7th Task

2K 70 6
                                    

NGAYON lang na-excite si Solar na pumunta sa isang public waterpark resort. She was more of a beach person and she loved the sand, especially white sand, but what she wanted didn't matter anymore.

Ang mahalaga, makakasama niya uli si Ashen. Makakausap. Matititigan. At sana, mahawakan uli.

"I shouldn't wear bikini," iiling-iling na bulong ni Solar sa sarili habang nakatingin sa nakalatag na two-piece bikini sa kama. Binili niya 'yon kahapon nang mag-shopping siya ng mga bagong damit para sa outing nila mamaya. Nagustuhan niya ang bikini na alam niyang babagay sa figure niya, pero bigla siyang may naalala. "Conservative si Ashen. Ayaw niyang nagsusuot ako ng sexy. No'ng kami pa, kahit maiksing shorts o mini-skirt, ayaw niyang pinapasuot sa'kin."

Naghikab naman si Unica na nakahiga sa kama at halatang antok na antok pa. Hindi pa kasi ito natutulog dahil nag-update ito ng nobelang sinusulat nito. "Alas-kuwatro pa lang ng umaga, Solar. Mamayang six AM pa naman ang meeting time, eh. Bakit gising ka na agad?"

"I suddenly remembered how old-fashioned Ashen is," sagot naman ni Solar, saka niya kinuha ang bikini at tinago 'yon sa closet niya. Naghanap siya ng plain white V-necked shirt at maiksing walking shorts. Puwede na 'yong pang-swimming. "I'm sorry, Unica. Hindi tayo makakapag-twinning mamaya since hindi ko na isusuot 'yong bikini ko."

"You love showing off your curves. You don't go on a strict diet and religiously go to the gym three days a week for nothing," halatang inaantok na sagot ng best friend niya. "Mas mahalaga ba talaga kung ano ang gusto ni Ashen? Sayang naman ang pinaghirapan mong abs kung itatago mo lang."

Tiniklop ni Solar ang T-shirt at shorts na kinuha niya sa closet at nilagay 'yon sa backpack na dadalhin niya. "I don't care about that anymore. All I want right now is to be with Ashen again. I'll sacrfice anything for a chance to make it up to him."

"You're really qualified as a heroine, huh?" nakapikit nang sabi ni Unica. Mukhang hindi na nito kinaya ang antok. "Halos lahat ng female lead sa mga nabasa kong romance books, sing stubborn mo. Lahat siguro ng in love, ganyan katapang 'no? Kahit alam nilang masasaktan sila, i-ri-risk pa rin nila ang lahat ng meron sila para lang makuha ang sobrang elusive na happy ending."

Napangiti si Solar habang zini-zipper na ang bag niya. Kaunti lang ang laman niyon dahil iniwan niya rin lahat ng cosmetics at pampaganda niya. 'Yong mga essential gaya ng sunblock lang ang dala niya. Naalala niya kasi na sinabi sa kanya ni Ashen noon na hindi kailangang mag-make up ng mga babae kung nasa beach o resort dahil mababasa lang din naman ang mga ito sa tubig. May point naman ito. "Tumatapang lang naman ang mga taong in-love kapag nasaktan na sila. Kasi alam nila na kahit masaktan uli sila, mas kakayanin nila 'yon kaysa mawala 'yong mahal nila."

Nagmulat ng mga mata si Unica, seryoso ang mukha. "Solar, I don't want to dampen your mood, pero masama talaga ang kutob ko sa outing na 'to."

Umupo si Solar sa kama at binigyan ang best friend niya ng nagtatakang tingin. "Bakit naman?"

Umayos ng upo si Unica at hinarap siya ng dilat na dilat na ang mga mata. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. "Ashen is a geek. Naïve siya pero may trust issues siya, 'di ba?"

"Oo," tumatango-tangong pagsang-ayon naman ni Solar. "Naikuwento niya sa'kin noon na 'yong daddy, kuya, at uncle niya, iniwan ng mga asawa. Kaya nga takot siya sa mga babae, lalo na sa mga lumalapit sa kanya. The only girls he's close friends with are Maxine and Mandie because he's safe with them since the twins are both in a committed relationship with Rush and Dash, respectively." Ngumiti siya ng malungkot. "Naging comfortable siya sa'kin at pinagkatiwalaan niya ko pero sinira ko ang trust niya. Kaya siguradong bumalik ang "trauma" niya sa mga babae." Nang gumuhit ang simpatya sa mukha ng best friend niya, binago niya ang usapan. "Anyway, bakit mo naman naitanong ang tungkol do'n?"

Second Couple DutiesWhere stories live. Discover now