3 (Adventure Time)

2K 42 0
                                    

Rachel's POV

Maaga kaming nagising ni Jovs dahil sa nag aya nga si Ly na mag bakasyon sa Vigan. Ewan ba don.

"Kain ka muna." Sabi sa akin ni Jovs habang pinaghahanda niya ako ng pagkain.

Nag umpisa na akong kumain. Naupo siya sa tapat ko. Umiinom ng kape habang nagbabasa ng newspaper.

"What newspaper section are you reading ba at bakit patingin tingin ka sakin." Sabi ko dahil nga patingin tingin siya sa akin.

"Uhm.. wala. Wala 'to." Sagot niya. Hinablot ko naman yung newspaper at tinignan yung binabasa niya.

"Ah, sports section pala. Oh, what's with thi---- okay?" Sabi ko dahil nakita ko yung picture ko. Sa UAAP yon, yung mga rookies na papasok. Tapos nabasa ko rin na may isang recruited player for FEU.

"Mmhmm. Sikat ka pala no, Buday?" Sabi niya at humigop ng kape.

"Buday??" Tanong ko.

"Wala, naisip ko lang na Buday itawag sayo." Sabi niya at ngumiti.

Ngumiti nalang din ako. Bakit pag ngumingiti siya, nakakahawa.

"Akala ko magagalit ka eh." Sabi niya.

"Bakit naman ako magagalit? Parang di naman masama meaning nung tawag mo sakin eh. Tsaka, masarap yung breakfast eh." Sabi ko habang kumakain.

"Hmm. Breakfast lang pala katapat mo." Sabi niya at ngumiti na naman.

"Sus! Ngayon lang 'to." Sagot ko sakanya.

"Edi ngayon lang. Oh, nga pala? Na double check mo na ba yung mga gamit na dadalhin mo?" Tanong niya.

"Oo naman!" Sagot ko.

"Galing naman ni Buday." Sabi naman niya.

Si Jovs, magaan siya kasama. I mean, tahimik lang siya pag ayaw ko siyang kausap, pag malungkot ako, ico-comfort niya ako o kaya patatawanin niya ako. Magaling siya sumayaw at kumanta, nagdu-duet nga kami pag bored kami dito sa unit eh. Maalaga rin siya. Pine-prepare niya yung breakfast ko, lunch at dinner.

"Day, sabi ko tara na. Bakit tulala ka diyan." Sabi niya sakin.

"Teka lang, di pa ko tapos kumain." Sabi ko. Naupo naman siya. Yung breakfast ko ay fried rice, fried egg at bacon.

"Say aaahhhh!" Sabi ko sakanya at tinapat sa bibig niya yung kutsara na may pagkain.

"Ayoko." Sabi naman niya.

"Isa! Magagalit ako! Di ka na naman nag breakfast!" Pananakot ko.

"Ahhhh!" Sabi niya at ngumanga. Sinubuan ko siya.

"Ayan, good! Alam mo bang breakfast is the most important meal of the day?" Sabi ko naman.

"Soery, hindi lang talaga ako sanay mag breakfast." Sagot naman niya.

"Well, dapat ngayon masanay ka na. Matagal pa tayong magkakasama dito." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya.

Nang matapos kumain, iniligpit na ni Jovs yung pinagkainan ko at hinugasan yun. Sinigurado niya rin na walang appliances ang nakasaksak, in-off niya rin yung outlet. Siya na rin nagbitbit ng bag ko.

----
Habang nasa biyahe kami, inaantok ako. Si Jovs ang katabi ko. Naka van kami. Van ni Aly, may driver siyang kasama.

Isinandal ni Jovs yung ulo ko sa balikat niya. Naramdaman sigurong inaantok na ako. Nakatulog naman ako ng maayos. Yumakap pa nga ako sa bewang niya eh.

--**--
Aly's POV

Naka upo ako dito sa shotgun seat. Tinitignan ko sila Jovs at Rachel sa rearview mirror.

"Mahal mo na?" Tanong ko kay Jovs.

"Hindi naman siya mahirap mahalin eh." Sagot naman niya at hinalikan sa buhok si Rachel na kasalukuyang masarap ang tulog.

"Mabuti naman at nagkaroon siya ng taong mamahalin siya. Hindi yung siya yung unang nagmamahal." Sabi ko at ngumiti.

"Bakit?" Tanong ni Jovs.

"Lagi kasing umiiyak yan pag nagkaka crush siya tapos magkaka jowa. Tsaka laging failed yung relasyon niyan. Yung una niyang boyfriend, nagustuhan lang siya dahil sikat siya sa school nila dahil nga volleyball player. Tapos yung sumunod naman, ganon rin. Ginamit lang din siya." Paliwanag ko.

"Hindi ko naman gagawin yun sakanya..." sagot ni Jovs.

"Sige. Ipagkakatiwala ko sayo si Rachel ha. Pag tiyagaan mo nalang. Baliw kasi yan." Sabi ko.

Nginitian niya lang ako. Di na ako nagsalita at umidlip na rin ako.

----------------
A/N: short UD!

I Bought A Boyfriend Not A GirlfriendWhere stories live. Discover now