19th Task

2.4K 76 3
                                    

PLANO nga ni Ashen na saktan si Solar sa harap ng mga kaibigan nila gaya ng ginawa nito sa kanya noon, pero hindi niya inasahan na ganito ang kalalabasan ng lahat.

Umalis na si Milette pagkatapos mag-walk out nina Solar at Unica. Pupunta raw ito sa mga kaibigan nito na nasa resort din na 'yon. Sa sobrang awkward ng sitwasyon pagkatapos ng nangyari, hindi na niya pinigilan ang dalaga dahil "mission accomplished" na sila.

Ang hindi siguro niya inaasahan ay ang galit ng mga kaibigan niya. Nasa bungalow sila ngayon at nakapaligid sa pahabang mesa, pero tahimik lang ang mga ito.

"Mali ba 'yong ginawa ko?" pagbasag ni Ashen sa katahimikan. "Kahit hindi kayo magsalita, kitang-kita naman sa mukha niyo na naiinis kayo sa'kin."

Sabay-sabay na napatingin sa kanya sina Prime, Rash, at Dash na nasa kanang bahagi niya dahil siya ang nasa gitna. Matalim naman ang tinging ibinigay sa kanya nina Maxine at Madnie na nasa kaliwang bahagi niya at katapat ang kanya-kanyang boyfriend ng mga ito.

"Sinadya mong halikan si Milette sa harap ni Solar?" tanong ni Prime sa seryosong boses. Nakakatakot dahil bihira lang maging seryoso ang kaibigan niyang 'to. "Kasabwat mo ba si Milette kaya mo siya in-invite na sumama sa outing na 'to?"

Tumango si Ashen. "We planned this out the night before the trip. Magkausap kami sa phone no'n kasi sinabi niyang pupunta sila ng co-workers niya dito sa resort namin. Nang sabihin ko sa kanyang pupunta rin tayo kasama si Solar, tinanong niya ko kung ano ang gusto kong mangyari para isama ko dito ang ex-girlfriend ko. I told her I wanted to hurt her the way she did. That was when Milette suggested we should kiss in front of Solar. Siya na raw ang bahala kung paano namin gagawin 'yon."

"Kaya pala 'yon ang dare ni Milette sa'yo kanina no'ng naglalaro tayo ng spin the bottle," iiling-iling na sabi ni Mandie. "She dared you to kiss the person you like in our group. Akala ko, ginawa niya 'yon para magkaayos kayo ni Solar. 'Yon pala, plano niyong maghalikan para lang saktan ang ex-girlfriend mo."

"I just wanted to make a point," defensive na sabi naman ni Ashen dahil hindi niya gusto ang dismayadong tono na ginamit sa kanya ni Mandie. "Ayokong isipin ni Solar na ako pa rin 'yong uto-uto at mahinang Ashen na niloko niya noon. Gusto kong ipakita sa kanya na wala na kong feelings para sa kanya. Na kayang-kaya ko rin siyang palitan ng gano'n kabilis."

"Kung talagang wala ka nang feelings for Solar, bakit ganyan katindi ang effort mo na ipamukha 'yon sa kanya?" halatang inis na tanong naman ni Maxine. "The way I see it, you're trying too damn hard to hide the fact that you still have feelings for her."

"That's not true!" tanggi naman ni Ashen.

"Don't shout out at my girlfriend," iritadong banta sa kanya ni Rush, matalim ang tingin sa kanya. "Huwag mo ring pag-initan si Maxine. She's only stating the obvious."

"Bakit ba kayo nagagalit sa'kin?" naguguluhang tanong ni Ashen, binibigyan ng nag-aakusang tingin ang mga kaibigan niya. "'Di ba galit din naman kayo kay Solar dahil niloko niya ko?"

"Exactly," sagot naman ni Mandie, galit na rin at masama ang tingin sa kanya. "Nagalit kami kay Solar kasi pinaglaruan niya ang feelings mo. Pero hindi ka namin pinigilan na isama siya sa outing natin na 'to dahil ang akala namin, kailangan mo ng closure para tuloy-tuloy na ang pag-mu-move on mo. Pinili naming bigyan siya ng cold treatment kaysa naman makapagsalita kami nang hindi maganda dahil ayaw naming tumulad sa kanya. Kasi akala namin, sa inyong dalawa ni Solar, eh ikaw ang better person. So for your sake, we kept quiet." Nang muli itong magsalita, mahina na ang boses. "Pero hindi kami gano'n katigas, Ashen. Naramdaman namin na iba na si Solar kaysa noon. In fact, kinausap nga namin ni Maxine si Unica kanina at sinabi namin sa kanya na tutulungan namin si Solar na makausap ka. No'ng umalis ka kasi kasama siya, akala namin eh naramdaman mo na rin ang sincerity niya at lumalambot ka na uli sa kanya." Umiling-iling ito. "But we were wrong. Pinaasa mo si Solar, Ashen. You made her believe that you're starting to forgive her. At no'ng nabuhayan na siya ng pag-asa, saka mo siya sinaktan. Ipinamukha mo sa kanya na may iba ka na pagkatapos mong iparamdam na may chance pa siya sa'yo."

"Unica was right," dismayadong dagdag naman ni Dash sa mahabang litanya ng girlfriend nito. "Quits na nga kayo ni Solar dahil napaglaruan mo na rin ang feelings ng ex-girlfriend mo. Exactly like what she did to you before. Pinagtanggol ka pa namin eh wala ka rin naman palang pinagkaiba sa taong nanakit sa'yo."

Nagtagis ang mga bagang ni Ashen. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya, lalo na ang kawalan ng suporta ng mga ito. Nakakasama ng loob.

"Masaya ka ba sa ginawa mo?" mayamaya ay tanong ni Prime sa pantay na boses kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. "Masaya ka ba na makitang umiyak si Solar dahil sa'yo?"

Dahil sa tanong na 'yon, bumalik ang sakit na naramdaman ni Ashen nang makita niyang umiyak si Solar sa unang pagkakataon. Nanikip ang dibdib niya at nakaramdam siya ng matinding kagustuhan na habulin at aluin ito kanina. Pero masyadong matigas ang ulo niya para makinig siya sa damdamin niya.

Hindi niya 'to aaminin sa mga kaibigan niya, pero nakaramdam siya ng matinding pagkapahiya pagkatapos ng ginawa niya. He was too ashamed to face Solar.

Second Couple DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon