ang tawag dito, marunong mag-ayos." pagmamalaki niya pa with matching taas kilay.

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Talaga? Akala ko isasabit kana kasi sa dingding." pang-aasar ko.

"At bakit?!" tila pikon na niyang sabi.

"Mukha ka kasing painting." tapos nilampasan ko siya. Awang naman ang labi niya dahil merong tumawa na mga dumaraan sa sinabi ko. Bigla naman akong huminto. At nilingon siyang ang sama ng tingin sa akin. "Wait. Naniniwala kasi ako sa kasabihang. Simplicity is beauty. Hindi puro kolorete!" then nag-walk out ang peg ko.

Hahahaha. Halakhak ng isang tagumpay!

                      *•*•*•*

Dumiretso ako sa classroom. Pero hindi pa nga ako nakakapasok mukha kaagad ni Pepay ang humarang sa pinto.

"Girl! Kanina pa kita hinihintay!" nakangiting sambit niya sa akin.

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ko. Sinilip ko ang loob ng classroom pero wala na ngang tao bukod saming dalawa dito sa pinto.

"Wala si Sir Trin! Pero, nagbilin siyang magpractice daw tayo sa prom!" excited na excited na sabi niya.

Nagsimula kaming maglakad patungong gym. Kami lang yatang graduating ang naglalakad ngayon sa hallway. Ang ibang levels kasi may mga klase.

"Sus! Excited na excited eh wala namang partner." pagbibiro ko sa kanya.

"Ay grabi siya! Kelangan ipamukha mo talaga girl? Porket partner mo na si Papa Stanley!" ngumuso siya.

Natawa naman ako sa itsura niya kasi nakalipstick siya ngayong pink na pink.

"Ewan ko dyan sa papa stanley mo! Ano naman yang lipstick na pink sa labi mo?" tumaas ang kilay ko.

"Shecret girl! Akeyn nalang to no!" umirap pa siya sakin. Maya maya lang ay tanaw na namin ang gym.

"Alam mo girl, may hindi kapa sinasabi sa akin." tila nagtatampong saad niya.

"Ano yan?" takang takang ko. Anong sinasabi nito?

"Yung date ni Papa niyo Stanley! Kyaaaah!" nagtitili siya.

"Hoy Pepay! Tumahimik ka nga! Ayoko na ng panibagong punishment!" sigaw ko sa kanya. Tumahimik naman siya.

"Kasi nga! Ikwento mo na!"

"Ayoko nga!" bwiset! Nangingiti ako tuwing naaalala ko yung ginawa namin sa world of fun.

"Ano ba yan! Ang damot! Shige na girl! Kala ko ba bestfriends?" nakangusong sambit niya. Natatawa talaga ako sa lipstick niyang kulay pink.

"May sinabi ba kong bestfriends tayo?" pagtataray ko.

Bigla naman siyang napahinto sa paglalakad. Napahinto rin ako't nagpipigil ng tawa.

"Wow! Grabe ah! Matapos kong sabunotan ang biancang yun say--" pinatigil ko siya.

"Oo na oo na!"

"Sasabihin mo na?" malaki ang ngiting nakatingin sa akin na tila sabik na sabik marinig ang sasabihin ko tungkol sa lakad namin.

"Hindi." tapos naglakad na ako papasok ng gym. Pero kusang nabato ako sa kinatatayuan ko nang makitang cheer na cheer at tuwang tuwa ang lahat sa isang pares na nagsasayaw sa gitna.

Stanley at Bianca.

Shet! Naiiyak ako! Naiiyak ako!

"Uh-oh." dinig kong sabi ni Pepay sa likuran ko.

Ang saya nila.

Ang laki ng mga ngiti sa labi ni Stanley at ng impaktang Bianca. Nakayapos ang dalawang kamay ng impakta sa leeg ni Stanley at ang unggoy naman ay nakahawak sa bewang ng impakta!

Oh my God. Masakit. Naninikip ang dibdib ko.

Heto lang ako sa entrance ng gym. Nakatingin sa kanilang masayang nagsasayaw na parang sila lang dalawa ang nakikita nila sa isa't isa.

Sila na ba ang partners?

Wala na ba kong lugar?

Pinalitan ba ko agad kasi di ako nakarating?

Kaya ba ngiting ngiti si Bianca kanina sakin?

Ito bang ganti niya?

Alam niya bang mahal ko rin si Stanley?

Mahal ba talaga niya ko?

Nanatili silang sumasayaw. Pero mayamaya lang ay nagyakapan na silang dalawa. Humiyaw ang lahat.

Bagay sila.

Unti unting dinudurog ang puso ko. Wala na. Tumulo na talaga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

May kaparapatan ba kong magselos?

Kailangan ko bang pagselosan si Bianca?

May karapatan ba ko?

Diba sinabi niyang mahal niya ko?

Sapat na bang rason yun?

Kusa na kong tumakbo palayo para walang may makakita sa inakto ko. Ayokong makita ako ni Stanley na ganun. Ni Bianca pati narin ni Jessica.

Dinig ko pa ang sigaw sakin ni Pepay pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

Ang sakit. Nagseselos nga ko. Nahulog na talaga ako. Leche!

------

A/N: Nagseselos na si Chriscely! Anong masasabi niyo kay Bianca readers? Haha!

IntricateWhere stories live. Discover now