11th Task

1.8K 73 0
                                    

ISA NA ito sa pinaka-awkward na moment sa buhay ni Solar. Naglalakad siya sa pinakalikuran ng magkakaibigan. Matatangkad ang dalawang pares ng kambal kaya hindi niya rin matanaw kahit man lang ang likod ni Ashen. Kadarating lang nila sa waterpark resort at papunta na sila sa magiging cottage nila.

Tumingin siya pababa sa hawak niyang picnic basket na mabigat pa rin dahil hindi naman nabawasan ang laman. Kanina kasi, habang nasa biyahe sila ay nag-aya si Ashen na mag-take out na lang ng breakfast sa nadaanan nilang fast food chain kaya hindi na niya inalok ang ginawa niyang mga sandwich.

Oh, well. Ang mahalaga naman, nakapag-breakfast si Ashen.

Kanina, sa dalawang oras na biyahe, solo niya ang pinakalikod ng van. Si Ashen ang nagmamaneho samantalang nasa gilid nito sina Maxine at Rush. Nasa gitnang upuan naman sina Mandie at Dash na twenty three times naghalikan simula nang umalis sila ng university. Oo, nabilang niya sa sobrang boredom niya dahil wala namang kumakausap sa kanya.

Hindi naman siya nakaka-relate sa pinag-uusapan ng magkakaibigan kaya nagtulog-tulugan na lang siya para hindi mapuwersa ang mga ito na mag-effort na isali siya sa topic.

I miss you, Unica.

Pero ayaw naman ni Solar na mag-alala si Unica at isipin na inaapi siya nina Ashen kaya hindi siya nagtext sa best friend niya. Naging totoo rin naman ang tulog niya kanina.

"Why are you spacing out?"

Pag-angat ni Solar ng tingin kay Ashen, biglang nawala ang picnic basket sa mga kamay niya. Kinuha 'yon ng binata mula sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila, nakabawi siya sa pagkagulat kaya napangiti siya sa sobrang tuwa na nasa harap na niya ito at nakatingin sa kanya. "Thank you, Ashen."

"I'm not helping you just because I wanted to," malamig na sabi naman ni Ashen. "You're slowing us down, you know."

Tumabingi ang ngiti ni Solar. Nang lumagpas ang tingin niya kay Ashen, nakita niyang huminto sa paglalakad sina Maxine, Mandie, Rush, at Dash. Nakasilong ang mga ito sa isa sa mga umbrella na nakakalat sa parteng 'yon ng resort. Halatang hinihintay sila ng mga ito. "Sorry," nahihiyang sabi niya kay Ashen nang muli niyang harapin ang binata. "Hindi ko napansin na nag-i-space out na pala ako."

Kumunot lang ang noo ni Ashen, saka bumaba ang tingin sa dala na nitong basket. "Ano ba kasing laman nito? Sinabi ko naman na wala kayong dapat intindihin ni Unica dahil sagot namin ang lahat mula sa accommodation hanggang pagkain."

Nawala na ang ngiti ni Solar dahil pakiramdam niya, naiinis sa kanya si Ashen kahit wala naman siyang ginagawa na ikakagalit nito. Pero pilit pa rin niyang pinasigla ang boses niya nang sumagot siya. "Gumawa ako ng sandwich para sana sa lahat. Kaso nag-take out na kayo ng food kaya hindi ko na na-offer. Meron din akong dalang water with slice of lemon kaya medyo mabigat 'yan."

"Sandwich and water with slice of lemon, huh?" bulong ni Ashen sa sarili habang nakatingin pa rin sa bitbit nitong basket. "Paborito ko pareho. Para sa'kin ba 'to?"

Naging masigla ang ngiti ni Solar ng tumango siya, pero medyo nag-init din ang mga pisngi niya sa pagkapahiya dahil nahuli siya ni Ashen. Pero kinikilig pa rin siya dahil kinakausap siya nito. "Oo sana."

Umangat ang tingin ni Ashen sa mukha niya, pero wala naman siyang mabasang emosyon dito. "Nagpahanda na ko ng lunch no'ng malapit na tayong dumating kanina kaya hindi na kailangan 'tong mga sandwich na ginawa mo. Ibibigay ko na lang ang mga 'to sa mga staff nitong resort para hindi masayang."

Tumabingi uli ang ngiti ni Unica kasabay ng matinding pagpiga sa puso niya. Ngayon niya lang uli naramdaman ang gano'ng klase ng sakit. Muntik na siyang maiyak, pero mabuti na lang ay nakapagpigil siya. Pinilit niyang tumango at ngumiti uli. "Okay."

Tiningnan siya ni Ashen na para bang may gusto itong sabihin, pero natigilan ito nang may kung sinong tumawag dito. Hindi pa man din ito nakakalingon, may nakasabit na sa leeg nito.

Nawala na naman ang ngiti ni Solar nang makita ang isang matangkad at sexy na babaeng nakasuot ng one piece bikini ang yumakap kay Ashen mula sa likuran. Nang lingunin ito ng binata, natawa ang dalaga at kumapit sa leeg ng ex-boyfriend niya.

Tumalim ang tingin niya sa babae dahil nakilala niya ito.

Milette.

Ashen's girl best friend.

"I missed you, Ash!" masiglang bati ni Milette kay Ashen, nakadikit ang malulusog na dibdib sa katawan ng binata. "Buti naman at dumalaw ka uli dito."

Naikuyom ni Solar ang mga kamay. Ahead sa kanila si Milette ng isang taon kaya hindi na niya ito naabutan sa university no'ng naging sila ni Ashen. Pero malaki ang impluwensiya ng babaeng ito sa ex-boyfriend niya noon. At hindi siya nito gusto para sa "best friend" nito.

The feeling is mutual.

"Ang kulit mo, eh," nakangiti at halatang masaya na sagot ni Ashen, titig na titig sa mukha ni Milette. At ang magaling na lalaki, mukhang enjoy na enjoy sa pagdikit ng katawan ng best friend nito, ha. "Baka mamatay ka sa sobrang pagka-miss sa'kin kaya nagpunta na ko. Napanood mo na 'yong Doctor Strange? Ano sa tingin mo ang magiging role niya sa Avengers? I've read some crazy fan theories that he might–"

"Shh!" natatawa at pabirong saway ni Milette na pinatong pa ang daliri sa mga labi ni Ashen. "Lumalabas na naman ang pagiging Marvel trash mo. Baka ma-bore na ang friend mo." Nakangiting nilingon siya ni Milette. "Hello, Solar."

Gustong lumabas ng old version ni Solar, aka ang bitch side niya, pero pinaalala niya sa sarili na nagbago na siya. Kaya ngumiti siya kay Milette kahit ang totoo ay gusto niya 'tong tingnan mula ulo hanggang paa at sabihing mas sexy pa rin siya rito.

Bakit hindi ko pa dinala 'yong bikini ko?!

"I've seen Doctor Strange, too," nakangiti at kalmadong sagot ni Solar kay Milette kahit nangangati ang mga kamay niyang hilahin ito sa buhok nang lumayo-layo naman ito kay Ashen. "Puwede akong sumali sa discussion niyo mamaya. I also have my own crazy theory about what's going to happen to the next Avengers movie. Nakaka-excite, 'di ba?"

Halatang nabigla si Milette, pero nakabawi rin agad at ngumiti. Mabuti na rin na kumalas na ito sa pagkakayakap kay Ashen para harapin siya. "I didn't know you're into sci-fi films now. No'ng pinilit kami ni Ashen dati na mag-marathon ng Star Trek, tinulugan mo lang kami."

Napangiti si Solar ng totoo. Bigla niya kasing naalala na no'ng gabing nag-marathon sila, nagpanggap lang siyang tulog. Nang buhatin siya ni Ashen papunta sa kuwarto nito para maging komportable ang tulog niya, hinalikan niya ang binata hanggang sa nag-make out na sila ng halos isang oras.

Naramdaman niyang nakatingin sa kanya si Ashen kaya nilingon niya ito. Nang nagtama ang mga mata nila, unti-unting nawala ang ngiti niya. Ah, mukhang naalala rin ng binata ang memory na nag-flashback sa kanya kani-kanina lang.

The pained look on his face was enough proof that he was still hurting because of her.

Second Couple DutiesWhere stories live. Discover now