Nagdecide akong magbihis ulit. Pagkatapos ay nag-abang ng taxi papunta sa lugar na palagi naming pinupuntahan pag may tipon tipon. Ang tagal pa nga ng taxi bago ako nakasakay.

"Manong, dyan lang po sa may puting gate." sabi ko Kay Manong driver ng taxing sinaktan ko.

"OK po ma'am. Ito na po tayo." sabi niya't inihinto ang sasakyan. Agad ko namang ibinigay sa kanya ang bayad ko at lumabas na ng kotse.

"Mabuti't nakarating ka."

Halos mapatalon ako sa biglang pagsalita ni Manang Claudia na taong tagabantay sa pinuntahan kong mansion ngayon.

"Opo.." mahinang sabi ko.

"Pasok kana sa loob. Hinihintay ka na ng lahat."

"P-po? Lahat?"

"Lahat."

Napakagat nalang ako ng labi. Paniguradong pagagalitan nanaman ako nito. Tinahak ko ang mahabang daanan ng mansion. Sa daan, maraming nakapaskil na mga paintings. It's a blurry painting, pero kapag tinignan mo ng matalagal makikita mo talaga ang nakaguhit dito. White ang kuya sa labas ng mansyon. Pero pagpasok mo, itim ang nasa loob. Nakakatakot...

"What took you so long?" bungad ni Dad sa akin pagkarating ko sa hapag matapos ng kalahating oras na paglalakad.

"M-Matagal po akong nakahanap ng taxi---"

"Excuses." pagpuputol ng aking madrasta sa aking sasabihin.

Nakaitim siya actually silang lahat. Ako lang yata ang naka pula dito. Magara ang bestidang itim na suot ng aking madrasta. Si Jessica naman ay nakaitim ng T-shirt at pantalon na itim. Basta lahat sila nakaitim. Except me.

Napakuyom ang kamay ko sa itinugon ni Centhia. Ang aking step mom.

"Alam mo ang isa sa mga patakaran natin dito. Bakit ganyan ang suot mo?" mariing tanong sa akin ng aking ama na ngayon ay alam kong nagtitimpi ng galit sa akin.

"Nakalimutan ko po." napayuko ako.

"Talaga namang walang halaga sa iyo ang lahat."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabing 'yon ng aking ama. Talaga namang wala eh.

"Maupo kana." saad niya. Sinunod ko ang sinabi niya. Naupo ako sa harap ni Jessica na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Sinalubong ko naman ang mga tingin na yun. Hindi ko alam pero parang may pinapahiwatig siya sa akin.

"May panibago tayong gagawin." pagpupukaw ni Dad sa atensyon naming lahat. Napabaling rin kami sa kanya. I even saw my step mom smirking at me.

What's her problem?!

Isa isang inaabot sa amin ni Manang Claudia ang sulat na nakalagay sa itim na sobre na may skull na puti sa gilid. Hindi ko alam kung bubuksan ko ito. Sanay na ako sa ganito. Pero parang ngayon lang, iba talaga ang pakiramdam ko dito. Alam Kong lahat sila ay nabasa na ang laman o kaya nakita kung anong imahe ang nasa loob.

"Why don't you open it?" nakataas ang kilay at nakangising sabi sa akin ng aking madrasta.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya lang napatingin ako kay Jessica na tumango lang sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang buksan ang sobreng hawak hawak ko. Na sobrang pinagsisihan ko ng husto. Agad ko itong nabitawan. Nanginginig ang mga kamay ko. Naluluha ako. Hindi ko kaya. Naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Si Jessica naman ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi niya inaasahang makikita ang reaksyon kong ganito.

"Is it fun Ly?" Centhia was grinning at me. Napatayo ako sa galit na nararamdaman ko sa kanya.

"Don't call me that name!" napasigaw ako. Sa sobrang lakas nito ay nag-echo ang buong mansyon. Nagulat ang lahat sa iniasta ko. Si Dad ay hindi makapaniwala sa ginawa kong pagsigaw.

"Oh why? Because that's what your stupid mother calls you?!"

"SHE'S NOT STUPID!" sobrang lakas ng sigaw ko. Napahampas pa ako sa mesa.

Humalakhak naman siya.

"Really? And why did she di---"

"CENTHIA!" dad shouted her.
I glared at them. Bumaling si Dad sa akin. Galit na galit siya. Palagi naman eh.

"CHRISCELY! Bakit ka ganyan?! Wala ka nabang ibang gagawin kundi ang suwayin ako?! Wala kana bang natitirang paggalang sa akin?!"

Gusto kong matawa sa lahat ng sinabi ni Dad sa akin. Pero imbes na matawa ay seryoso ko siyang tinignan.

"I.will.not.follow.this." mariin at seryoso kong sabi sa kanya.

"Anong sinabi mo?!"

"Hindi ko to susundin!"

"How dare you!" dali dali siyang lumapit sa akin pero agad na pumagitna sa amin si Jessica.

Hindi na ko nagtagal pa at tumakbo na ako papalayo sa kanila. Pero hindi paman ako nakakalayo sa kanila, narinig ko pa ang sigaw ni Dad sa akin.

"ALAM MO ANG KAYA KONG GAWIN CHRISCELY DIZON!"

Hindi ko siya nilingon pa't patuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa narating ko na ang gate ng mansyon. Akmang hihilahin ko na ito para makalabas nang may humatak sa braso ko pabalik.

And then I saw Jessica glaring at me then she slap me hard.

"Para matauhan ka!" sigaw niya sa akin. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit na nadarama.

"Y-you know that I can't do it Jess." I said it between my tears.

"I know you can! Chris naman! Para to sayo! Satin! Bakit hindi mo magawa?! Alam mo ang kaya niyang gawin!"

"Pero hindi ko nga magawa Jess! Mahirap bang intindihin yon?!"

"PERO NAGAWA MO NA TO DATI!" she shouted.

Natigilan ako. N-no.. I can't do it this time.

"B-But it was all because of--"

"YES! TAMA KA! NGAYON, BAKIT HINDI MO MAGAWA?! DON'T TELL ME---"

"Wala kang makukuhang sagot sakin." pagputol ko sa kanya.

Ayoko na. Gusto ko nang makaalis sa lugar na to. Gusto kong mapag-isa.

"Just think of it Chris. Alam mo ang kahihinatnan pag hindi mo ginawa." pagkasabi niya non ay tumalikod na siya't sumakay sa kotse niya.

Galit si Jessica sakin. Mas lalo pa siyang nagalit sakin.
Naiwan akong tulala.

Anong gagawin ko? Hindi ko na alam.

-----

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now