Kabanata 5

14.3K 509 39
                                    

Nagising na lamang ako sa sakit at bigat ng ulo. Pakiramdam ko tuloy ay sumakay ako ng roller coaster ng sampung beses ng paulit-ulit ng deri-deritso't walang babaan. Pilit kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung anong nangyari sa akin at kung nasaan na ako. Kunot ang noong nagpalinga-linga nang mapansin ang di pamilyar na silid. Lugar na ni minsan ay hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko.

Agad kong kinapa ang buo kong katawan nang mahimasmasan. Tiniyak kong kompleto pa ba o butas na ang tiyan ko't kulang na ang aking lamang-loob at kung wala saplot na suot kagaya ng mga nasa telenobelang napapanood ko sa telebisyon. Kinabahan na lamang ako bigla ng masagi sa isip ko ang ganoong klaseng ideya. Uso pa naman ang mga kidnapper at nangunguha ng mga lamang-loob ng tao.

Kumpleto naman ang suot kong damit at dalawa pa ang binti't braso ko. Tinaas ko ang suot kung blusa at wala naman akong nakitang hiwa o kahit maliit mang sugat sa tiyan ko. Salamat sa D'yos at wala ring masakit na ibang parte ng katawan ko bukod sa aking ulo.

Habang nakaupo ay pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay dahilan para mas lalong sumakit ang aking ulo kaiisip ngunit ang tanging naalala ko'y lamang ay ang paglabas ko ng bahay, ang nakita kong usok na papalapit sa'kin at mabilis na pangyayaring iyon ay nandilim na ang aking paningin matapos ipatong ng pigura ng lalaki ang kamay niya sa aking ulo.

Kung sinuman ang lalaki ay hindi ko alam ngunit tiyak kong siya ang makakasagot at nakakalam kung nasaan ako ngayon.

Para akong nasa cottage ngayon, sa isang simpleng kubo. Kakaiba ang mga dekorasyon sa silid, maging ang hinigaan kong papag ay sinapinan lang ng makapal na tela upang maging malambot.

Kakaibang-kakaiba ang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Pakiramdam ko'y nasa di ligtas na lugar ako ngunit may parte ng aking isip na nagsasabi na wala akong dapat  ikatakot dahil nasa mabuting kamay ako. Naguguluhan man at nahihilo pa rin ay sinubukan kong tumayo. Sinubukan kong maghanap ng telepono sa silid kahit outlet man lang ng kuryente.

Sinubukan kong buksan ang pinto at laking gulat ko ng mapihit ko iyon at mabuksan. May nadinig akong kaluskos sa labas na nagbuhay ng takot sa dibdib ko kaya napabalik ako sa papag at naupo.
Dala ang konting kaba at pagtataka ay pinagmasdan kong muli ang kabuuan ng silid. Naghanap ng pwede kong magagamit na armas o lugar na pwede kong lusutan para makalabas sa silid na iyon. Arma ang hinahanap ko ngunit iba ang nakita ko.

May nakapatong na pagkain sa lamesa sa tabi ng higaan. Mainit-init pa ito't nagpapawis pa ang takip. Bigla kong naramdaman ang pagaalburoto ng tiyan kaya bahagya kong sinilip ang nakatakip na pagkain.

Sopas at may kasamang kalahating hiwa ng tinapay na katamtaman ang laki. May kasama ding isang basong gatas na halatang sariwa at hindi powder na tinimpla lang na ayaw na ayaw ko. Di ko na ako nagdalawang-isip pa at kinain ang mga pagkaing naroon. Hindi man lng sumagi sa isip ko na baka may lason ang mga iyon dahil na rin sa gutom. Sayang naman ang grasya kung itapon. Hindi ko alam bakit gutom na gutom ako't parang patay gutom na mabilis inubos ang pagkaing naroon.

Napuno ang tiyan ko't nabusog. Nabawasan ang nararamdaman kong pagkahilo't panghihina at nang tuluyan ng nakabawi ng lakas ay muli kong binalikan ang pinto't binuksan, sinilip kung may tao sa labas.

Mukhang maliit lang bahay. Mula sa pinto kung nasaan ako'y kita ko ang kabuuan ng kanilang sala't kusina. May isa pang pinto sa kabila lamang at mukhang panibagong silid iyon. Lumabas na ako ng tuluyan para tignan kung may ibang tao nga sa ngunit mukhang wala naman dahil ang tahimik ng paligid.

Ginala ko ang buong bahay pero wala akong nakita ni isang tao.
Nakapagtataka dahil may narinig akong kaluskos kanina. Pero may iba pa akong ibang pakay hanapin.

"Maghahanap muna ako ng banyo."

Kailangan ko na talaga. Chineck ko yung pintong nakita ko kanina at sa kasamaang palad sarado. Kaya napagdesisyunan kong maghanap sa labas.

Namangha ako sa ganda ng paligid. Berdeng-berde ito, maraming puno ang iba pa nga may mga bunga. Dinig na dinig din ang mga huni ng mga ibon. "Para akong nasa isang paraiso na sa panahon ngayon ay makikita na lang sa mga edited na pelikula.

"Baka meron naman silang portable CR dito ano." Kagaya ng mga nasa resort. Kaya sinimulan ko ng maghanap. Nalibot ko na ang paligid ng bahay pero wala akong nakitang CR.

"Naiihi na talaga ako." Pwede naman siguro sa tabi na lang. Marami namang mga damo sa paligid kung sakaling may tao hindi niya ako makikita.

Para na akkng timang na kinakausap ang sarili dito.

Nakakita ako ng magandang spot sa di kalayuan. Nagmadali ako pumunta sa mga damuhan. At sa wakas. Ibinaba ang dapat ibaba, pumwesto at alam niyo na. Kinikilig pa.

"Thank God." Patapos na ako ng may narinig akong kumakaluskos sa di kalayuan. At palapit sa aking kinaroroonan.

"Baka may wolf dito?, wild bore? O kaya ahas. Jusku po ayaw ko pa pong mamatay." Nagmadali na akong itaas ang underwear ko at pants. Pero pagtayo ko may nakatayong lalaki sa harap ko.

"Wahhh!" Sigaw ko.

Napansin kong nakatingin siya sa baba. Sa hawak kong pants.

"Bastos!" Sigaw ko sa kanya.

Walang anu-ano tumalikod na siya at naglakad palayo. Inayos ko na din ang pants ko.

" Walang modo! Hindi man lang nagsorry." Pero teka. Baka alam niya kung nasan ako at panu ako makakauwi.

Kaya naman hinabol ko siya hindi pa naman siya gaanong nakakalayo.Sa tantya ko naman hindi nagkakalayo ang edad namin. Mas matangkad siya sakin siguro mga 6 footer 'to. Medyo matipuno at kayumanggi ang balat.

"Hoy kuya!? Hindi ka man lang ba magsosorry? Tyaka saang lugar ba to? Alam mo ba kung pano makalabas sa gubat na to?... Kuya? Pls... Bago pa ko makita nung nagdala sakin dito." Sunod-sunod kung tanong sa kanya at pakiusap sa kanya.

"Kuya! Pipi ka ba? Hindi ka ba nagsasalita?" Tanong ko ulit sa kanya.

At sa wakas nilingon niya ako.

"Una hindi ako magsosorry dahil wala naman akong kasalanan. Pangalawa, nandito ka sa Celestial Forest. Pangatlo, oo alam ko kung panu lumabas dito sa gubat, at yung tanong mong huli nasagot ko na rin. Sagot niya rin ng sunod-sunod. Matapos niyang sabihin yun ay naglakad siya ulit. At papunta siya sa bahay na pinanggalingan ko kanina.

Dahil sa wala naman akong alam sa lugar na to. Sinundan ko na lang siya. At hindi na ko nagsalita. Nakakatakot din naman magtanong ang sungit nitong lalaking to.

Pumasok siya sa loob ng bahay at inilapag sa lamesa ang mga dala niya. May dala pala siyang bag. Ngayon ko lang napansin.

At mula sa bag sa lamesa may lumabas na pusa.

Teka! Pusa ba yun bakit may pakpak ng paniki tapos andami nyang mata. Kulay dilaw pa.

Tumingin yung pusa sakin at tumalon siya sa lamesa. Umakyat siya sa upuan sa tabi ko at humiga doon. Kumurap-kurap pa yung mga mata niya bago niya ipikit lahat.

Creepy! Pero cute. Parang hybrid na pusa na nacross breed sa paniki at gagamba.

Celestial WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon