26

1.2K 27 0
                                    

Rachel's POV

Naka upo lang ako sa freedom park dahil inaantay ko pa yung oras para sa next class ko.

"Hoy!" Sigaw sa akin ng isang lalaki.

Tinignan ko siya. Di siya sobrang tangkad. Siguro ka height ni Jovs. Moreno yung kulay niya.

"Wow, suplada na." sabi pa niya at naupo sa tabi ko.

"I'm Terrence." Pakilala niya.

"And so?" Pagtataray ko.

"Nakikipag kaibigan lang naman. Wag ka mag alala, safe ka. Player ako ng basketball team." Sabi niya pa.

"Okay. Sige na. Aalis na ko. May klase pa ako." Sabi ko habang nakatingin sa wristwatch ko at tumayo na.

Naglalakad na ako ng bigla akong hilahin nung lalaki kanina. Wala ng gaanong tao dito dahil nasa klase na.

"Wag ka na ngang maarte, nagpapakilala lang naman ako." Sabi niya habang mahigpit yung hawak sa right wrist ko. Same situation years ago...

"Ano na, sabihin mo na pangalan mo..." sabi pa niya.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala.

"Mas lalo ka lang masasaktan pag di mo binigay pangalan mo!" Sagot niya at pilit na kinakaladkad ako papunta sa kung saan.

Nagulat ako ng may humawak sa left wrist ko. Napahinto si Terrence at nilingon yung may hawak sa akin. Nilingon ko rin naman kung sino siya.

"Terrence, may problema ba tayo?" Tanong niya.

"Bakit ka ba nangingialam? Teka, ano mo ba to? Nakikipag kilala lang naman ako." Sagot niya dun sa may hawak sa left wrist ko.

"Pare, girlfriend ko kasi 'tong kinakaladkad mo eh. The last time I checked, hindi naman kaladkarin ang girlfriend ko para ganitohin mo." Mahinahong sabi nung may hawak sa left wrist ko. Unti unti namang binitawan ni Terrence yung right wrist ko.

"Pasensya ka na. Akala ko kasi single pa. Alis na ako ha." Sabi ni Terrence at umalis na.

Niyakap ko siya ng napaka higpit.

"J-Jovs... salamat." Sabi ko.

"Saan ba klase mo? Ihahatid na kita." Sabi niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan siya sa kamay.

"Dun lang." Turo ko sa building ng Business Management.

Sabay kaming naglakad papunta don. Nang maihatid niya ako, umalis na agad siya.

----------------
A/N: nakaka asar hahahaha! Napublish ko yung chapter 18. Jusme.

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now