3rd Task

2.7K 86 14
                                    

 "AGAIN, this is Nica Perez, Solar's best friend from 'Betting Hearts.' I will be the narrator of this book until the lead couple finds their way back to each other's arms. Like you, I believe that the story isn't over yet. Everyone deserves a second chance. Especially people who truly regret their mistakes and those who are willing to make things right again. Ashen needs to realize that.

"I can't do it alone, though. That's why I asked Denver Parker, Ashen's best friend, to help me out. But first, I have to convince that handsome cocky brat that Solar deserves another shot..."

Natigilan si Unica sa pag-ta-type sa laptop niya nang ma-realize niyang gumamit siya ng maraming adjective para lang ilarawan si Prime. Bakit niya pinuri at nilait ng sabay ang lalaking 'yon? Ang pangit tuloy ng naging construction ng sentence niya.

'Handsome cocky brat?' Seriously, Nica Perez? Saan galing 'yan?

But Prime was really handsome and cocky and for some reason, the two words perfectly fit in one sentence. Bigla tuloy siyang nainis sa sarili niya. Nakakasira ng concentration ang lalaking 'yon, ha. At hinahayaan naman niya itong sakupin ang kanyang isipan.

"Are you mad at me, Unica?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Joel na kaharap niya. Walang imbitasyon na sinaluhan siya nito sa table for two sa private space ng Hot&Cold Café kung saan siya nakatambay ngayon. "Sorry kung nauna pa kong umiwas sa'yo do'n sa bola. Eh natakot ako. Alam mo namang hindi ako sanay na nasasaktan in a physical way."

Hindi pinansin ni Unica si Joel. Unang-una, hindi naman niya ito sinabihang maki-join sa kanya. Pangalawa, wala naman siyang pakialam kung iniwasan nito ang bola dahil hindi naman niya ito inasahan na ililigtas siya. Pangatlo, nasa ibang lalaki ang isipan niya.

Nangalumbaba siya at napuno na ng guwapong mukha ni Prime ang buong pahina ng kaharap niyang MS word. Naalala niya 'yong nangyari no'ng isang araw sa gym. Muntik na siyang tamaan ng bola at 'yong six feet tall na tulad ni Joel ay yumuko para protektahan ang sarili nito. Not that it mattered.

Natutuwa lang siya kay Prime na tumakbo para habulin ang bola at sinubukan 'yong harangin para hindi siya tamaan. Hindi nga siguro natuloy ang plano nito dahil naprotektahan niya ang sarili, pero nakakataba ng puso ang ginawa nito. It was the thought that counted anyway. Kahit pa hindi siya umaasa ng tulong mula sa ibang tao, lalo na sa lalaki, eh hindi niya maitatanggi na masarap pala sa pakiramdam ang malamang may maasahan siya kapag kailangan.

"Unica–"

"I found you. Finally!"

Napakurap-kurap si Unica sa sabay na pagsasalita ng dalawang lalaki. 'Yong tumawag sa pangalan niya, si Joel 'yon. 'Yong isa naman, parang boses ni Prime. Tama ba ang pagkakarinig niya?

Para bang sagot sa tanong niya, marahang binagsak ni Prime ang kamay sa mesa at yumuko para lingunin siya. Gaya ng madalas, matalim ang tingin nito sa kanya. "Alam mo bang muntik ko nang malibot ang buong university kakahanap sa'yo?"

Hindi nakapag-react si Unica. Bukod sa malapit ang mukha ni Prime sa kanya at tinatamaan siya ng mabango nitong hininga, nagulat din siya na nandito na ito ngayon sa harap niya dahil kanina-kanina lang ay nasa isipan niya lang ito. That's so cringe-worthy, alter-ego.

"Ni hindi mo man lang sinulat ang contact number mo sa pinahiram mong libro," iritado pa rin na pagpapatuloy ni Prime. "May pasabi-sabi ka pa na mag-usap tayo kapag tapos ko nang basahin 'yon, 'tapos wala ka naman palang iniwang number kung saan kita puwedeng ma-contact. How did you expect me to find you? Magtanong sa mga kaklase mo?"

"Pa'no mo ko nahanap?"

"Eh di pumunta ako sa college building niyo para magtanong sa mga kaklase mo," nakasimangot na sagot nito. "Alam mo ba kung gaano kahirap hagilapin ang mga graduating student? Buti nga at may kaklase kang nagpasa ng hardbound thesis kaya may napagtanungan ako kung saan kita mahahanap."

Second Couple DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon