16th Task

1.8K 64 7
                                    

"I'M CRAVING for munggo ice candy," deklara ni Prime pagkatapos nilang mag-dinner. Saka nito nilingon sina Solar at Ashen. "Naalala niyo 'yong home-made munggo ice candy na binibili niyo dati kapag nandito tayo? Ka-close niyo na 'yong may-ari niyon, 'di ba? Puwede kayang bumili kayo sa kanila ngayon?" Sinipat nito ang wristwatch. "Ala-siete pa lang naman. Isang tricycle lang 'yong tindahan mula dito sa resort, 'di ba? Aabot pa kayo."

Muntik nang sipain ni Unica si Prime na katabi niya samantalang nasa tapat naman nila sina Solar at Ashen, halatang nabigla sa mga sinabi ng loko. Si Milette naman na nasa kabilang gilid ni Ashen, halata ang pagsimangot at pagtalim ng tingin kay Prime.

Silang lima na lang ang naiwan sa mesa dahil nakatoka sa paghuhugas ng mga pinagkainan ang dalawang pares ng kambal para ngayong gabi.

Gosh. Kahit elementary student, mahahalata na sine-set up ng pandak na 'to 'yong dalawa!

"Bigla rin akong nag-crave," nakangiting sabi ni Solar, sabay tingin kay Ashen. "Should we buy some? Medyo mainit din ngayon, eh. Masarap mag-munggo ice candy."

Hindi sumagot si Ashen, pero hindi rin tumanggi. Mukhang pinag-iisipan ng lalaki ang isasagot.

Uuuyyy, may chance! Papayag na 'yan! Konting push na lang!

Nakangiting nilingon naman ni Unica si Prime na nakangisi sa kanya na para bang sinasabing dapat siyang magtiwala dito. Pasimple pa nga itong nag-thumbs up sa kanya. Siyempre, nag-thumbs up din siya.

Mukhang alam na alam nga ni Prime ang ginagawa niya para utuin si Ashen.

"Puwede akong sumama," alok naman ni Milette, sabay hawak sa kamay ni Ashen. "Kilala rin naman ako ni Manang Neneng, ha? Saka hindi na ko nakakadalaw sa tindahan niya kapag umuuwi ako rito. I want to say hi to her. And I miss her ice candy, too."

Nalaglag ang mga balikat ni Solar.

Naikuyom naman ni Unica ang mga kamay sa sobrang inis. Binunggo niya ang binti ni Prime sa ilalim ng mesa. Hindi puwedeng sumama si Milette kina Solar at Ashen!

Tumikhim naman si Prime na parang nakuha ang message niya. Binigyan nito ng nananaway na tingin si Milette. "Hindi ka puwedeng sumama sa kanila kasi sasamahan mo pa ko."

"Saan naman?" sabay na tanong nina Unica at Milette.

Napatingin sa kanya si Prime. Nang mag-iwas lang siya ng tingin, nakita niya sa gilid ng mga mata niya na si Milette naman ang hinarap nito. Pero kahit hindi siya nakatingin ng deretso dito, siniguro naman niyang talasan ang pandinig. Saan naman kasi pupunta ang loko na 'to kasama si Milette?

"Your friends are also here, right?" sagot ni Prime. "You promised to introduce the girls to me. Lalo na 'yong Kenya ba 'yon? She's totally my type."

Nalaglag ang panga ni Unica sa sobrang gulat. Hindi lang dahil sa mga sinabi ni Prime, kundi dahil na rin sa naramdaman niyang kakaibang paninikip ng dibdib. Mas malala pa 'to ngayon kaysa no'ng hindi siya makahinga dahil sa usok kanina. Parang pati puso niya, masakit na rin.

May ulterior motive pala ang Prime na 'to sa pagsama sa resort. Siguro alam nito na dadalhin ni Milette ang mga female friend nito. Kenya, ha? Ang bilis makahanap ng hook-up ng buwisit na 'to!

"Kapag hindi mo ko pinakilala kay Kenya, susundan ko kayo," parang batang banta ni Prime. "I'm serious, Milette. Hindi kita patatahimikin."

Natawa si Milette. "Fine, fine. I'll introduce you to Kenya." Nilingon nito si Ashen. "See you later, Ash."

"Okay," sagot lang ni Ashen, saka nito nilingon si Solar. "Okay lang ba sa'yong samahan ako?"

Napangiti naman si Solar saka ito mabilis na tumango. "Oo naman."

Nabawasan ang sama ng loob ni Unica nang makita ang ngiti ni Solar. Natawa naman siya nang lumingon sa kanya ang best friend niya para sumenyas na aalis lang ito saglit. Nakakatuwa ang excitement na nakita niya sa mukha nito. Hindi niya gusto na para itong aso na nakabuntot kay Ashen na halatang sinasadyang maglakad ng mabilis, pero inisip na lang niya na para 'yon sa kasiyahan ng kaibigan niya.

Sana talaga mag-pay off ang lahat ng pagtitiis mo, Solar.

"Let's go, Prime."

Mawala ang ngiti ni Unica nang marinig ang pag-aaya na 'yon ni Milette kay Prime. Naiinis siya kasi hindi niya alam kung bakit siya naiinis. It didn't even make sense to her!

"I'll be back," bulong sa kanya ni Prime na tinapik pa siya sa balikat. "You okay without me?"

Binigyan ni Unica ng masamang tingin si Prime. "Of course."

Kumunot ang noo ni Prime. Mukhang may sasabihin pa ito pero natigilan ito nang tawagin uli ni Milette na naglalakad na palayo. "Chill ka lang, Unica."

Hindi na sumagot si Unica. Hinintay niyang sabihin ni Prime na hindi ito aalis hangga't hindi niya sinasabi kung bakit mainit ang ulo niya. Pero ang buwisit na lalaki, tumayo lang at patakbo pang sumunod kay Milette. He can't wait to get laid, huh?

Naiinis na tumayo siya nang mawala na sa paningin niya sina Milette at Prime. Pagkatapos, umupo siya sa gilid ng pool at nilublob ang mga paa sa tubig habang nagmumukmok.

Bakit ba ko nagagalit? Wala naman akong pakialam kung magka-hook up ang Prime na 'yon. Ang kailangan ko lang naman sa kanya eh tulungan akong masolo ni Solar si Ashen para makapag-usap 'yong dalawa. 'Yon naman exactly ang ginagawa niya kaya wala akong reason para magalit sa kanya.

Second Couple DutiesWhere stories live. Discover now