Kabanata 4

23.6K 619 8
                                    


*Celestial Kingdom

"Nakabalik na po siya kamahalan" Pagbabalita ko sa Hari pagpasok pa lamang sa pinto ng silid-aklatan kung saan abala siyang nagbabasa ng mga ulat mula sa lupaing kanyang sinasakupan.

"Sabihin mo sakanya na magpahinga na at bukas ko na lamang siya kakausapin." Utos nito matapos huminto sa kanyang pagbabasa.

"Opo kamahalan" sagot ko at nilisan ang silid ngunit bago iyon ay nadinig ko munang namutawi sa bibig ng hari ang mga katagang ito.

"Sana'y dala niya na ang balitang inaantay ko. Labinlimang taon na rin."

"Sana nga po kamahalan." Usal ko rin sa sarili.

Lumabas na ako ng silid at tinahak ang daan kung saan ko makikita si Eros. Kasalukuyan itong nagaantay sa labas ng palasyo at alam na ako lamang ang darating upang siya'y kausapin.

"Maligayang pagbabalik Eros." Bati ko sakanya.

"Salamat Darius." Magalang nitong ganti.

"Ipinapaparating ng Hari na bukas ka na lamang niya kakausapin. Malalim na rin naman ang gabi. Magbuti na rin upang makapagpahinga ka." Wika ko.

"Salamat. Babalik na lamang ako bukas ng maaga."

Umalis na ito dala ang gamit niya. Halata na ang mga puting buhok nito senyales ng pagtanda. Masaya akong makita ang isang dating kaibigan.

Tinanaw ko na lamang siya at nang maglaho na ito sa paningin ko'y saka lamang ako bumalis sa loob ng palasyo.

Ako ang kanang-kamay ng hari. Bago makarating sa iba ang mga utos ng hari ay ako muna ang nakakaalam. Maging ang mga sekreto niya'y sa'kin niya pinagkakatiwala. Higit pa sa magkapatid ang turingan namin simula pa noon. Magkababata, kakampi at kasabwat sa kalokohan noong mga bata pa kami.

Kaya naman nang ako ang kanyang piliin upang maging kanang-kamay ay agad kong tinanggap. Isa iyong malaking pribelehiyo na minsan lamang darating sa isang Celestial na gaya ko.

Bilang isang kanang-kamay ay tungkulin ko ring protektahan ang Hari, hindi lamang ng kanyang mga kawal. Ang nga kawal ay kadalasang nasa digmaan at ako naman ay laging nasa tabi at kasa-kasama ng hari.

Kahit pa sabihin na nating siya ang pinakamalakas ay may kahinaan rin ito na hindi nila dapat malaman. Kagaya na lamang ng isang malaking sekreto iniingatan namin ng mahabang taon. Ang tungkol sa kanyang anak at ang pagkawala ni Amethyst, ina ng bata.

May inatasan ang hari para sa isang misyon na iyon at iyon ay si Eros.

Si Eros ay isa sa mga matalik naming kaibigan, bukod pa sa isa na wala na kaming balita ng matagal ng panahon.

Iisang babae lang ang naglatibok ng puso ng dalawang kaibigan ko. Isang babaeng malaanghel ang kagandahan. Ubod ng bait at lubos na maalalahanin.

Siya'y naging kasintahan ng Hari ng mahabang panahon ngunit nang magumpisa ang paligsahan na para lamang sa mga kalalakihan ay naging madalang na silang magusap at magkita.

Hanggang isang araw, nalaman na lamang namin na nagpakasal si Amethyst at Eros. Labis na nasaktan ang aking kaibigan na ilang araw pa lamang simula ng nagumpisang maupo sa trono noon.

Palihim pa itong lumalabas ng palasyo upang masulyapan si Amethyst sa malayo. Naglalasing at kung saan siya inabutan ng antok ay doon na lamang siya natutulog. Ako naman ang nagtatyagang iuwi siya sa palasyo.

Ilang buwan makalipas iyon ay wala na kaming balita mula kila Eros at Amethyst dahil sa paglipat nila ng tinitirhan. Naging mas abala na rin ang Hari sa kanyang mga tungkulin. Lalo pa't kabi-kabila ang mga dumarating na balita ng may isang grupo nabinuo ng mga rebelde.

Ang mga ito ay nagnanakaw ng mga kinabubuhay ng mga mamamayan at ang pinakamalaking krimen na ginawa nila ay ang pagpaslang sa mga paslit na walang kalaban-laban na parang mga hayop.

Dahil dito ay bumuo ang hari ng plano upang iligtas ang mga musmos na bata mula sa kanila.

Isang gabi ay magkakasunod na pinatay ang limang batang lalaki at agad iniutos ng hari na dalhin ang lahat ng mga paslit na puntirya ng grupo sa palasyo. Isang bata ang nakaagaw ng pansin ng Hari. Ang batang iyon ay karga-karga mismo ni Amethyst.

Iyon ang muli nilang pagkikita at huli rin ng gabing iyon. Nagumpisa ang pagiging balisa ng Hari mula noon kahit pa nahuli na ang karamihan sa mga rebelde at ligtas na rin ang mga paslit sa kabilang mundo.

Nabigla kami nang lumitaw sa harap namin si Eros at humihingi ng tulong. Doon ay inamin niya ang lahat.

Nalaman namin na napakatagal na palang nawawala ni Amethyst at nawawalan na ng pagasa si Eros na mahanap pa ito. Isa pang nagpahirap sa kanya ay ang pagbabawal sa mga Celestial na tumawid sa kabilang mundo. Kaya naglakasloob siyang lumapit sa hari at pinaalam ang pagkawala ng babaeng kanilang parehong minamahal.

Ang batang nakita ng hari noon na buhat ni Amethyst na kasama sa ibang mga batang pinadala sa kabilang mundo ay siya palang dugo't laman ng hari. Ang pagpapakasal niya kay Amethyst ay paraan lamang upang ilayo sa mapanghusgang mga Celestial ang babae dahil nagdadalang-tao ito. Ang gabi kung kailan nalaman ni Amethyst iyon ay siya ring gabi kung kailan naupo bilang Hari ang ama ng bata.

Akala nami'y nakabalik ito ng maayos kasama ng iba pang Celestial noon ngunit ni anino nito'y hindi na na pala muli pang nakita ni Eros. Walang balita, wala kahit na anumang senyales kung nasaan ito.

Upang mahanap si Amethyst ay hinayaan ng Hari na makatawid sa kabilang mundo si Eros. Pinabaunan niya pa itong sapat ng ginto na maari niyang magamit sa kabilang mundo.

Bukod sa paghahanap kay Amethyst ay inatasan rin niya itong subaybayan ang paglaki ng kanyang anak. Nanirahan siya sa mundo ng mortal at nagpanggap na isang negosyante. Nagawa rin niyang matunton ang ilan pang batang Celestial at masigurong ligtas ang lahat.

Sapat na ang panahon na kanilang pamamalagi sa kabilang mundo. Panahon na rin upang sila'y muling ibalik rito.

Ang selyo na pumipigil sa enerhiya ay unti-unti nang natutunaw. Kapag hindi nila nakontrol iyon ay tiyak na marami ang malalagay sa kapahamakan.

Nakabalik na ako sa silid-aklatan at naroon pa rin ang hari sa kaniyang upuan. Wala na itong anumang binabasa ngunit nakatulala ito sa kawalan.

Nilingon niya ako at kapansin-pansin ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Magkikita na rin kami." Usal niya.

Celestial WarriorWhere stories live. Discover now