10th Task

2.1K 75 6
                                    

"HE'S HERE! WHY? WHY? WHYYYY?!!!!!!!!!!"

Hindi makapaniwala si Unica na gumagamit siya ng all-caps at sobra-sobrang punctuation marks habang nag-a-update ng nobela niya gamit ang phone niya. Bago pa masira ang career niya, tinigil na niya ang pagsusulat. Nagmukha lang namang rant ang mga sinusulat niya ngayon.

Binaba niya ang phone niya sa mesa at tinitigan 'yon ng masama.

Calm down, Unica Perez. May logical explanation naman siguro kung bakit nagpaiwan din si Prime. Sigurado namang hindi lang ang pagsundo sa'yo ang dahilan kung bakit nandito siya, 'di ba?

"Hindi ka ba kakain?" tanong sa kanya ni Prime sa boses na parang inis. Barumbado talaga ang lalaking 'to kahit kailan. "Kailangan na nating pumunta sa bus terminal para makahabol na tayo sa kanila."

Nag-angat si Unica ng tingin sa bad boy na kaharap niya. Magkasalo sila sa pandalawang mesa sa isang fast food chain. Ang side nito, puno na ng tatlong balot ng burger na nakain nito simula nang umupo sila ro'n. Ngayon nga, chocolate sundae naman ang kinakain nito. "Saan kaya napupunta ang nutrition sa mga kinakain mo at hindi ka tumatangkad?"

Binitawan ni Prime ang cup ng sundae nito at tumingala. "Lord, nagsimula na naman po ang kalbaryo ko. Pakitaasan naman po ang dosage ng baon kong pasensiya ngayon. Malapit ko na talagang patulan ang babaeng 'to, eh."

Ayaw mang aminin ni Unica, pero gumaang ang pakiramdam niya na normal na uli ang kilos ni Prime. Mukhang hindi na ito galit sa kanya. No'ng nag-thumbs up nga siya rito kanina matapos nitong i-headbutt si Joel ay ngumiti na ito. 'Yong totoong ngiti na walang halos kalokohan.

Speaking of Joel, the douche ran away after being "attacked" by Prime. Bumalik sa loob ng subdivision ang lalaki pero sigurado naman siyang nakalimutan na nito ang pagpunta sa mga magulang niya.

Sila naman ni Prime, tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada para kumain ng almusal sa nakita nilang fast food chain. Ang sabi kasi ng bad boy na 'to, gutom na ito. In fairness sa binata, tinanong na siya nito kung ano ang gusto niyang kainin bago ito um-order. Kahit tumanggi siya, ito pa rin ang nagbayad ng pagkain niya. Oo, nilibre na naman siya nito.

"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?" kunot-noong tanong ni Prime.

Sumimangot si Unica at bumaba ang tingin niya sa binabalatan niyang chicken burger. Kumagat, ngumuya, at lumunok muna siya ng ilang beses bago muling nagsalita. "I like reading books."

"So what?"

Nag-angat ng tingin si Unica kay Prime na sunud-sunod na nag-scoop ng ice cream gamit ang kutsarita at sunud-sunod na sumubo habang nakatitig sa kanya na parang hinihintay ang susunod niyang sabihin. Minsan talaga, nasosobrahan sa pagiging manly ang lalaking 'to. But then again, him being brute was exactly what made him a bad boy.

'Bad boy.'

"... hindi mo puwedeng i-box sa mga trope ang characteristics ng mga tao sa paligid mo. Hindi mo rin puwedeng i-expect kung ano ang magiging reaction o pag-iisip nila sa mga bagay na nangyayari sa kanila base lang sa nabasa mong libro. Real people are more spontaneous than book characters."

Natigilan siya nang marinig sa isipan ang mga sinabing 'yon ni Solar sa kanya kanina. Hindi niya na-realize na tinatrato na pala niya ang mga tao sa paligid niya na parang book characters. Na hinuhusgahan agad niya ang mga ito base sa mga katangian ng mga fiction characters na nabasa niya. Pinapangunahan din niya ang mga posibilidad na aksyon o sasabihin ng iba base pa rin sa mga libro niya.

Nagpapasalamat talaga siya sa best friend niya dahil sa paggising nito sa kanya at sa pagbibigay ng advice sa paraan na hindi siya masyadong masasaktan o mapapahiya.

Second Couple DutiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora