WHAT THE HELL?!

"Wala na nga po. Ito na aalis na." sabi ko nalang at umalis na. Buti pa si Jessica, hindi nadawit.

Eh ako kamusta?! Sabagay, kami naman talagang dalawa ni Pepay ang nagdadaldal eh. Kainis oh!

Pagkalayong pagkalayo namin ni Pepay ay binatukan ko na siya. Yung malakas. Yung todo buhos talaga.

"Ouch nemen girl! Ano bang problema mo saken? Insecure kaba sa ganda ko?" sabi niya habang hinihimas himas ang batok niya.

Anak ng--?!

"Hoy Pepay! Hinding hindi talaga ako maiinsecure sa mukha mo no! Di hamak na mas maganda ako sayo! Lamang ka lang naman ng limang paligo sakin. Hehe." nagpeace sign ako sa kanya.

"Ayern! Mabuti't alerm mo girl! Uso naman kasi telega ang mag-ayows no!"

"Kung pwede ko lang gawin yun Peps. Ginawa ko na." I let out a deep sigh.

Hays. Buhay nga naman.

"Clean the cafeteria for 1 week."

"Whut?!"

"Ano?!"

Sabay naming sigaw ni Pepay. Dean Esmeralda glared at us.

"Why? Do you want 1 month?"

Nanlaki ang mga mata ko. Mukhang eto na nga ba ang kalbaryo eh.

"No Dean. Okay na kami sa one week." nasabi ko nalang at pilit na ngumiti. Kahit labag talaga sa kalooban ko ito.

Para sa ekonomiya ng Pilipinas!

"Good. You may now leave." pagkasabi niya non ay lumabas na kami.

Binatukan ko ulit si Pepay.

"Kainis ka! Kung hindi dahil dyan sa bunganga mo, hindi tayo mapaparusahan!" sigaw ko sa kanya.

Badtrip eh.

"Ehh! Sarry na girl! Dalawey namen tayey eh. Kerebels na natin to!"

Inirapan ko siya. "Ay ewan ko sayo! Tara na nga!"

At nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria. Pagpasok namin....

ANG DAMING KALAT!

Wala na... Kalbaryo na talaga.

"Aba grabe ha! Ang daming basura girl!" Tinignan ko ng masama si Pepay.

"Pinaparinggan mo ba ko?!" galit ko siyang tinignan.

"Ay girl.. Bakit di ka umilag?" ngumisi siya sa akin.

"PEPAY!"

"Hahaha! Jowk lang girl! Ano ka ba! Tara! Hanap na tayong basahan para makauwi tayo agad."

Naghanap nga kami ng basahan. Hapon na pala. Wala na masyadong estudyante ang naririto. Kahit yung janitor para dito sa cafeteria at pati na rin ang nagtitinda ay nakauwi narin siguro. Talagang kami ang maglilinis dito.

"Ay girl! Wala nang basahan ditey! Alam mo girl, may gunting ako sa locker ko." biglang sabi ni Pepay sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"At aanhin mo naman ang gunting aber?!" Ngumiti siya sa akin. Yung nakakaloko.

Pesteng bakla to! Sarap turosin!

"Gupitin natin daster mo!" then tumawa nanaman siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. As in sobrang sama.

IntricateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant