Panimula

24.4K 566 24
                                    

Napakahabang panahon, isang mundong nakakubli ang bigla na lamang nagkaroon ng ngalan matapos mangailangan ng tulong mula sa mga mortal.

Ang naturang mundo ay hindi basta-basta nararating, ang mismong mga mamamayan lamang na mula sa mundong ito ang maaring maglabas-masok at kayang dumadaan sa nag-iisang portal na nagdudugtong sa mundo nila at sa mga tao.

Sila'y kasing-wangis din ng mga tao kaya't hindi kapansin-pansin na iba sila lahat. Maliban sa kanilang mga mata na siya rin tanda ng kanilang pagkakakilanlan. Kulay nito ang nagsasabi kung saang ankan sila nabibilang at kung anong kapangyarihan ang kanilang taglay. Mga kulay na pula, asul, berde at puti na siyang mga pangunahing mga angkan.

Sa kanilang mundo ay isang tradisyon ang pagpili ng papalit sa nakaupong pinuno. Sa pamamagitan ng isang paligsahan na maaari lamang lahukan ng edad labing-lima hanggang dalawampu. Walang pinipiling kasarian hangga't may sapat ang gulang ay pinapayagang lumahok, ngunit labinlimang taon bago buksan muli ang patimpalak ay isang kakilakilabot na kaganapan ang naghatid sa lahat ng takot.

Isang grupo ang palihim na binuo, na ang mga miyembro'y mga nilalang na matagal ng naghahanggad ng higit na kapangyarihan. Ang kanilang paniniwala'y taliwas sa batas at alituntunin na nasusulat.

Sa pagnanais nilang makuha ang trono at isagawa ang pagbabagong hinahangad, inumpisahan nila ito sa palihim na pagkilos. Ang mga musmos na bata na maaaring magkaroon ng pagkakataong lumahok sa tradisyonal na paligsahan sa itinakdang panahon ang siya nilang unang pinuntirya. Dinudukot nila at natatagpuan na lamang ang mga ito na kalunus-lunos at wala ng mga buhay sa iba't-ibang mga lugar sa mundo nila.

Nagbigay ito ng labis na pangamba sa lahat ng mga magulang at mamamayan ngunit dahil sa suspetsa ng mga namatayang mga magulang ay gumawa sila ng paraan upang malaman ang dahilan ng isa-isang pagkawala ng mga batang ito. Nang matunton ang mga may kakagawan ng pagpaslang ay naging sanhi naman ito ng kanilang pagaalsa't paguumpisa ng mas malaking kaguluhan.

Sa takot ng hari, konseho at ng mga matatanda para sa kaligtasan ng mga batang walang kakayahang lumaban ay napagdesisyunan nilang dahil ang mga musmos na bata sa kabilang mundo upang mailayo sa kapahamak.
Sinelyuhan ang kanilang mga kapangyarihan upang hindi makapanakit ng mga tao. Pinahintulutan ng Hari ang isa sa magulang o kamag-anak ng paslit na sila mismo ang maghanap ng tahanan na mapagiiwanan ng mga bata gaya na rin mismo ng kanilang hiling.
Matagumpay na naitawid ang lahat ng mga bata ngunit isa sa mga magulang ng mga batang ito kanila ang bigla na lang naglaho't hindi na nakabalik.

Nanumbalik ang kapayapaan matapos matugis ang mga miyembro ng rebelyon ngunit ang lingid sa kanilang mga kaalaman ay may mas malaki pang planong naghihintay sa muling pagbabalik ng mga paslit at nag-aabang lamang sila sa muling pagsisimula ng paligsahan.

Celestial WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon