28

1.4K 31 0
                                    

Rachel's POV

Nagising ako dahil sa sobrang liwanag. Sobrang sakit ng ulo ko. Nilibot ko yung paningin ko... bakit nasa unit ko ako? Dapat nasa dorm diba???

"Oh my!!!!" Tili ko.

Bigla namang bukas yung pinto ng cr dito sa kwarto ko....

"Anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Jovs. Naka tapis lang siya ng tuwalya.

"B-bakit tayo nandito?" Tanong ko habang nakatingin parin sa katawan niya. Di na siya patpatin ah!

"What the...." tanging nasabi niya nung mapansing nakatingin ako sa katawan niya.

"Hey! Eyes on me!" Sabi pa niya.

"Ugh! Nakaka asar! Sa mata ko ikaw tumingin." Sabi niya.

"Hmm. Bakit nga tayo nandito?" Tanong ko.

"Lasing na lasing ka kagabi, tapos di naman kita pwedeng dalhin sa dorm dahil naabutan na tayo ng curfew." Sagot ni Jovs, kumukuha siya ng damit sa closet. Nagbibihis na rin siya.

"Oh... pano mo pala ako nahanap?" Tanong ko.

"Tinawagan ako nung bartender kagabi. Ewan ko kung bakit ako yung tinawagan. Bakit nga ba ako?" Sagot niya, humarap siya sa akin nang nakapag bihis na siya.

"Okaaay. Kasi Captain ka ng team. Nilagay ko sa speed dial number 1 ng phone ko." Paliwanag ko.

"Sige. Kumilos ka na. Iintayin kita sa mesa para sabay na makapag breakfast." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Pumasok naman ako ng cr at nag asikaso ng sarili.

Matapos kong mag ayos, pumunta na ako sa dining area, naabutan ko si Jovs na naka upo na dun. Naupo na rin ako sa isa pang bakanteng upuan.

"Let's eat." Sabi niya at sumandok na ng pagkain niya.

Sumandok na rin ako at kumain ng tahimik.

"Walang training ngayon. Samahan mo ako." Biglang sabi ni Jovs. Napatingin ako sakanya.

"Sa MOA. May bibilhin kasi ako." Dagdag pa niya.

"Okay." Sagot ko.

"Nagdala ka ba ng kotse sa bar kagabi?" Tanong niya.

"Hindi. Nag cab lang ako papunta don." Sagot ko.

"Great, ako na magdadrive." Sabi niya. Di ko na siya inimik at nagpatuloy nalang sa pagkain.

------
Jov's POV

Hapon na ng makarating kami dito sa MOA. Wala nama talaga akong bibilhin. Gusto ko lang siyang makasama.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong niy dahil paikot ikot na nga lang kami dito sa MOA.

"Ah... dun sa ano.... sa department store." Sagot ko.

"Jusko! Kanina pa tayo padaan daan dun. Yung totoo, ano bang bibilhin mo?" Pangungulit niya, di ko siya inimik at tumingin sa wristwatch ko.

"Tara! Alam ko na kung saan tayo pupunta." Sabi ko at hinila na siya papunta sa open area ng MOA.

Nang makarating kami dun, inilatag ko sa sahig yung jacket ko at naupo dun. Tinap ko naman yung space sa tabi ko para maupo siya.

"Anong trip mo?" Sabi pa ni Rachel.

"Gusto ko manood ng fireworks..." sagot ko naman, as if on cue, bigla nang nag start yung fireworks display.

"Ang gandaaaaa...." sabi ko habang nakatingin kay Rachel na mukhang namamangha sa fireworks.

"Mahal kita..." bulong ko, yung ako lang makakarinig.

"Ano yun, Jovs? Tawag mo ko?" Sabi niya habang nakatingin sakin.

"Sabi ko, manood ka lang..." sagot ko.

"Selfie naman tayo..." sabi niya.

Inilabas sa bulsa niya yung phone niya tapos nag selfie na nga kami tapos bumalik sa panonood ng fireworks...

----------------

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now