2nd Task

2.9K 106 14
                                    

PRIME hated tall girls. Mas gusto niya 'yong mga petite at maliliit na babae na cute at parang masarap ibulsa. Hindi gaya ng higanteng 'to sa harap niya.

Pinasadahan niya ng tingin si Unica. She was tall and skinny and gangly. Mas lalong nahalata ang mahahaba nitong biyas dahil sa suot na short-sleeved shirt at ripped jeans na humubog sa mala-milya-milyang haba ng mga binti nito. Partida pa 'yon dahil naka-sneakers ito at hindi naka-heels.

Ah, shit. Stop thinking about stupid things, Prime.

Humalukipkip at tumingin si Prime pababa kay Unica. Well, nakatuntong kasi siya sa baitang ng bleacher samantalang nasa ibaba naman ang babae habang nakasandal sa railing at nakahalukipkip din habang nakatingin pataas sa kanya. 'Yan, ganyan dapat. "What do you want from me, Unica?"

Kilala niya si Unica dahil best friend ito ng first girlfriend (well, first ex-girlfriend na ngayon) ng best friend naman niyang si Ashen. Saka bukod do'n, kasama ang babaeng ito sa listahan ng pinakamagagandang estudyante sa unibersidad nila kaya sikat din ito gaya ni Solar.

Unica's morena beauty was opposite to her mestiza friend, but it didn't make her inferior. Filipina ang ganda nito. Her lightly suntanned complexion also looked smooth and soft. Morena pero halatang makinis ang balat nito at pantay ang kulay. Kung sasali ito sa Binibining Pilipinas, siguradong mananalo ito.

"I need your help, Prime," deklara ni Unica, nakatitig sa mukha niya. "Kailangan mo kong tulungan na gumawa ng way para magkaayos sina Solar at Ashen."

Tumaas ang kilay ni Prime pero bumaba naman ang tingin niya sa mahaba at payat na leeg ni Unica, pababa sa collarbones nito na kita dahil sa maluwag na neckline ng pang-itaas nito, idagdag pa na nakapusod ang mahaba nitong buhok. Damn, why did her neck and collarbones look attractive to him? Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya dahil ang Unica na 'to ang best friend ng kaaway na si Solar, ang walang pusong babae na nanloko kay Ashen! "Bakit naman kita tutulungan? Sinaktan ng kaibigan mo ang kaibigan ko. Pasalamat ka nga at mabait ako para kausapin ka pa."

"Kasalanan natin kung bakit nangyari 'yon kina Solar at Ashen."

"Excuse me?"

"Best friend ako ni Solar pero hindi ko siya napigilan sa pustahan na 'yon," paliwanag ni Unica, saka siya nito tinuro. "Best friend ka ni Ashen pero wala kang ginawa para i-convince ang kaibigan mo na pakinggan ang explanation ni Solar. You probably even urged your friend to completely shut her out."

Kumunot ang noo ni Prime sa pinaghalong pagtataka at iritasyon. "Damn right, woman. Ako nga ang nagsabi kay Ashen na itrato niyang non-existent na ang Solar na 'yon. Bakit ko naman i-ko-convince ang kaibigan ko na palapitin uli sa kanya ang kaibigan mong manloloko at heartbreaker?"

"Hindi manloloko at lalong hindi heartbreaker si Solar," giit ni Unica, masama ang tingin sa kanya. "She might have messed up, but it was only because of peer pressure. She deserves another chance, you know. Pinagsisisihan naman niya ang nagawa niya kay Ashen."

"Dapat lang. Hindi niya lang sinaktan ang kaibigan ko. She ruined him," galit na sabi naman ni Prime. Maalala pa lang niya ang estado ni Ashen no'ng mga unang araw simula nang wasakin ni Solar ang puso nito, nag-iinit na ang ulo niya. Simula no'ng nasa elementary pa lang ay magkaibigan na sila at kahit magkasing-edad lang sila, parang nakababatang kapatid ang turing niya kay Ashen. "He might be tall and may appear wild because of his man bun, but he's a softie inside. He's actually a goofball. Ni hindi nga siya makatingin o makalapit sa mga babae sa sobrang mahiyain niya, eh. Tapos dumating si Solar at kinulit-kulit ang kaibigan ko. Inosente si Ashen kaya siyempre, mabilis siyang nauto ng kaibigan mo. And right when he's completely fallen for her, saka naman namin malalaman na nakipagpustahan lang pala 'yang si Solar kaya nakipaglapit kay Ashen. Ano sa tingin mo ang naging epekto niyon? My friend was devastated, of course! Muntik na nga niyang ibagsak 'yong nakaraan sem sa sobrang lutang at sobrang lungkot niya, eh. Kung hindi pa siguro namin siya binantayan, baka hindi namin siya kasabay maka-graduate ngayong taon." Bumuga siya ng hangin para kalmahin ang sarili. "Kasalanan lahat ni Solar 'to. Wala akong balak maging instrument para makalapit uli siya kay Ashen."

Second Couple Dutiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें