Napatingin ako sa pinto ng apartment ko. Kinakalampag na niya ito ngayon. Luma narin ito kaya hindi malabong masira ito kapag pinatuloy pa ang pagkalampag.

"B-bubuksan mo ba girl?" Halata sa boses ni Pepay na kinakabahan siya para sa akin. Pero kung siya nga kinakabahan, ako pa kaya?

"Oo.. Baka masira eh." ngumisi pa ako para maibsan at maitago ang kabang nararamdaman ko.

Mukhang panibagong pasakit nanaman sa katawan ang aabutin ko pag binuksan ko ang pintuan. Kaya lang wala akong choice. Dumiretso ako sa pintuan at pinihit ang door knob. Pero hindi ko pa nga nabubuksan, itinulak na ito ng aking ama at malakas akong sinampal.

Wooh! Hindi pa nga maayos sugat ko, nakarecieve na ako ng sampal.

"D-Daddy.." nanginginig at naiiyak kong sambit sa pangalan ng aking ama.

"Walang hiya kang bata ka! Wala kanang ibang ginawa kundi magdala ng kahihiyan at problema sa pamilaya natin!"

Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Ibang iba na sa dati niyang pakikitungo sa akin.

"D-Daddy.. W-wala po akong kasalanan.." "Sinungaling ka! Nabalitaan ko ang lahat! Lahat ng nangyari! Naglalandi ka sa skwelahan mo! Kung sino sino ang sinasama mo!"

Nakaramdam ako ng galit. Hindi niya manlang ba muna ko tatanongin kung totoo ba ang mga nasagap niyang yun?

Sabagay.. Paniniwalaan nga naman niya siya.

"H-hindi po yan totoo!" napasigaw ako.

Nakita kong mas lalo siyang nagalit sa naging sagot at pagtaas ko ng boses.

"At talagang sumasagot kana ha?! Hindi kita pinalaki ng ganyan Chriscely! Kanino mo nakuha ang paglalandi mo ha?! Sa kaibigan mong yan?! Sa baklang yan?!" itinuro niya si Pepay na nasa gilid ko.

Para akong bomba na sinindihan dahil sa galit. Seryoso ko siyang tinignan.

"Kahit kailan, hindi niyo ako pinakinggan. Walang kinalaman ang kaibigan ko dito. Ang mga nasagap niyong chismis, nasa sa inyo na kung paniniwalaan niyo." Mariin kong sabi sa kanya.

"Talagang pinaniniwalaan ko iyon! Ito ang tatandaan mo Chriscely.. Sa oras na malaman kong gumawa ka nanaman ng gulo, hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin. Tandaan mo yan!" dinuro niya pa ako at walang pasabing tumalikod at binalibag ang pinto ng apartment ko.

Napaupo nalang ako sa sahig. Napahagulhol ako ng iyak.

Ni hindi niya manlang napansin ang bandage na nasa ulo ko.

I hate you dad!

                   

                       

KINABUKASAN

Parang papatayin na talaga nila ko sa masasama nilang tingin. Naglalakad ako ngayon sa hallway. Mabuti naman at maayos narin yung sugat. As usual nakadaster ako ngayon. Marami nanaman akong narinig na ang luma ko daw. Kasing luma ng suot ko.

Asus! Eh sa komportable ako dito eh! Paki ba nila? Hindi naman sila yung sumusuot?! I ignored them nalang.

Dumiretso ako sa klase ko. At talagang ang aga ko ngayon dahil si Jessica lang ang isang tao sa classroom.
Napatingin siya sa gawi ko.

"Kamusta ka?" tanong niya sa akin.

Napalunok naman ako at tinungo ang bakanteng silya sa unahan niya.

Ito talagang bestfriend ko nakakatakot! Palaging seryoso. Ang ganda niya pa naman pag ngumiti. Hays.

"Okay naman.. Nga pala hindi mo ko binisita kahapon." ngumuso ako.

"May ipinaasikaso ang magaling kong Ama sa akin. At alam mo kung bakit hindi ako pumunta." seryoso niyang sabi sa akin.

Natigilan ako. "J-Jess.." I stuttered.

"Sabi mo hindi kana lalapit sa kanila!"

Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya sa akin. Galit siya.

"K-kasi Jess.." Hindi ko madugtongan.

"Para narin to sayo Chris. Satin. Sana naiintindihan moko. Nag-usap na tayo about dito. Please.. Wag kanang gumawa ng mga kalokohang bagay na makapagpahamak sayo!"

Napapikit ako sa binitawan niyang mga salita. Lahat ng yun tinamaan ako. Pero may isang bagay pa na makakapatunay na hindi ako ang nauna.

"Sila ang unang lumapit sa akin. Hindi ako." diretsahan kong sabi sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya.

For the first time natigilan siya. Pero agad ding nakabawi.

"Pwes.. Lumayo ka. Ikaw na ang gumawa ng mga bagay na makakapaglayo ng sarili mo sa kanila. Gayahin moko Chris.." madiin niyang sabi.

Umiling ako. "Hindi kita kayang gayahin Jess. Hindi ko kayang ibahin ang pagkatao ko." sabi ko.

She smirked. Ibang iba na talaga siya.

"Alam mo ang dahilan kung bakit."

Then, nagsaksak siya ng earphones sa tenga niya. Wala na kong nagawa kundi ang manahimik nalang rin. Yan na ang ginagawa niya pag ayaw na niyang makipagusap eh. Shut up nalang ako.

Maya maya lang ay dumating narin ang Prof namin. Naglecture lang naman siya at nagdismiss naman kaagad. Wala naman akong naintindihan ni isa dahil lumilipad utak ko.

Shetes naman oh!

Tumayo naman si Jessica at walang paalam na lumabas ng classroom.

"Girl.."

Napalingon ako kay Pepay na takang taka na nakatingin sa papalayong Jessica.

"Anyare?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako.

Hahayaan ko nalang muna si Jessica.

"Hi Chris!"

Oh my god! Ang puso ko lumondag! Asan na?! Asan?!

"H-Hi Steven!" oh yeah! Utal pa more!

"Hi Pogi! Oh siya! Maiwan ko na kayong dalawa. Enjoy!" nagwave ng patalikod si Pepay sa amin.

Anak ng---! Iniwan ako! Kaibigan ko ba talaga yun?!

Oo nga pala.. Ang baklitang yun ay binigyan ng panibagong punishment. Malala pa daw sa ibinigay sa aming dalawa. Kaya lang, AYAW NIYANG SABIHIN!

"Tara sa canteen? Libre ko!"

"Ah... Eh.." Ano ba yan! Anong sasabihin ko?!

"Tara na! I don't take no as an answer." sabi niya tapos hinila na niya ako.

Pagkarating namin sa canteen ay may nahanap kaagad kaming bakanteng table. Nagpresinta siyang siya na ang mag-oorder dahil libre naman daw niya.

"Tadaaa!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ni Steven sa harap ko. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Sa ating dalawa to?!" nanalalaking mata kong tinignan ang mga inorder niya.

Cheesecake, chocolate cake, bread roll, lecheflan, spaghetti at dalawang pine apple juice.

"Yup! Dapat maubos natin to!" nakangiting saad niya. Isa isa na niyang inilapag ang mga pagkain sa mesa.

Jusko! Ang gwapo!

Kaya halos patayin nako ng mga babae dito. Mga inggitera talaga!

"Sige ba! Tatanggi pa ba ako?"

Tapos nilantakan na namin lahat. Pero napatigil ako sa pagsubo nang makita ko si Jessica sa hindi kalayuan. Seryoso siyang nakatingin sakin. Nag-iwas ako ng tingin. Pero sa ginawa kong pag-iwas, halos maibuga ko ang leche flan na kinakain ko.

Si Stanley at Bianca! Nagsusuboan!

LECHE! LECHE FLAN!

KAYLAN PA NAGING CLOSE ANG DALAWANG YAN?!

EH ANO BANG PAKI KO?!

AY EWAN! BAHALA SILANG MAGSUBUAN BUONG ARAW!

----

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now