"To naman! Pinapakilig lang naman kita!"

"Pwes hindi nakakakilig!"

"Okey! Sabi mo eh." tapos natawa siya. Napairap nalang ako.

"Ano ngang itinawag mo?!" irita kong tanong.

"I just want to ask you a---" di niya matuloy ang sasabihin niya.

Anyare dito?!

"A?" paguulit ko sa sinabi niya.

"Date!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Date?!" gulat kong tanong.

"Yes. Date. And I don't take a no as answer. I'll fetch you! See you mahal!"

WHAT THE HELL?!

*•*•*•*

"Hi Mahal--!" nakangiting bati niya sa akin matapos kong ibigay ang address ko sa kanya Pero unting unting nawala ang ngiti sa labi niya't napaawang ito.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"N-Nothing. Let's go?" sabi niya't pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Tumango nalang ako bilang sagot.

Agad ko namang nalanghap ang pabango niyang so manly ang bango. Ewan pero parang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang malapit lang sakin. Sinimulan narin niyang paandarin ang kotse niya.

Kanina, nag-aalangan pa ko kung ibibigay ko ba talaga sa kanya ang address ko kasi naman baka mag-away lang kami kapag nilait niya ang estado ng pamumuhay ko. Pero nagulat talaga ako at hindi ko enexpect na parang wala lang sa kanya na doon ako nakatira't yun ang bahay ko. Ngayon ko lang napagtantong iba talaga siya.

"Mahal.."

Napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sakin ng sobrang seryoso at natatakot ako na mabangga kami.

"H-Ha?" ano ba yan! Ba't ganyan lang lumabas sa bibig ko't nautal pa ko!

Nilingon niya ulit ako galing sa pagkakatingin sa daan.

"You look so beautiful." he said at ginagap niya ang kamay ko.

Parang may mga paru-paro na naglalaro sa loob ng tiyan ko. Nag-iinit din ang pisngi ko. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nilibang ko nalang ang sarili ko sa panunuod ng mga nadadaraan namin sa labas ng kotse niya.

Nakasuot ako ngayon ng dress. Yes. Nakadress ako. Ito yung dress na matagal nang nakatago sa cabinet ko na ibinigay pa sakin ni Mommy. Color peach ito na plain na may floral design sa bandang bewang simple lang siya pero magandang tignan at mukhang babaeng babae ka talaga. Pinarisan ko narin ito ng sandals na flat na kulay itim lang. Tapos nagkilay ako't naglagay lang ng konting lipstick at nilagyan lang ng hairpin ang buhok ko sa gilid para hindi na lumabas yung side bangs ko.

OO NA! PINAGHANDAAN KO NA ANG DATE NAMIN!

Napuno ng tahimik ang loob ng kotse hanggang sa narating namin ang mall.

"Were here." ngumiti siya sa akin dahilan para sumingkit lalo ang mga mata niyang singkit. Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thanks." ngumiti ako sa kanya't bumaba narin.

"Your welcome mahal.." malambing niyang sabi sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papasok ng mall.

"Yiiiieee! Ang cute naman nila!"

"Oo nga! They are so bagay!"

"Oh my gosh! Is that Stanley baby?!"

Dumiretso kami sa isang photo booth.

IntricateWhere stories live. Discover now