Kabanata 3

14.2K 523 16
                                    

Lunch break namin, pwede kaming umuwi at kumain o di naman ay sa canteen na lang bumili ng pagkain. Kasama ko sina Gladys at Alice. Sabay-sabay kami mananghalian madalas simula pa noong nagkakilala kaming tatlo.

Sila na ang naging mga malalapit kong kaibigan simula pa noong nasa elementarya ako at magpahanggang ngayo'y kami pa ring tatlo ang magkakasama.

Napagdesisyunan naming sa labas na lamang kumain, sa isang karinderya malapit lang sa eskwelahan. Masasarap ang pagkain kahit mura lang at tiyak pa kaming malinis ang pagkakaluto dahil kita mismo kung paano nila niluluto ang mga putaheng binibenta nila.

Palabas na kami ng gate ng pare-pareho kaming nakatanggap ng text message galing sa admin office.

Cancelled na daw ang klase sa hapon.Nagkatinginan pa kami at halatang walang kahit anong ideya kung bakit biglaan ang pagkansela nila ng klase.

"Bakit kaya?" Tanong ko sa sarili.

"Guys wala daw klase. Yes!" Pagdiriwang ni Gladys.

"Oo, sa ating tatlo ikaw lang ang masaya." Biro ni Alice sa kanya.

"Ano kayang meron? Ngayon school year lang nangyari 'to ah." Saad ko.

Napatingin naman silang dalawa sa'kin at sumang-ayon. Wala na kasi kaming klase kahapon ng hapon dahil iaayos daw nila ang schedule, at inaasahan naming natapos nila iyon kahapon. Kung sa parehong dahilan ang pagkansela nila ng klase ulit ay katanggap-tanggap pa ngunit hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ni Gladys para e share saamin ang nadiskubre niya.

"Nagbukas ba kayo ng facebook kahapon?" Tanong niya saamin ni Alice.

"Ako hindi." Sagot ko.

"Hindi rin ako nagopen." Sagot naman ni Alice.

"Open niyo fb niyo paguwi niyo. May ipapasa ako sainyo, nakita ko sa isang web site kagabi. Di kayo maniniwala." Utos niya saamin.

"Ano ba yun? Sabihin mo na lang." Walang pasensiyang hiling ni Alice.

"Mahirap ipaliwanag kung hindi niyo mismo makikita. Basahin at panoorin nyo na lang yung video. Nakakakilabot talaga." Balik ni Gladys at halata ang labis na koryusidad sa mata ni Alice.

" Pagwalang kwenta yan Gladys, kakalbuhin kita. Pasuspense ka masyado." Banta niya rito ngunit siya itong hindi na makapaghintay. Siya kasi sa amin tatlo ang mahilig sa mga kakila-kilabot na mga palabas. Mga pelikula at mga paranormal activities na mababasa't mapapanood online.

Hindi na makapaghintay si Alice kaya sinusubukan niyang pilitin si Gladys na sabihin sakanya kung ano ang bagay na iyon. Pinakikinggan ko lang sila nang bigla nanaman akong makaramdam ng biglaang kaba. Kagaya ng naramdaman ko nung nakita ko ang lalaki kahapon sa labas ng bahay.

Hindi ko alam kung napansin ba nila ang biglaang pagbabago ng mood ko. Tutal naman ay wala nanamang klase sa hapon, mas minabuti ko na lamang na umuwi at pumunta sa flower shop para tulungan si Mommy.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nauna nang umalis. Naguumpisa pa lang akong maglakad palayo sa mga kaibigan ko nang bigla kong maramdaman na parang may mga pares ng mga matang nak nagmamasid sa akin.

Pasimple kong ginala ang mata ko ngunit wala naman akong napansing kahinahinala sa paligid. Sumabay ako sa agos ng mga studyanteng pauwi para isipin ng kung sinumang nasa paligid na hindi ako nagiisa.

Kinuha ko sa bulsa ng bag ang cellphone ko para etext si Mommy. Sinabi ko sa kanyang wala kaming klase mamaya at pupunta na lang ako sa shop para tulungan siya.

Nang makarating ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit.
Naalala ko yung sinabi ni Gladys kanina. Inopen ko yung PC ko sa kwarto. Habang nagloloading pa ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at agad ring bumalik sa kwarto.

Iniwang ko ang cellphone sa ibabaw ng kama at pagpasok ko ay napansin ko ang paggalaw nito. Naka-mute at naka vibrate mode ito.

Si mommy ang tumatawag.

"Hello Mommy." Agad kong sagot pagkadampot sa telephone.

Wala raw costumer kaya siya tumawag. Tinanong ako kung bakit wala nanaman kaming klase. Sinabi kong hindi ko alam. Nagtataka man ay masaya itong wala dahil magkakasama nanaman kami.

Pinatay na niya ang tawag matapos sabihin na hihintayin niya na lamang ako roon. Binalikan ko sandali ang PC na tuluyan nang bumukas. Tinignan ko kung ano ang simasabi ni Gladys kanila.

Link iyon sa isang pribadong site. May mga video na kakaupload lang at ang ilan ay nitong mga nagdaang araw lamang.

Pinindot ko ang "play" at nagbukas naman ito agad. May pinapakitang isang lalaki na nakahood at pantalong maong.

May nakalagay na label ng mga lugar at kung anong oras siyang nakita. Ang napansin ko ay every five minutes lang ang pagitan ng oras at magiiba na ng lugar kung saan siya nakita ng mga CCTV. Ang nagpakaba sa akin ng husto ay nang makita ko sa video ang gate ng school namin. Hindi ako maaaring magkamali dahil naroon pareho rin ang tarpaulin na nasa harap mismo ng paaralan namin.

Sa lahat ng lugar na iyon at sa mga lugar kung saan ito nakita ay may isang estudyanteng nireport sa mga pulis na nawawala. Mas lalong lumakas ang kabang naramdaman ko. Iniisip kung iisa lamang ang lalaking nasa video at sa lalaking nasa labas ng bahay kagabi. Pinatay ko na ang PC at tumakbo papuntang banyo. Hinilamusan ko ang aking mukha upang mahimasmasan.

Wala namang nawawalang estudyante sa'min.

Wala pa.

Bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko cellphone ko tinext ko si Mommy na papunta na ako sa shop. Kinuha ko na din ang wallet ko at nagsuot ng sapatos. Lumabas na ako ng bahay matapos mailock ang pinto.

Palabas na ako ng gate nang may nakita akong pulang usok galing sa langit at papalapit. Sa taranta at pagmamadali ay nahulog ang wallet at cellphone ko sa lupa. Akma ko ng pupulutin nang mapansin ko ang isang pares ng mga paa sa harap ko.

Napaatras ako't agad tinignan kung sino, halos mapasigaw ako sa gulat nang makitang unti-unting nabubuong tao ang mapulang usok at mula sa isang pares ng mga paa'y naging tao ito.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Inangat niya bahagya isang kamay at ipinatong sa ulo ko. Nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap ng mga mata at bilaang panghihina.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Naramdaman ko ang malakas na hampas ng hangin sa aking balat, kasunod nun ay ang pakiramdam na malamig at para akong biglaang gumaan.

Doon na nagblanko ang aking isipan.

Celestial WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon