42 (The End)

1.6K 27 2
                                    

Rachel's POV

Hindi na ako natuloy sa pagpunta sa Iloilo. Ayoko kasing makita na nasa loob ng kabaong yung mahal ko. Ayoko.

"Anak, bumangon ka na diyan. Nandito sila Aly." Sabi ni Mommy.

"Ayoko, mommy..." sagot ko at nagtalukbong ng kumot.

"Ayaw mo manlang bang masilip si Jovs sa huling sandali? Anak, ic-cremate na siya pagkarating natin doon." Sabi ni Mommy. Oo, 5 days ng patay si Jovs. Exclusive lang sa close friends at teammates ni Jovs at yung coaches lang yung pwedeng dumalaw.

"Ayoko, mommy. Gusto ko lagi lang siyang nasa paningin ko." Sabi ko.

"Ate, magbihis ka na." Sabi naman ni Denden, hinila nila Aly yung nakatalukbong na kumot sa akin.

Nakita ko yung inihanda nilang black na loose polo at black na skinny jeans.

"Polo yan ni Jovs, suotin mo para kahit papaano yakap ka niya." Sabi ni Aly.

"Let's go, fix yourself na." Sabi naman ni Gretta sa akin.

--**--
Aly's POV

Nag iintay kami ngayon kay Rachel, sobrang awang awa na kami sakanya. Nagkaroon na siya ng pag asa kaso nawala pa.

"Tara na." Sabi ni Ate Chel.

Naka shades siya na black. Sinuot niya yung hinanda namin na damit para sakanya tapos naka black rin siya na heels.

May flight kami papuntang Iloilo, kasama namin yung family ni Rachel.

Sumakay na kami sa van, may driver naman ako.

----

Pagdating namin sa bahay nila Jovs sa Iloilo, nakasara na yung casket niya.

"Ako nga pala yung papa ni Jovs. Ah, Rachel ano? Salamat at nakapunta kayo ha. Intay lang kayo saglit darating na yung pari. Ayun pala yung mommy niya." Sabi nung Daddy ni Jovs.

"Condolence po." Isa isa naming sabi tapos ay naupo kami at pinagmasdan ko yung casket.

Naka upo sa tabi ko si Rachel.

"Sorry kung pinigilan ko yung pag iibigan niyo na anak ko. Pasensya ka na, akala ko kasi sasaktan mo lang si Jovs. Iba kasing magmahal yang anak ko na yan eh." Sabi nung daddy ni Jovs.

"O-okay lang po. M-mahal na mahal ko parin po siya... siya l-lang po a-ang m-mahalin k-ko ng ganito." Sagot ni Rachel.

"Pasensya ka na talaga ha. Pero, nakita ko naman kung gaano mo siya ka-mahal eh. Noong hindi mo siya biinitawan, pero noong tinakot na kita, mas bumilib ako sayo kasi mas pinili mong maging ligtas ang anak ko kaysa sa piliin mong makasama siya pero tinatakot ko kayo." Sabi ulit nung Daddy ni Jovs.

"Okay na po, mag i-start na po ang mass tapos non, cremation na po." Sabi nung pari.

----
Natapos na yung cremation, ang sabi nila tito, si Rachel na raw ang mag saboy ng abo ni Jovs sa tabing dagat. Hinayaan naman namin para magkaroon ng oras si Rachel na mag let go.

--**--
Rachel's POV

Hawak hawak ko ngayon yung urn kung saan nakalagay yung ash ni Jovs. Naka upo lang ako sa tabing dagat at pinagmamasdan yung mga alon. Nakayapak nalang ako ngayon dahil lumulubog sa buhangin yung heels ko.

"Sobrang mahal kita. Alam mo ba yon? Sana naman naiparamdam ko sayo yon noong magkasama pa tayo. Bakit ka kasi pinulikat noon eh! Sabi ko naman sayo dapat kumakain ka ng saging diba? Di ka marunong makinig. Nakaka asar ka... bumalik ka na, please. Sobrang miss na kita, Jovs." Sabi ko sa hawak kong urn.

Tumayo na ako at lumapit sa dagat tapos isinaboy ko na yung abo niya don.

"Hanggang sa muling pagkikita natin, sana sa susunod na buhay natin, ikaw at ako parin. Sana hindi na komplikado yung sitwasyon. Wala na yung mga hadlang." Sabi ko sa hangin at nagpunas ng luha.

Nagulat ako nung may pamilyar na mga brasong yumakap sa akin habang nakatalikod ako.

"Mahal din kita. Ang bagal mo." Bulong niya.

Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin at humarap humarap sakanya.

"J-Jovs..." sabi ko. Totoo ba 'to? O nananaginip lang ako?

"Yes, mahal ko?" Nakangiting tanong niya.

Di ko na napigilan at....

*PAAAAAK!~*

Isang napakalakas na sampal ang pinakawalan ko.

"Para saan yon?" Gulat na tanong niya.

"Para yan sa pagpapaiyak sa akin! Gago ka! Muntik ko pang patayin yung sarili ko at sumama nalang sayo! Alam mo ba yon?! Sobrang hirap non, Jovs!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Kaya nga sinigurado ko na hindi ka iiwanan nila tito eh." Sagot niya naman.

Niyakap niya ako ng mahigpit pero nagpupumiglas ako.

"G-gago ka! Gago ka talaga! Alam mo ba yon! Wag mo ng uulitin y-yun!" Sabi ko at huminto na ko sa pagpupumiglas.

"Sorry na. Pero, Rachel. Pwede bang maging girlfriend na kita?" Tanong niya.

"O-oo naman!" Sagot ko.

Magkayakap lang kami hanggang sa paglubog ng araw.

----------------
A/N: THE END!

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now