Kabanata 2

17.1K 533 14
                                    

Narrator:

Malakas na pagkatok ang gumising kay Lala, sinabayan pa ng pagsigaw ng kanyang Kuya mula sa labas ng saradong pinto ng kanyang silid.

"Lala, bumangon ka na daw dyan sabi ni Mommy! Malalate ka na." Sigaw nito mula sa labas.

"Opo, bababa na." Pasigaw na sagot naman nito ngunit imbes na bumangon ay nagtalukbong ito ng kumot at muling ipinikit ang mga mata.

*****

Lala's POV

Ang ingay ni Kuya. Kumakatok pa rin ito sa pinto at tinatawag ako pero masyadong mabigat ang ulo ko para bumangon.

Paano ba naman iilang oras pa lang ang tulog ko. Iniisip ko yung lalaki kahapon magdamag. Palaisipan pa rin kung sino siya at kung ano ang kailangan niya sa akin para sundan niya ako hanggang dito sa bahay.

Inaantok pa ako. Pakiramdam ko may kakaiba sa'kin ngayong araw. Ang lakas ng pandinig ko at pakiramdam. Parang nasa high pitch ang lahat ng nasa paligid ngunit dahil inaantok pa ako ay hindi ko alintana ang ingay mula sa labas ng pinto.

Pinikit ko ulit ang aking mga mata at unti-unti akong hinihila muli sa pagtulog, nasa kalagitnaan na ako ng pagidlip nang may biglang kumalampag mula sa pinto ng aking silid.

"Lala! Ano ba? Pati ako malilate. Maaga klase ko ngayon. Nakaalis na si Mommy, ikaw na lang magsara ng bahay. Mauuna na ko." Sigaw ni kuya na ngayo'y nasa loob na ng kwarto ko't ang aga ng sermon.

Bahagya ko lang siyang tinignan at pumikit din ulit dahil sa nakasisilaw na sinag ng araw. Sumenyas lang ako sa kanya para umalis na ito ngunit wala akong nadinig na yabag ng mga paa palayo bagkus ay naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa aking noo. Sinisipat kong nilalagnat ba ako.

Hinawi ko agad ang kamay niya.

"Wala akong sakit Kuya. Okay lang ako. Ako na magsasara ng bahay." Saad ko.

"Mukhang hindi ka okay. Ang putla ng balat mo." Puna niya matapos hilahin palayo ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

"Kulang lang sa bilad yan sa araw. Okay lang ako." Pagkontra ko sakanya.

"Ewan ko saiyo. Bumangon ka nga diyan, anong oras na." Utos niya sa'kin at tuluyan nang hinila ang kumot ko.

"Oo na babangon na po." Umupo ako at pupungas-pungas na bumangon mula sa pagkakahiga. Doon lamang siya umalis at binilinan akong tawagan siya o si Mommy kung hindi maganda ang pakiramdam ko.

Ang sweet talaga ng Kuya ko.

Dinig ko ang yabag ng mga paa niya palayo. Bumangon at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nagbihis pagkatapos at nagtungo sa kusina.

May nakahanda ng almusal para sa'kin. Kaya nilantakan ko agad ang fried rice, bacon at scrambled egg na luto ni Mommy.

Bago ako umalis sa bahay ay hinugasan ko muna ang mga pinggan na nasa lababo. Nagtoothbrush and tiniyak na walang magnanakaw ang makakapasok sa bahay.

"Dad, Alis na po ako, kayo na po bahala sa bahay." Paalam ko sa litrato ni Daddy na nakasabit sa dingding.

Maglalakad lang ako papuntang school dahil malapit lang naman. Nang malagpasan ko ang poste ng ilaw ay hindi ko maiwasang hindi tignan.

Celestial WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon