6th Task

2K 80 6
                                    

"... AND even though half of his body was soaked, he didn't complain. Not even once. That was when I realized that he has nothing to be insecure about his height. In fact, he's manlier than most six footer guys I know. Denver is cocky, yes. But behind that arrogant attitude, I can see that he's a caring friend. Because of that, I almost believed that he's a decent guy despite his tough exterior. Until I found out that..."

"He's a fuckboy," inis na bulong ni Unica sa sarili habang nanggigigil sa pag-ta-type sa keyboard ng phone niya. Naglalakad siya palabas ng university kaya sa phone na lang siya nag-type himbis na sa laptop. Wala naman kasi talaga siyang balak mag-update sa nobela niya ngayon. Pero may nangyari. "That handsome cocky brat is a fuckboy. How does he even get laid with his bad attitude?!"

Aksidente lang niyang nalaman ang tungkol sa "reputasyon" ni Prime sa mga babae. Hindi naman kasi siya tsismosa at wala siyang pakialam sa lalaki noon.

Hanggang sa may maganda at sexy na Tourism female student ang lumapit sa kanya kanina at tinanong kung siya daw ba ang bagong "fubu" ni Prime na posible raw dahilan kaya hindi na sinasagot ng lalaki ang mga tawag nito. Nagbilin pa ang babae na huwag daw siyang ma-i-in love sa "simpleng fuckboy" na gaya ni Prime dahil masasaktan lang daw siya katulad nito. Pagkatapos, nag-walk out na ito ng umiiyak.

Sa sobrang shocked niya, hindi na siya nakapagsalita.

"I can't believe I was mistaken as his new fuck buddy! Do people in our university really think that I have that kind of relationship with that stupid cocky bastard?! My image is ruined!"

Gigil na gigil pa rin si Unica sa pag-ta-type sa phone niya ng mga hinanakit niya nang may dumaang big bike sa gilid niya. Napansin niya dahil bukod sa maingay ang makina niyon, bumusina pa ito. Sa gulat nga niya ay muntik pa niyang mabitawan ang phone niya. "Shit ka!" galit na sigaw niya sa rider. Hindi siya nagmumura pero mainit ang ulo niya ngayon. Ewan din niya kung bakit. "Mabasag sana side mirror mo!"

Sa pagkagulat niya, huminto ang big bike at pumarada sa gilid ng nilalakaran niyang sidewalk. Mas lalo siyang natigilan nang bumaba ang rider at pumihit paharap sa kanya. Hala! Narinig ba siya nito kaya ito huminto para awayin siya? Naka-helmet ang lalaki at nakasuot ng itim na leather jacket. Hindi ito katangkaran, pero maganda ang bulto nito. Parang kaya siyang patulugin sa suntok.

Nawala lang ang kaba niya nang tanggalin ng rider ang helmet nito at sumalubong sa kanya ang nakangising mukha ni Prime.

"Hey," malakas na bati sa kanya ni Prime. Sinabit nito sa big bike nito ang helmet nito bago naglakad palapit sa kanya. "Pauwi ka na ba..." Unti-unti itong natigilan at kunot-noo siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. "What the hell are you wearing, Unica?"

Tiningnan ni Unica ang sarili niya. Suot niya ang costume na pinagawa niya para sa creative shoot na bahagi ng pictorial ng klase nila para sa year book. Kanina lang 'yon kaya hindi na siya nagbihis.

Female version ni Jollibee ang costume niya at siya mismo ang nag-design niyon. Short-sleeved red dress 'yon na may yellow stripes sa balloon skirt. Meron din siyang white fingerless gloves, red leggings, at yellow boots. Naka-bun ang buhok niya na nakatago sa ilalim ng malaking white hat na may nakakakabit na parang antenna ng bubuyog. Higit sa lahat, meron din siyang pakpak na suot sa likuran niya.

"This is what I wore during our creative shoot earlier," sagot ni Unica, saka siya nag-angat ng tingin kay Prime na nahuli niyang nakangiti habang titig na titig sa mukha niya. "This is a tribute to Jollibee. Sa kanya kasi ang savior namin kapag kinakapos kami ng budget dahil sa gastos ng thesis."

Napangisi si Prime habang iiling-iling. "Ikaw lang ang babaeng kilala ko na hindi nagmukhang tanga sa ganyang costume." Akmang kukurutin nito ang mga pisngi niya pero isang matalim na tingin niya lang dito, huminto ito at hangin na lang ang kinurot bago binaba ang mga braso sa magkabilang-gilid. "Ngayon ko lang napansin na kahit payat ka, sing taba naman ng cheeks ni Jollibee ang mga pisngi mo. Nakakagigil."

Second Couple DutiesWhere stories live. Discover now